Yah right wala talaga akong choice kaya ng buksan ni jake ang pinto ng sasakyan ni Harris para sa akin, wala akong nagawa kundi ang sumakay doon, pagpasok ko pa lang ng sasakyan ay nanoot agad sa ilong ko ang amoy ni Harris, sa halip na ma tense ako ay pinakalma ng amoy na yun ang aking pakiramdam.Nakita kong Sumakay naman sa magkahiwalay na ducati motorcycle sina jake at paulo.
Nauna ng umusad ang motorsiklo ni Paulo na sinundan namin tapos nasa likuran naman namin nakasunod si jake.
"Ano mo ba talaga yang dalawang yan, member ng board o bodyguard.
" Pareho at higit pa dun. Paulo is my beta or second in command si jake ay ang pinuno ng mga warrior at guardian which make him the third in command... Trabaho nilang bantayan tayo at siguradohin ang kaligtasan natin lalo na ikaw."
"Marami ba kayo.?"
"Yah... 25% ng kabuoang empleyado ng Delvo ay wolf , 25% ay Vampire na kauri ng dad mo, 25% ay witch na kauri ng Mom mo and the rest wich is 25% also is human."
"Wow ha... Evenly distributed."
"Kailangan para walang dominance."
"Ito hula ko lang ha. Yung wolfs, vampires, at witches kilala nila ang isat isa pero ang human hindi nila alam kung anong uri ng mga nilalang ang kasama nila."
"Hindi lahat. May ilang human na alam ang tungkol sa atin, sila yung mga tinatawag naming taga pamigitan or mediator."
"Sa opisina sino sino ang mga kauri natin." Tanong ko, mabuti na yung may alam ako ayaw kong mag mukhang tanga.
"Pagpasok natin sa building ng delvo obserbahan mo ang mga tao sa paligid mo. Ang sino mang yuyuko sayo ng nakatagilid ng bahagya ang ulo matapos tumingin sa mga mata mo,
Super natural sila at kakampi natin pero kapag yumuko sila ng hindi tumitingin sa mata mo at nakatungo sa harapan ibig sabihin kalaban sila pero kapag bahagya lang silang yumuko at ngumiti ibig sabihin human sila." Paliwanag ni Harris."Kailangan ba talaga nakatagilid ang ulo kapag yuyuko sa mga super natural."
"Nope... That kind of respect is just for us Royal, alpha, and luna, at sa 2nd and 3rd in command. Ang bahagyang pagtagilid ng ulo ay nangangahulugan ng submission, kapag itinagilid ng isang supernatural ang ulo nya, nalalantad ang isa sa pinaka mahalagang ugat sa ating katawan kaya kapag nakatagilid ang ulo ng isang super natural mas madali syang mapapatay sa pamamagitan lamang ng pagsakmal sa bahagi ng leeg niya na nakalantad. Kaya kapag itinagilid ng isang supernatural ang ulo nya sa harap natin ibig sabihin ipinpaubaya nila sa atin ang kanilang buhay, pwede natin silang patayin kung gugustohin natin at hindi sila lalaban." Mahabang paliwanag ni Harris.
"Wow..." Yun lang ang nasabi ko.
Pagtigil pa lang ng sasakyan ni Harris sa parking lot ng Delvo ay nakita ko agad ang mga security guard na nakayuko at bahagyang nakatagilid ang ulo.
"Wolf." Sabi ni Harris
"Lahat ng guard.?" Tanong ko. Pagpasok kasi namin sa loob ng building ay nakayuko lahat ng guard.
"Yes.... Sa lahat ng super natural Wolf ang pinakamalakas hindi lang physically kundi maging ang pang amoy at pandinig nila."
Tumango lang ako.
Habang naglalakad kami ni Harris ay sinasabi nya sa akin kung anong uri ng super natural ang nadadaanan namin na mga nakayuko.
"Wait bakit karamihan sa mga Vampire ay mga babae .?" Tanong ko kay Harris habang papasok na kami sa elevator na magdadala sa amin sa floor kung saan naroroon ang upesina namin.
"Female Vampires are naturally Beautiful, sexy and gorgeous."
Tumaas bigla ang kilay ko. Tiningnan ko ng masama si Harris.
"Oh no please, dont get me wrong, hindi yun tulad ng iniisip mo." Defensive si Harris.
"Nababasa mo ang iniisip ko.?"
"Yes Princess.... At sinasabi ko sayo hindi totoo yang iniisip mo.... Wala akong pinagnanasaan kahit isa sa mga empleyado kong babae, maliban sayo."
"Talaga lang ha.... Pero ayon sa balitang nasagap ko mula sa mga nakakakilala sayo babaero ka daw."
"Hindi totoo yan."
"Sinungaling."
"Maniwala ka sa akin Princess. Hindi ako babaero."
"Bakit iba yata ang lumalabas sa bibig mo kaysa sa nasa isip mo."
"What, nababasa mo ang iniisip ko.?"
Nginitian ko sya ng nakakaloko. Sya namang pagbukas ng elevator.
"Mate tayo hindi ba." At nauna na akong naglakad sa kanya.
"Shit!" Narinig kong pagmumura nya.
Bago ako makarating sa upesina ni Harris ay nadaanan ko si annie na nasa receptionest desk.
Tumingin ito sa mga mata ko bago yumuko ng bahagyang nakatagilid ang uli.
"O my.... Ikaw rin... Ano ka.?" Nagugulohang tanong ko sa kanya.
"Witch po Princess Evaness at ako ang tagapagbantay nyo."
"What....?" Hindi ako makapaniwala ang bestfriend ko sa ipisina ay isang witch. Wow ha....
Sa loob ng opisina ni Harris ay halos hindi ako makahinga dahil sa presinsya ng lalaki na abala sa pagbabasa at pagpirma sa mga papeles na nasa harap nya.
Mabuti na lang tinawagan ko si mommy at nagpaturo ako sa kanya kung papano ko iba block si Harris sa pagbabasa ng iniisip ko. Kaya naman malaya akong nakakapagisip ng kung ano ano na halos lahat yata ay may kaugnayan sa kakaibang atraksiyon na nararamdaman ko para sa Boss ko.
At mukhang sya man ay iblinock din ako sa pagbabasa sa iniisp nya, dahil wala akong mabasa kahit kunti sa kung ano ang nilalaman ng isip nya.
Kanina kasi medyo may pumapasok sa isip ko na alam kong sa kanya nangaling pero ngayon wala akong mabasa kahit ano sa kanya.Pumikit ako at nag concentrate at pilit kong pinapasok ang isip ni Harris gusto ko kasing malaman kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya.
"Don't try it princess.... Tiyak na hindi mo magugustohan ang iniisip ko sa mga oras na to." Sabi nya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa mga papeles na pinipirmahan nya.
"What.?" Aba word of the day ko na yata ang salitang What.
"Alam ko kung anong ginagawa mo. You're trying to read my mind using your witch powers.
Naginit bigla ang mukha ko nahuli nya kasi ako.
" pano mo nalaman.?"
"I'm the Alpha king princess kaya nararamdaman ko kung may kakaibang kapangyarihan na ginagamit laban sa akin. Not unless ma kompleto na natin ang mating process magiging pantay na tayo pepwede mo ng gamitin sa akin ang kapangyarihan mo."
Lalong naginit ang mukha ko sa salitang mating process alam ko kasing isang malaking capital letter S ang simula ng dalawang salitang iyon.
"You really want to know whats on my mind Princess.?" nakangiting sabi nito.
"No ...I mean...hindi na kailangan."
BINABASA MO ANG
THE POSSESSIVE KING
Werewolf"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo industries at boss ko. Na nakahalikan ko sa loob ng elevator at ng upesina nyo. Yun lang." Seryosong nakatingin sa mukha ko. "Ano bang alam mo sa...