Chapter 1: Transferee

110 5 0
                                    

Sabrina's POV

Nasa hallway na ako papunta sa room namin ng may biglang umakbay sakin.

"Sab? Punta natin?" Pinaningkitan ko ng mata si Heaven. Bestfriend ko daw yan sabi niya, same age kami, we're classmate and we're different. Malaki ang pagkakaiba namin cold ako sa mga hindi ko kilala samantalang siya? Kahit na hindi kilala binabati active, feeling close, at walang hiyang nananalatay sa dugo niyan.

"Tanggalin mo kamay mo." Cold na pagkakasabi ko.

Pero imbis na tanggalin niya, nginitian niya lang ako ng ubod ng lapad at hihilahin na sana ako papalakad pero dahil sa inis ko kinontrol ko ang hangin at pinalakas pa lalo dahilan ng pagtaas ng palda niya, and by the way I'm a short tempered person.

"Whoa! Eto na tatangalin na " bulaslas niya habang inaayos ang palda niyang nagusot gawa ng ginawa ko, she deserves that  =____=

"Sabby! Heaveny!" Napatampal ako sa noo ko ng marinig ang tawag na iyon.

"Elisha? Khailee?" napakasayang pagtawag ni Heaven.

"Oh? Nangyari sa buhok mo? Wala na sa pagkakapony" agad naman na na papout si Heaven. Tss! Nagmukha tuloy bibe =_________=

"Ang bait kasi ni Sab eh, binigyan ako ng todo todo aircon." Napabaling ang tingin nila sakin. Tila meron akong nagawang kasalanan sa paraan na pagtitig nila sakin

"What?" Iritang pagtatanong ko.

Lalong nanlaki ang mga mata nila at tinuro pa ako.

"Ikaw ba yun?" sabay sabay na pagkakasabi nila.

Humugot ako ng napakalalim na paghinga bago sila tinalikuran at nag umpisa ng maglakad.

Gosh! Bakit pa ba sila nag-exist sa napakapeaceful kong buhay?

Napailing nalang ako, Sa totoo apat kami Si Elisha, Khailee, Heaven at ako, meron kaming iba't ibang kakayahang gawin ang hindi kayang gawin ng mga ordinaryong tao lamang at kaming apat lang ang nakakaalam noon.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ubod ng ingay, merong nagbabatuhan ng mga papel, may nagbabasketball sa likod at nagkokopyahan ng mga assignment sa harap. Napairap nalang ako as usual ganyan naman ang mga studyante.

Dumeresto agad ako sa upuan ko na nasa leftside malapit sa unahan at tabi ng bintana. Bago ako makaupo hindi ko inaasahang marinig ang usapan ng mga nag mamake up sa likuran ko.

"Transferee huh! Mas maganda parin tayo roon." Sabi nung nagba-blush on.

"Haha! I heard about that transferee girl why she transfer here because she's a bully and a hatred one." Maarteng sagot naman nung nagli-lipstick.

"Huh! As if makakaya niya ang lakas natin." sagot naman nung nagi-eyeliner.

Napangise naman ako, saan kaya tong mga tong kumukuha ng lakas para makapag sabi noon.

Bahagya ko nanaman kinontrol ang hangin at hinulog sa lapag ang makeup kit nila.

"Omygad! my Clinique's balck honey lipstick, my NARS blushare, and my Revlon mascara!" sigaw ni Trixie which is ang may ari ng makeup kit na yun. Halos maiyak na siya dahil sa nabasag ang iba niyang makeup.

Oppss! My fault! Napalakas ko ata.

"Wahahahaha! Seriously Elisha? San banda?" Tss! Nakasunod na rin pala ang tatlong itlog.

Magic In Our HeartsWhere stories live. Discover now