/AN/ Heto na po update na to. Bago po ang lahat nais ko munang magpasalamat ng raos puso kay AISforShort dahil sa ginawa nyang napakagandang cover para sa story na to maraming maraming salamat po. >MaritaPerez7, EmelitaBarrientos this is for both of you, at sa lahat ng nagtiyagang maghintay ng update ko.<
"Wow... Ibig sabihin yung kinalolokohan mong babae, ay yun din ang mate mo."
"Yes she is." Nakangiting sabi ko.
"Ang lupit ng kapalaran sayo tol... Isipin mo yun ang tagal mong nagtiis, yun pala sya naman talaga ang itinakda sayo." Natatawang sabi ni paulo.
"Sinabi mo pa kung pwede lang sumbatan ang Diyosa ng mga buwan ginawa ko na....pero gusto ko pa ring magpasalamat sa kanya kasi hindi nya hinayaang mahati ang puso ko sa pagitan ng babaing mahal ko at ng babaing itinakda nya para sa akin."
"Maswerte ka lang hindi tulad ko na hindi ko na yata makikilala ang mate ko."
"Wag kang magalala paulo darating din sya."
"Sana nga at sana hindi kasing tigas ng ulo ng mate mo."
Napangiti na lang ako sa sinabing yun ng beta ko.
"Naipaalam mo na ba sa mga kauri natin na darating tayo bukas sa isla.?" Tanong ko sa kanya.
"Tinawagan ko na ang ang iyong ama, tuwang tuwa sila ng malamang nakita mo na ang Luna pero hindi ko sinabi sa kanila kung anong uri sya baka kasi bigla silang sumugod dito."
"Salamat.... How about yung mga rogue na gustong makuha ang mate ko.?"
"Nasa paligid lang sila naghahanap ng pagkakataon na makuha ang Vampire and witch princes at lalo silang dumarami... Kaya kailangang madaliin nyo na ang mating nyo para mas masiguro natin ang kaligtasan nya."
"Darating din tayo dyan... Sa ngayon ang mas inaalala ko ay ang untitunting pagbabago ng sistema ng katawan ni Evaness, unti unti ng lumalakas ang pagiging vampire princess nya. Natatakam na sya sa dugo kaya mas kailangang itago natin sya sa isla."
"What..? Alam na ba ito ng Vampire king at witch queen.?"
"Hindi pa, pero paguusapan namin mamaya."
"I'm warning you Alpha Harris... Ngayong nanghihina ang iyong kapangyarihan wag na wag kang magkakamaling ialay sa kanya ang iyong dugo dahil maaring ikamatay mo yun."
"Alam ko."
"Mabuti naman."
"Pero gagawin ko pa rin sya kung kinakailangan."
EVANESS
Alas singko na ng hapon agad kong tinapos ang mga trabaho ko. Gusto ko ng umuwi kailangang makausap ko ang mommy o kaya ang daddy ko tungkol sa mga pagbabagong nagaganap sa akin.
Nagmamadali akong lumabas ng opisina ko, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang mga kalalakihang lobo na nakabantay sa tapat ng opisina ko noon ko biglang naalala si Harris ang Boss ko.
"Uuwi na ako. Sabihan nyo na lang ang amo nyo." Sabi ko sa kanila.
Bahagyang yumuko ang mga ito.
Naglakad na ako papunta sa elevator ng humarang sa daraanan ko ang isa sa kanila.
"Bakit.?"
"Luna hintayin nyo daw po ang Alpha king at sabay na raw kayong uuwi."
"Andiyan naman kayo bakit kailangang sumabay pa sya .?"
BINABASA MO ANG
THE POSSESSIVE KING
Manusia Serigala"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo industries at boss ko. Na nakahalikan ko sa loob ng elevator at ng upesina nyo. Yun lang." Seryosong nakatingin sa mukha ko. "Ano bang alam mo sa...