Nov. 30, 2015
Dear Diary,
Hi. First entry ko lang to. Well, actually, may diary pa ko sa bag. Yung nasa pink na notebook kaso yung mga pinaka-importanteng thoughts ko lang yon, dito yung mga walang kwentang mga bagay na nangyayare ang ilalagay ko.
Bakit ba, wala naman palang kwenta pero ilalagay ko pa din? Wala, trip ko lang! Saka sayang naman na lumilipas yung mga araw na wala akong natatandaan diba. Saka, reminder ko na rin. Kasi kapag nalulungkot ako marami akong bagay na sinasabing dapat at di na dapat gawin pa kasi nakakasama saka mga rules pero pagka normal na, balik na uli ako sa dating gawi. Sabihin nalang nating gusto ko lang wag malimutan yung mga rules and regulations at lessons ko, na dahil sa mga pagkakamali, dahil sa tagumpay, dahil sa lungkot, saya at galak naging ako kung ano man ako ngayon.
Bat ko nga ba to nilagay sa wattpad? Kasi gusto ko online! Para pagka masunugan man kami ng bahay ( wag naman sana) mababasa ko pa rin, mga after 10 years mga ganun ba. Hahahaha. Saka kasi sa futureme acc ko, dun yung mga reminders ko talaga, ito dito ko ilalagay mga random saka details ng day by day ko.
Wala akong pake kung walang magbasa, dahil di naman yun ang goal ko eh. Ang goal ko is ma-preserve to.
Natawa ako nung binasa ko yung diary ko ng senior year kanina, kinikilig ako. Hahahaha. Kasi nandun yung kung panu ako kinikilig sa ginagawa ng crush ko, naka-quote pa nga mga sinabi eh. Pati feelings, nag-throwback, actually yun yung bagay na pwede ko nang i-throw away. Nabasa ko pa na may little note ako for myself sa college, dati parang ang tagal tagal pa bago ako maging college (mej atat pa ko maexperience ang college kasi sabi nila masaya) tapos heto ako ngayon college na at nabasa ko yung note ng isang immature na sarili ko, napangiti ako. Hahahahaha! Di sa eksaktong ganun ang gusto ko mangyare sa diary ko ngayon, yung tipong mga eksena na nangyayare ngayon eh maalala ko sa future at gusto ko lang maapreciate pa rin yon pagdating ng panahon. Para di ko malimutan.
Sabi ko, never explain myself pero pansin ko lang na panay explaination na to. Ano ba yan.
Saka para may mapagsabihan ako ng mga kahibangan ko sa buhay. Hindi yung naiiipon na sa kokote ko na anytime sasabog na dahil sa dami ng entries.
Para maayos ko rin ang sarili ko. Panu kasi, lagi ko nalang kaaway ang sarili ko. Nakakainis kasi, sobra! Ang gulo gulo ko. Alam mo yon? Saka over ako mag analyze, di ko alam kung talent ko ba to or skill or biyaya na dapat tinanggihan huhuhu. JK. Eh kasi naman nagiging nega ako dahil sa utak ko, or dahil kasi wala na akong mapagsabihan? Wala na kong nakakakwentuhan tungkol sa mga naiisip kong bagay? Haays, ngayon ko lang naisip to ah. Ting!
Kasi ibang iba na ang buhay ko sa college. Malungkot, kung masaya man ako-once in a blue moon. Napaka-forever alone tapos nagkakaallergy pa ko sa mga tao. I mean kasi ayoko sakanila, alam mo yon? Gusto ko silang gustuhin pero natatakot ako na parang ayaw ko din. Parang ayoko.
Almost all, nabago sa college life ko. Study habits, realizations, social life, at kubg dati ayaw ko ng umuwi galing school... Ngayon uwing uwi na ako pagpasok ko palang. Aba ewan kung anong kamandag mayroon ang buhay ko sa college, kung magiging masaya man, forever alone or whatsoever... I ain't got a clue. Hindi ko alam.
At eto na yon, ito ang bagong buhay. New diary, new entries, this is it pansit! Ang journey ko sa college.
Madly truly deeply,
Kate