December 5, 2015
Dear Diary,
I am so clouded up by emotions. Well, hindi naman ito yung usual problems na mapapaiyak ako pero still, isang bagay na bumabagabag pa rin sakin.
Time check: 12:48 pm
Maaga akong sumulat ngayon than usual kasi di ako nakapagsulat kahapon. Inabot na ko ng 12 mn kagabi sa paggawa ng assignments sa Literature... Kaya ngayon nalang habang pauwi ako. Nakasakay sa seat na katabi ng pinto, left side.
Kahapon, ang realizations ko ay sana ibinigay ko nalang yung 20 kong tirang baon dun sa lolo na namamalimos sa paradahan. Narealize ko nalang kasi yon nung paandar na yung jeep, nung nabigyan na siya ng bente nung katabi ko. Yung mukha niya, priceless! Ewan ba kung naluluha siya o ganun talaga yung mata niya.
Reasonable naman siguro kasing bigyan ang matandang nalilimos, dahil syempre di na sila makapagtrabaho. Kung di man sila binibigyan ng anak nila or kung hindi kasi sila nagsikap nung panahon na pwede pa silang magtrabaho, di naman natin sila pwedeng sisihin pa. Nasa huli nga ang pagsisisi at kahit na anong sisi naman, di na maibabalik yung dati. Bakit ba tayo maninisi kung di rin tayo mamimigay? At sino bang tao ang may karapatang humusga?
At kasi naaalala ko yung lolo ko nung buhay pa siya. Sana naalagaan ko pa siya, nabunutan ng balbas, nakasama sa siesta at sa araw araw. Nakikita ko yung lolo ko sa mga ibang matatanda. Nakakamiss. Gusto kong gawin sakanila yung mga bagay na dko na nagawa sa mga grandparents ko.
Pati yung lolo na bumibili sa tindahan namin, na magweweteng. Eh yung lolo ko noon, kobrador rin sa weteng. Kahapon may kasama siyang maliit na bata, ibinili niya ng softdrink saka cupcake yung bata pero siya mismo di kumain.
Ang lolo ko ang isa sa naging childhood best friend ko kahit pa mas close siya ng iba kong pinsan.
Ayun.
Yun yung mga bagay na bumuo sa araw ko kahapon.
Di ko sinulat kahapon ang tungkol sa araw na yon... Kung ano man ang ibang iniisip ko nalimutan ko na maliban sa isang bagay.
Kaibigan.
May kaibigan ako sa college, ayoko sabihin ang pangalan niya kaya itago ko nalang sa name na Jenny.
Hindi siya ang una kong naging friend simula nung nagtransfer ako nung first year, second sem. Pero siya yung naging matalik kong kaibigan kasi loner rin siya noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/55961952-288-k427c6a.jpg)