Your Lie In Summer : Episode 5

301 14 0
                                    

+

" Ayun nakita mo ba yun ??" Masayang ani Meiko habang tinuro saakin yung isda na tumalon mula sa maliit na ilog .. tumango lang ako sa kanya at ngumiti,

Hindi ko maiwasang isipin, kung wala ba ako dito ? Hindi ba siya tatawa nang ganyan dahil mag isa lang siya dito ? Wala siyang kasama para ibahagi yang mga ngiti niya ..

Kaya naman kahit sa simpleng bagay , handa akong damayan siya at makinig sa mga kwento niya .

" napaka tahimik mo talaga " Nakangusong sabi niya tapos bigla nalang pinisil ang pisngi ko ,

" M-Masakit .. " Wika ko at saka hinawakan ang kamay niya , napatitig naman siya saakin kaya naman nginitian ko nalang siya ,

" Let's go home ?" Yaya ko dahil namula na yung pisngi niya , naiilang siguro siya sa presensya ko ..

Marahan siyang tumango kaya naman hinila ko na ang kamay niya at saka kami naglakad.

Masarap ang hangin dito sa lugar niya , tahimik , parang ang payapa ... gusto ko dito .. gusto ko dito pero gusto kong siya ang kasama ko ..

Habang naglalakad kami napatigil nalang kami pareho nang may madaanan kaming puno .. mukang matanda na siya .. agad namang napa bitiw si Meiko sa kamay ko at tumakbo sa puno,

Sinundan ko lang siya nang tingin,

" Yuki .. tara .. iguhit mo yung pangalan mo tsaka pangalan ko .. bilis gamitin mo to " masayang sigaw niya saakin sabay hawak sa pulso niya , lumapit naman ako sa kanya at inabot niya saakin yung bracelet niyang may krus na pendant kaya naman kinuha ko iyon ..

Lumapit ako sa puno at ginawa ang sinabi niya , inukit ko ang pangalan niya at pangalan ko ..

" Meiko ♡ Yuki " sabi pa niya at mukang tuwang tuwa nga siya .. hindi man ako pala ngiti pero masaya akong nakikita siyang nakangiti ..

" M-Masaya ako Y-Yuki .. s-salamat , pero Kung iisiping m-mabuti .. wala pa kong masyadong alam tungkol sayo .. pero .. dalawang b-beses nang m-may nang yari s-saatin " Biglang wika naman niya na ikinalaki nang mata ko , napakamot ako sa ulo dahil ang straight nang sinabi niya , umupo muna ako sa puno at sumandal.. sinenyasan ko naman siyang umupo sa tabi ko kaya umupo naman siya tapos inakbayan ko siya at hiniga ang ulo niya sa balikat ko ..

" kailangan ba alam mo lahat .. pagdating sa pagmamahal ??" Tanong ko sa kanya at pinikit ang mata ko ,

" Oo naman !!" Agad na sagot niya ..

" hmm .. ano bang gusto mong malaman tungkol saakin ??" Tanong ko nalang dahil hindi ata kami parehas nang point of view , binuksan ko ang mata ko at saka siya sinilip, nakita ko pang nilagay nanaman niya yung hintuturo niya sa baba niya .. she really likes to do that ..

" hmmm .. hindi ako makaisip , Basta kahit anong tungkol sayo " sabi niya kaya naman napaisip naman ako ,ano bang interesting sa buhay ko ?? Halos wala naman ..

" patapon ang buhay ko .. yun lang .. pero nang dumating ka .... sa tingin ko marami na agad ang nagbago "

Tama ... Yun naman ang lagi kong iniisip .. walang kwenta ang buhay ko , simula nang mawala si Mommy dahil kay daddy nawalan na nang silbi ang buhay ko .. sariwa pa nga sa isipan ko lahat nang nangyari noon.

" Walang hiya ka !! Nag dala ka nang babae dito sa pamamahay ko !! Hindi kana nahiya may anak tayo !!" Galit na galit na sigaw ni Mommy kay Daddy , sumilip lang ako sa kwarto nila at tinignan kung paano hampas hampasin ni Mommy si Daddy ..

Lagi nalang umiiyak si Mommy ,

" Y-Yuko .. p-patawarin mo ko , h-hindi na mauulit !!" Nag mamakaawang sigaw ni Daddy at akmang yayakapin si Mommy pero bigla nalang napasapo si Mommy sa dibdib niya ,

Your Lie In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon