Chapter 2: First Approach

79 6 0
                                    


Khailee's POV

"Woah! Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Bulaslas ni Heaven. Tong babaeng to kahit kailan armalight ang bunganga.

"Hindi magkadikit ang mata natin para makita namin ang nakikita mo." Pagbabara ko sakanya. Mahilig ako sa barahan mga repapips! Ako ang Queen of barahan ng Easton High.

"Ano nga ba ang nakikita mo heaveny?" Pagtatanong na rin ni Elisha. Nakapila na kasi kami sa may Counter ng cafeteria para umorder.

"Ayun oh!" Turo niya sa may bandang kaliwang bahagi ng Cafeteria. And say WHAT?!

"Juice ko! Kain pa ba yan?" Bulaslas ko habang nakatingin sa transferee na kulay maroon ang buhok na prenteng nakain est NALAMON! Kulang nalang punuin ang lamesa na pinagkakainan niya sa dami ng pagkain na inorder niya.

"Haha! I like her!"  Sabay kaming napalingon Kay Elisha ng sabihin niya yun. Ibang term na pagkakasabi niya.

"Whuuy! Tibo ka na ba Elisha?"  Hindi makapaniwalang sabi ni heaven habang kumukuha ng Chiffon Cake.

"What?! Porket like na tibo na agad? Hindi ba pwedeng as a friend?" Tinignan ko ng nagdududa si Elisha. May binabalak ata to ehh kailan ba to nag sabi ng like sa isang babae? Eh puro lalaki lang naman ang like niyan.

"Oh? Anong tingin yan Khailee?" Pagtatanong niya sabay kuha na ng tray na nasa counter at nagpatinguna na maglakad.

Nagbayad agad ako at kinuha na rin yung tray ko, ako pala ang nasa huli.

"Anong binabalak mo?" Bulong ko ng mahabol ko na siya.

"Balak? Anong balak?" Pagtatanong nanaman niya ng hindi nakatingin sakin dahil naghahanap ata ng mauupuan.

"Pwede ba? Wag mo nga akong sagutin ng tanong rin?" Inis na pagkakasabi ko saka bahagyang kinontrol ko ang pineapple juice niya dahilan para matapon kaunti.

I have an ability too, and that is a Water. Kaya kong kumontrol ng kahit na anong liquid and i can also turn water into ice. Isn't it cool?

"Haha! Hindi kasi kita maintindihan."  Sagot naman niya habang ang sama ng tingin sakin.

"HOY! TINATAYO NIYO PA DIYAN?" Napalingon ako kay Heaven siya lang naman ang maingay samin.

"Aba! Nakahanap na pala ang loka!" Sumunod na ako sakanila bah! Papaamin ko pa tong Elisha na to may nararamdaman talaga akong iba sakanya eh.

"At talagang sa harapan pa ng transferee ka nakahanap ng mauupuan?"  Baling ko naman kay heaven na nilalantakan ang cake na inorder niya.

Magic In Our HeartsWhere stories live. Discover now