Note : pag binasa niyo to i recommend na patugtugin niyo yung a thousand years .. ^_^ enjoy ..
+
Naglakad ako sa lugar kung saan kami namasyal ni Meiko noon .. kung saan inukit namin yung " Yuki ♡ Meiko "
Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mapangiti baka kasi sobrang namiss ko siya ??
Hindi ako makapag antay na makita siya, mayakap siya, at mahalikan siya ..
Habang nag iisip ako nakarating nako sa lugar ..
Nakita ko siya doon nakatayo tapos nakatingin siya sa babaeng naka upo sa harapan niya , nakatalikod sa gawi niya yung babae ..
Napakunot naman ang noo ko dahil yun yung babaeng nakasabay ko kanina .. anong ginagawa niya dito ??
Lumingon saakin si Meiko at ngumiti lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya tapos bumitaw siya at naglakad sa likod ko ..
" Talk to her Yuki " sabi niya saakin .. sinimangutan ko naman siya ayokong makipag usap sa kahit kaninong babae sa harap nang taong mahal ko -_- ..
" Oh your here " napalingon naman ako dun sa babae nang bigla siyang magsalita , basang basa na yung muka niya sa luha at wala akong dalang panyo kaya sorry ..
" why are you here ??" Tanong ko sa kanya .. tumayo naman siya at pinunasan ang luha niya andun lang siya sa tapat nang puno tumingin ako sa baba nang puno tapos andun yung tulips na dala dala niya kanina ..
" dinadalaw ko si Meiko " sabi niya .. nakita ko siyang lumapit sa puno at hinawakan yung naka ukit na pangalan namin ni Meiko .. which is ako ang nag ukit -_- ..
" Alam mo ba .. inukit to ni Meiko nung pumunta kami sa Gaima "
Huh ?? Anong inukit niya eh ako ang nag ukit niyan -_-
" Pasensya na pero ako ang nag ukit niyan " sabi ko sa kanya napatingin naman siya saakin na nagsasabing " wag kang Sinungaling -_-"
" kasama niya ko nang inukit niya to !! " okay baliw ata sya ??
" Sabi niya saakin .. naiinis daw siya sa lalaking inisnob ang beauty niya .. haha, tapos hindi daw niya matanggal sa isip niya yung lalaki kasi ang gwapo daw , pero hindi ko na maalala yung muka nun, basta ang alam ko lang Yuki ang pangalan niya .. "
Napakunot naman ako nang noo ,
Bakit kung makapag salita siya parang hindi niya nakikitang nasa likod ko lang si Meiko ?? At anong pinag sasabi niyang inisnob nang Yuki si Meiko ?? Ako lang naman ang nag iisang Yuki na kilala ni Meiko eh !! At sa pagkakaalam ko hindi ko pa sila nakikilala ..
" Natanggap yung scholarship namin sa Gaima noon , tapos tuwang tuwa si Meiko kasi makikita na daw niya yung soulmate niya ... " tapos bigla nalang nabasag yung boses niya na parang naiiyak na siya ..
" Ano bang pinagsasabi mo ?? Ako ang nag ukit niyan inukit namin yan ni Meiko , ako si Yuki " sabi ko sa kanya dahil naiinis na ako sa inaakto niya .. nagulat pa siya nang sabihin kong ako si Yuki ...
" n-nakikita mo ba si Meiko ??" Tapos lumuhod siya sa harapan ko na parang nag mamakaawa .. ano bang problema ng babaeng to ??
" huhuhuhu ... p-pleasee sabihin mong miss na m-miss ko na siya " tapos iyak na siya nang iyak hindi ako gumalaw at nakatingin lang ako sa kanya ..
Pero deep inside bakit parang binabasag yung puso ko ?? Anong ibig niyang sabihin ??
" i-i dont understand you " sabi ko at naglakad papalayo sa kanya tumayo naman siya at pinunasan ang luha niya ..

BINABASA MO ANG
Your Lie In Summer
Short StoryWhat will you do ? If everything is a Lie ... [ Short Story ] ***** Story Started : December 1, 2015 Story ended : December 7 , 2015 @2015 @LouieJeanStories