End of November

1 0 0
                                    

End of November

Dear Diary,

Same date lang as yung first entry. Naisip ko lang ngayon na nagkalat pala yung diary ko, meron sa notebook, meron sa kung san pang papel, meron sa twitter, meron sa futureme. Hay ano ba yern, to make you different from the other I think dapat kitang araw-arawin. Naks!

Today is monday, walang pasok pero. National Heroes Day ata eh, dko sure. Hahahaha! Pagkagising ko fresh pa rin sa utak ko yung panaginip ko na sort of bangungot. Eh panu kasi, may naka-Oner daw na mga lalaki na may dalang baril na dumaan sa kalsada eh ako nandun din. Tapos bigla akong bumaba ng bahay, inisip kong mabuti kung san ako pupunta tapos nakita ko silang bumaba ng bahay na dala yung mga M4A1 eh di syempre ako panic talaga, dumaan ako sa bahay nila auntie Merly para pumunta sa likod para sabihan si Papa dahil nandun siya para magpakain ng baboy. Kaso nung papunta na ko nakita ko yung mga armadong lalaki na may binaril na tatlong lalaki-ewan kung sino yun dahil medyo blurry na sa panaginip ko. At ako dahil medyo pina-practice ko na yung sarili ko sa ganung type ng scene, nagtago agad ako sa bahay nila auntie Merly. Ni-lock ko yung pinto sa kusina saka maya maya dumating si kuya Son kaya binuksan ko ulit para papasukin siya at magtago kami, kinakabahan ako na para bang totoo talaga. Ewan ko ba bat feeling ko alam ko ng panaginip yon pero natatakot pa din ako. Syempre dahil nabasa ko sa isang novel, yung Paris Architect na nung World War II eh masyado ng cliché ang cabinet para pagtaguan ng Jews, ganun din ang naisip kong gawin kaso nagising na ko.

Hay ano bang klaseng panaginip yun! Dahil siguro sa addiction ko sa mga huli hulihan type ng movie, mga hideouts, interest sa military kaya naaapply ko na sa subconscious ko. Di naman siguro dahil sa pagbabasa ko ng Lucid dream yon ano? Hahahaha.

So ayun, ang araw na to ay walang kwents. Nagtinda lang ako sa tindahan namin dahil was kaming pasok, tapos na rin akong naglaba kahapon kaya ngayon eh nganga nalang.

Ako pa nagluto ng almusal at aba di na yata talaga ako pwedeng mag-asawa dahil pati pagprito ng tocino, sunog pa! Sinaing lang yata masarap kong luto eh.

Bago mag-lunch, naligo na ko ng maaga dahil ang task ko today ay umpisahan na yung plate kong 5 storey condominium. Kaya pagkatapos ko ding kumain-aba ang galing ko! Dahil nakatulog ako.

Pagkagising ko aba ang sakit ng ulo ko na nahihilo hilo pa. Wala na ata akong dugo dahil sa katakawan ng maasim.

Dko talaga nagawa yung gawain ko dahil nag-internet pa ko. Twitter ganun ba.

Saka nung dinner nasampal pa ko ng tsinelas ni mama. Omg diba? Ayoko ng i-detail yun baka ma-bv ako ulit.

Saka heto, matutulog na ko after ng entry na to. Sabi sayo eh walang kwenta ang araw kong ito! Hahahahahahaha!

Time check: 11:22

Bonne nuit!

The Night is Calm,
Kate

Kate's Diary: The College JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon