/AN/ MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA MGA VOTES AT COMMENTS.
Walang nagawa sina Erros at Alexa kundi ang magkasundo sa harap namin.
Sa isla nila pinagaralan ang sitwasyon namin ni Harris.
Si Erros computer ang nasa harap, si Alexa aklat na daang taon na ang tanda ang hawak.
Madalas silang magtalo pero nagkakadundo rin sa huli lalo na kapag nasa harap nila kami.
Habang nasa isla ako ay nakipagsalamuha ako sa mga kauri ni Harris, mababait naman pala sila ang uri ng pamumuhay nila ay tulad din sa pamumuhay ng mga normal na tao.
Pumapasok din sa paaralan ang kanilang mga anak at nagtatrabaho din sila para mabuhay, ang pagkakaiba nga lang wala sa kanilang naghihirap kasi sila sila ay nag tutulungan, at karamihan sa mga wolf sa kawan ni Harris ay sa mga kompanya ng delvo nagtatrabaho.
Unti unti ko ring natutunan ang mga trabaho ng isang luna, tulad dun sa trabaho ng asawa ng pinuno ng isang bansa tungkulin ng isang luna na tiyaking nasa ayos ang bawat pamilya ng kanyang nasasakupan.
Si Harris naman bilang Alpha ay nasa kanya ang pinaka mabigat na responsibilidad isa na riyan ang panatilihin nasa ayos ang lahat sa kanyang kawan lalot higit ang mga kawan ng lobo sa ibat ibang bahagi ng mundo sya ang hari ng mga Alpha kaya madalas ay nasa loob sya ng pinaka hitech na conference room na nakita ko.
Napapaligiran ng mga built in computer ang buong silid sa harap niyon ay ang mesa ni Harris, bawat computer ay may nakapangalan sa itaas kung saang bansa ito at pangalan ng pack nila. Daan daang computer ang nasa silid kaya ibig sabihin daan daang alpha ang nakakaharap nya sa tuwing may pagpupulong.
Kung minsan ay inaabot ng maghapon at magdamag ang pagpupulong tulad na lamang ng araw na yun. Hating gabi na ng lumabas sa conference roon si Harris, hinitay ko talaga sya sa sala ng kanyang bahay kung saan kami nakatira.
Pagkarinig ko pa lang ng sasakyan nya na tumugil sa tapat ng bahay ay mabilis akong tumayo mula sa panonood ng TV at pinagbuksan ko sya ng pinto.
Bagsak ang kanyang balikat at bakas ang pagod sa kanyang mukha. Ngunit ng masilayan nya ako ay agad na nagbago ang mood nya.
Agad nya akong niyakap at hinalikan at tulad ng madalas nyang gawin kapag nagagalit sya o kaya nababalisa ay isinisik nya ang kanyang mukha sa balikat ko kung nasaan ang kanyang marka.
"Okey ka lang.?" Tanong ko pa rin kahit ramdam ko na may bumabagabag sa kanya.
Inakay nya ako papasok sa loob ng bahay at magkatabi kaming naupo sa sofa, ibinukas nya ang unahang butones ng kanyang polo bago nya pinagsalikop ang mga daliri namin.
Bumuntong hininga sya.
At isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.
"Nalaman na ng council ang tungkol sayo, at minamadali na nila ang mating natin, bago pa raw ako maunahan ng iba sayo."
"As if naman papayagan mong mangyari yun."
Hinalikan nya ang ulo ko.
"Yun nga ang sabi ko sa kanila, pero hindi pa rin nila maiwasan ang mag alala. At hindi ko sila masisi. Isang malaking banta sa angkan ng mga lobo kung mapupunta ka sa kamay ng iba."
Isindal ko ang ulo ko sa balikat nya, ramdam ko rin ang bigat ng kalooban nya, kung may magagawa lang sana ako para pagaanin ang kalooban nya.
Tumingala ako para tingnan sya nakita kong nakapikit sya pero alam kong himdi sya tulog.
Dinampian ko sya ng halik sa pisngi.
Bahagyang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Hinalikan ko uli sya kanyang punong tainga, pababa sa gilid ng kanyang leeg.
Biglang nagiba ang ritmo ng kanyang paghinga, pero nanatili syang nakapikit at hindi kumikilos.
Bumababa pa ang aking labi at pasimple kong ibinababa ang bahagi ng polo nya na tumatakip sa balikat nya kung saan ko iuukit ang aking marka.
Ng dumikit ang labi ko roon ay tila may napakalakas na kapangyarihang lumabas sa akin kasabay ng pagungol ni Risson. At paghapit ni Harris sa beywang ko.
Then i feel something inside me. I want more.
Kaya muli ko hinalikan ang balikat nya yung this time mas mariin.
At naramdaman kong isang bahagi ng pagkato ko ang biglang nabuhay.
"What are you doing my queen.?" Halos pahalinghing na sabi nya.
"Just trying to make you feel alright, my king."
"Well your not helping, lalo lang akong natetense sayo."
Lalayo na sana ako sa kanya pero bigla nya akong binuhat gamit ang wolf strength nya, kaya sa isang iglap ay naipatong nya ako sa kandungan nya, paharap sa kanya.
Ipinulipot nya ang dalawang bisig nya sa beywang ko.
"But in a good way." Nakangiting sabi nya at inangkun nya ang labi ko ng walang pasintabi na agad ko namang tinugunan.
Nagsalo kami sa isang mainit na halik, at ng maghiwalay ang mga labi namin ay muli kong pinaglakbay ang mga labi ko pababa sa kanyang leeg at sa kanyang balikat.
Napaungol dya ng dumampi ang labi ko sa balikat nya.
Kinabig nya ang batok ko para lalong idiin ang labi ko sa balikat nya. Nanginig ang buong katawan ko, kakaibang sensayon ang bumalot sa buong katawan ko. Lalo na ng marahan kong sinisip ang balikat nya, naramdaman kong may malakas na kapangyarihang lumabas sa akin, na nakapag pahina sa katawan ko. Pero may kakaibang sarap sa pakiramdam na hatid sa akin ang ginagawa ko kay Harris kaya lalo kung idiniin ang labi ko sa balikat nya, at unti unti ay naramdaman ko ang pagbabago sa katawan ko lalo na sa bibig ko. Tila unti unting humahaba ang mga pangil ko.
At ng maramdaman ko ang bibig nya sa balikat ko kung nasaan ang marka nya ay napaungol rin ako. Parang may gustong sumabog mula sa kaibuturan ko.
Napatingala ako kasabay ng pagbukas na ang aking bibig para bigyang daan ang paglabas ng mga pangil ko.
Tuluyan na akong nawala sa sarili ko.
At ng ibabaon ko na sana ang mga pangil ko sa balikat nya ay may biglang humila sa akin palayo kay harris, nagpumiglas ako. Gustong gusto kong ibaon ang mga pangil ko sa balikat nya.
Narinig ko ang malakas na pangungol ni Harris, nakita ko syang hawak hawak ni Erros, at ako hawak hawak ni Alexa, pilit nila kaming pinaglalayo sa isat isa.
"Tumigil ka Alpha." Sabi ni Erros.
Unti unting nanghina ang katawan ko,
"Princess." Narinig kong sabi ni Alexa bago bumigay ang mga tuhod ko.Unti unti ng dumilim ang paningin ko.
Bumigay na ang mga tuhod ko. Pero bago pa ako bumagsak ay naramdaman ko ang pag agos ng oresking dugo sa bibig ko mula sa hindi ko alam kong saan.
"No..!" Narinig kong sigaw ni Erros.
Hindi ko na sya pinansin, uhaw na uhaw na nilagok ko ang dugo at hindi pa ako nakuntento, hinawakan ko ang bisig na pinagmumulan niyon at inilagay ko sa bibig ko at sinipsip ko iyon ng sinipsip, hanggang sa naramdaman ko na unti unting lumuluwag ang nga kamay na nakayakap sa akin at unti unting bumagsak ang katawan na may ari ng bisig na sinisipsipan ko ng dugo. Hanggang sa tuluyan iyong bumagsak sa paanan ko.
"Alexaaa....." Narinig kong sigaw ni Erros.
Pagtingin ko sa katawang nasa paanan ko nakita ko si Teacher Alexa na may apat na butas sa braso. Namumutla ito at tila wala ng buhay.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSIVE KING
Werewolf"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo industries at boss ko. Na nakahalikan ko sa loob ng elevator at ng upesina nyo. Yun lang." Seryosong nakatingin sa mukha ko. "Ano bang alam mo sa...