Wishes

4 0 0
                                    

December 2, 2015

Dear Diary,

Now playing: Hiling x Silent Sanctuary

Lakas maka-hiling ng soundplayer ko eh! Hahaha. Actually, ang pinlay kong playlist eh yung zzZ yung title para makatulog na ko. Dito ko kasi nilagay yung mga nakakaantok eh saka shuffle play na din para suspense pero karamihan eh kanta ng Silent Sanctuary. Medyo favorite band to ng best friend ko nung high school.

So ayun nga, ang araw na to. Ulit. Ang ike-kwento ko. Hahahaha. Kanino pa nga diba?

Teka, nag-iba yung kanta. In Your Arms na by Krissy and Ericka, favorite ko to. Gusto kong ma-in love pag kinakanta to. Hahahahahaha! Napaka-lapastangan ko naman, joke lang yon.

This time naka-10 yung volume, kadalasan kasi mahina lang. Mga 5 para di masakit sa ulo kaso ewan ko ba ngayon, ngayon nalang din ako ulit nakapag-earphones thou palagi akong nagpapatugtog para makatulog tapos naka-auto off nalang. Nawawala kasi yung earphones ng fone kong to kaya ang gamit ko eh yung billboard, yung libre sa eroplano. Hahahahaha. Bigay lang! Di ako rich.

So ayun nga, today!

Today, pumasok na ko ng school. Eh diba kasi dinare ko ang sarili ko na i-appreciate ang araw na to? Ang dami ko kasing alam, sana di na ko pumasok.

Pagka-gising ko ng umaga dko nakita yung oras kasi lobatt cp ko nung umaga pero wala na sa kama yung dalawa kong kapatid na babae kaya matik yan na 7 pasado na.

Naalala ko yung panaginip ko!!! Freak. Slendrina men! Dahil don binangungot ako! Nakakainis na laro yon sa phone ng kapatid ko, thou dko naman siya masyadong nilaro kasi pinalaro ko sa isa ko lang kapatid na lalaki pero nakikita ko kaya nakakatakot! What the!

Lagi nalang ako nananaginip.

So, pagkabangon ko ng kama dumiretso na ko sa munti naming kusina para mag-almusal. Ano na nga ba yung ulam ko? Leche nalimot ko. Aynaku itlog pala saka tuyo at embutido. Di ako kumain ng egg.

Nagprepare ako ng damit, hinalungkay ko yung mga dko na masyadong sinusuot para isubstitute naman yung shirts kong overused naman na daw.

Naligo, nagbihis, humingi ng baon at carry on! Oh yeah. Nagmadali pa ko (ng konti lang) sa pagpasok sa school eh wala rin palang prof! Kaasar! Sayang pamasahe ko ah. Eh di sana gumawa nalang ako ng plate sa bahay saka yung pamasahe eh pinangbiling ulam nalang! Ano ba yern.

Yung mga kaklase ko pang nakatambay sa hagdan eh ginood time pa ko na kaya daw sila nandon eh kasi ayaw magpapasok nung prof namin ng late. Beastmode daw siya ngayon. Saka pinagalitan pa sila at minura. Leche. Eh wala palang prof!!!

Naghintay ako sa hagdan hanggang mag-12. Chineck ko yung oras sa fone ko at 10 palang! Oh my glurb nemern oh! Ang tagal kong naghintay non. Buti dumating na si Ate Din, yung kaibigan ko sa college. As usual, nakangiti! Ewan ko ba sa babaeng to at palaging punong puno ng positive vibrations, di man lang ako hawaan. Haha.

So ayun, naupo ako sa isang stool hanggang mag-12, para sa klase ko ng Phil. Lit., umaasang may prof para may matutunan naman ngayong araw. Dumating ang mga kaklase ko... Pero ako, wala lang! Syempre kunware wala akong nakikita. Parang ganun naman talaga yon eh, kasi kaklase ko lang sila. Di kami magkakaibigan. Nag-ingay sila dun sa hagdan este kumanta pala or more like nagwala siguro, parang mga lata. (WHAT KATE? WHAT DID U JUST SAID?! DON'T GOSSIP!) Okay, new rule ko nga palang wag ng maggossip.

Dahil matagal pa ang 12, in-open ko ang half-charge phone ko para-maglaro? No wala nga pala akong games. Nagbasa lang ako, yung bagong story at binasa yung fave kong novel na di matapos tapos yung author sa kauupdate. Chapter 132 na kaya yon pero ongoing pa din! Nakakaasar dahil atat na ko malaman yung rhetorical questions ko sa utak. Pero at least may hints na sa alaala ni Kyleen. Hahahaha. Napakwento na ko, fave ko lang kasi talaga. Kahit pa naiinsecure ako sa fictional character na babaeng yon. Tapos dahil walang wifi sa school, in-open ko nalang yung saved pages sa browser ko. Nandun yung mga articles na gusto ko basahin kaso wala akong time (or kaya mga lyrics din) para pagka tulad niyong ganito na wala akong ginagawa, dun ko babasahin.

In-open ko yung how to be a positive thinker. Okay, sobrang mahaba nung realizations ko dun kaya dko na sasabihin dito. Basta nga ayern, masaya ako pagkatapos kong nabasa yon.

Bumaba na ko sa Phil. Lit., iniwan ko na si ate Din dahil may meeting pa sila about sa college week, officer kasi siya. So pagkababa ko sa room, nandun na yung friend kong future CPA, graduating student na siya at cross enrollee kaya humalo sa college namin para i-enroll yung iba sa subjects na di pa niya nakuha. Astig ano, gagraduate na siya? Ano kaya feeling?

Walang prof. Wala din si Maam Bambie. Sabi niya Maam Bambie daw itawag namin sakanya pero ang layo sa real name niya. Okay titigilan ko na talaga mag-critique!

Bago sumakay ng jeep sa kanto sa gilid ng university namin at saka kasi wala pa naman akong nakikitang dumadaang jeep. Bumili muna ako ng coke saka banana bread, pantawid gutom lang at saka yung favorite kong pak na pak na fishball at shanghai sa tapat ng bakery. Grabe kahit homemade lang yung gawa nila, ang sarap! Favorite ko talaga yon promise. Bumibili ako don palagi bago umuwi basta may pera pa ko.

Sumakay na ko ng jeep. Sa may hiway, may lumilipad na ano, ano ba yon kasi? Lewis ba tawag don? Basta yung pinagwwish-an! Madami sa ilog yung ganun dati, sa talahib ata.

Nag-isip ako ng wish. Wala akong maisip. Ano bang hihilingin ko diba? Na sana masurvive ko ang PMMA? Pero diba kasi naggave up na ko don, I mean gusto ko pang bumalik pero tinanggap ko ng hindi na ko babalik. So, wala na akong ibang maisip na wish. Kay God ko naman kasi inaasa yung mga most-priority-wishes ko tulad ng health ng family.

Inisip kong magde-debut na pala ako next year, ayoko naman ng magarbo. Yung kelangang mag-gown?! Leche. Ang cheesy non! Saka walang pera! Ayoko namang hilingin yon kasi ang selfish naman na nagbenefit ako na bongga yung debut pero nabutas bulsa ng magulang ko diba? Okay na ko sa pansit! Pero, joke lang dahil debut yon, siguro pwede ring spag nalang. Hahahaha. Or mas better, cash nalang! Pang-shopping!

Syempre inisip ko rin na parang prinsesa pagka-ganun, yung may 18 roses at eklabushes, na parang fairy tale ganern. Parang pang-wattpad na story talaga! Yung mayayaman ba. Pero kasi di ako mayaman eh! Yun yon eh! Hahahahaha! At di rin naman lahat ng prinsesa, gusto ang ganung cheesy event! Kaya favorite princess ko yung nasa Brave eh.

Siguro sapat na ang 18 wishes sakin, naisip ko lang sa araw na to. Dahil ang mga rosas ay malalanta rin, ang mga kandila ay mauubos, ang magarbong araw na iyan ay lilipas at magiging alaala na lamang, pero ang mga hiling ko ay mananatili.

Shet. Ang lalim neto.

If I have 18 wishes, siguro yung una... Good health for my family especially sa mga magulang ko at sa Uncle kong may sakit sa puso. Yung pangalawa naman, sana mapasaya ko yung mga kaibigan ko sa kaarawan din nila. Gusto ko silang i-surprise, yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Yun kasi ang essence ng buhay, ang magbigay. At hindi bagay ang pinaka-magandang regalo na matatanggap mo kundi yung mga moments, yung mga priceless smiles! Yung happiness na hindi nabibili.

At saka para makabawi na rin ako dahil sa pagpapaiyak ko sakanila nung high school, lalo na kay KC.

Sa mga taong nasaktan at patuloy kong nasasaktan.

Hay buhay.

Don Miguel where are you? Teach me what I do not know. Don Miguel, you taught me of waiting... and loving unconditionally. Don Miguel, do you remember me?

You are my third wish.

Hopes by,
Kate

Kate's Diary: The College JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon