December 1, 2015
Dear Diary,
Unang unang araw ng December absent ako uli sa school. Wala na ngang pasok kahapon nag-extend pa ko ngayon, isa lang klase ko tapos panghapon pa eh di sobrang nakakatamad + tamad talaga akong pumasok. Buti nalang absent din yung prof kong iyon ngayon at heto, tapos ko na yung ground floor plan ng plate ko. Woohoo! Ilan nalang ang babakahin ko.
Today, diba sabi ko naman ng boring ang college life ko? Kaya heto! Boring nanaman ang araw na to as usual, magtataka pa ba?
Saka diba nabanggit ko kagabi na bv ako kasi nasampal ako ng tsinelas ng nanay ko kagabi? Kaya yung panaginip ko may bago daw akong kaklase na lalaki, ewan kung ano na yung kinainisan ko sakanya eh. Ay teka lang, yung may dumi ata. Ayun tapos tinrash talk ko siya, minumura ko siya tapoa ni low morale parang ganun sa cadet lingo. Tapos nagising na ko, grabe natawa ako paggising ko. Beastmode talaga ko eh.
Paggising ko, gawa ng plate. Tanghali, gawa pa din ng plate. Hanggang gabi, gawa pa rin ng plate. Kaya nga heto ako diba, nakatapos ng isang. Yeah! One down!
Ewan ko ba kung maiinis ako sa nangyayare ngayon na ang boring ng araw araw ko. Alam mo yun, dati kasi nung high school usually pagka ganito lang ang nangyare sa araw ko eh di ko na isinusulat kasi walang kwenta. Pero diba, isa na nga sa regret ko sa buhay eh yung hindi ako nag-aral ng maigi nung high school ko? Tapos heto ako ngayon, pala-aral na lola. Tapos nabibwisit ako?! Diba ito naman yubg gusto kong mangyare? Yun lang, di tulad noon kasi ngayon wala na akong social life thou meron pa namang fb, twitter, ig kaso di naman ako nakikipag-interact sa mga tao dun at di kasi ako famous. Nakaka-3 likes nga lang ako sa IG eh. No, not exactly sa ganito siguro.
Ewan, parang diba ito yung hinahanap ko? Tahimik na buhay, aral lang. Tapos ngayon nanaman gusto ko ulit nung ganun sa dati. Aba aba, Kate! Ang gulo mo ah. Unfairness, di ako marunong maka-appreciate.
Sige myself, I dare you na maka-appreciate kahit bukas lang. Maappreciate mo yung araw na yon, yung mga bagay bagay.
At saka, one thing pa please. Wag mo ng nilalait mga prof mo? Nagmamakaawa ako na magpakabait ka ng bata ka. Magtiwala ka sakanila, makinig sa turo nila hindi yung puro ka nalang kontra. Makinig ka please? Humble yourself. Hindi ka matalino! JK.
Eh kasi nakakainis ako. Naappreciate ko lang ang bagay pagka wala na. Sana malaman ko din kung ano ba mga bagay na gusto ko paglaki? Kasi sa ginagawa ko ngayon parang walang kinakahinatnan ang buhay ko eh. Well, maalala ko lang na nag-aaral naman pala akong mabuti ngayon. Yata.
Simula kasi nung binitawan ko ang PMMA, wala na. Gumuho na lahat ng pangarap ko tungkol don. Kung ako si Riley, bale parang gumuho ang isang island sa buhay ko at yun ay ang--Dream island?
Ayun kasi, di ko naappreciate! Narealize ko nalang kung ganu kahalaga nung wala na, nung nagquit na ko. Nabulag ako sa kamalian at dahil sa di ako nakikinig na yun dapat. Eh di sana nandun pa din ako, eh di sana buo pa din yung island at eh di sana wala akong regret ngayon. Hay.
Ayoko mabuhay sa regret. I-appreciate nalang! Cheer up basta ba wag ka ng uulit. Mag-isip kang maigi. Push mo na ang arki, magsipag ka.
Hay, ano ba dapat kong gawin?
Magsipag! Mag-appreciate! Magdasal! Yan ang triple M ko.
Tanggapin ko na din sigurong lalamunin na din ako ng introversion ko ngayong college. Di bale naging masaya naman ako sa high school although marami rin akong regrets dahil sa dami ng tao noon, yung mga pinaka-importante pa talaga ang pinaiyak ko. Pucha kasi, ang immature ko. Every time na sumasagi sila sa isip ko or pag makikita ko sila, parang gusto kong araw arawin ang magsorry. At oo, bawat naiisip ko yun.. Yun yung sincerest sorry ko. Dapat dko ginawa sakanila yon. Shete. Ang sama sama ko.
Gusto kong patawarin ang sarili ko pero di madali yon.
Hay buhay.
Buti nalang may Cardo na nagpapa-gv ng weekdays ko. Hahahahaha.
Okay bye.
Sincerely,
Katy fairy