Chapter 6: Camping (Part 1)

37 4 2
                                    


Heaven's POV:

"Hoy Heaven! Napapansin ko lang iba ata ang tinginan niyo ni Rae ah?" Biglang sulpot ni Elisha sa unahan ko.

Actually nasa labas na kami ng easton at hinihintay nalang ang bus na sasakyan namin.

"Tibo na ata! Natitibo kay Rae." Nakabusangot na rin na sabi ni Khailee.

Tinignan ko sila ng seryoso.

"Paano kung sabihin kong kami na?"

Biglang namutla si Khailee samantalang kunyaring nasusuka si elisha at iiling iling lang si sabrina.

"Yucks! Mandiri ka Heaven!"

Napahagalpak na ako ng tawa, ok? OA ng reaksyon nila!

"Haha! Epic ng pagmumukha niyo! Alam niyo namang si sabrina type ko ehh" saka ko inakbayan si sabrina at kinindatan hahaha!

Mas lalo pang lumaki ang mga gulat nilang mata.

"Shut up heaven." bulong saakin ni sabrina.

Pero sa totoo lang talaga hindi ako makapaniwala na gustong humingi ng tawad ni Rae saamin, hindi kasi talaga halata sakanya ehh.

"Guys! Ayan na yung bus!" sigaw ni Trixie na para bang ngayon lang nakakita ng bus. Jusme!

Pagkatigil na pagkatigil palang ng bus at ng binuksan ang parang sliding door ata yun xD Nag sisakayan na agad ang mga kaklase ko.

"Hoy! Wag siksikin ang dyosa!" rinig kong sigaw ni Elisha na isa rin pala sa nakikipag unahang sumakay.

"Ako na bahala sa upuan nating apat." sigaw saamin ni Elisha na nasa loob na ng bus, samantalang kaming tatlo? eto nasa baba pa. Behh! Halos tumaob na ang bus sa kakasiksik nila akala siguro mauubusan sila ng upuan.

"Oh? Kayong tatlo? Ayaw niyo pang sumakay?" pagtatanong saamin ni Sir luke ang strikto naming P.E teacher.

"Nagsisisakayan pa ho ang mga preso ehh." natatawang sagot ni Khailee.

"Sir! Wag niyo kaming pahihirapan ah? Madali akong magutom!" nakasimangot kong saad

Nginitian niya naman kami ng ubod ng lapad.

"Pag hindi pa kayo nagsisakayan mas lalo kong pang pahihirapan ang activity-----" hindi pa natatapos ni sir luke ang sasabihin niya agad naman kaming nagsitakbuhan papasok sa bus.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bus agad kong nakita si Elisha na nakikipag awayan pa sa isa naming kaklase.

"Gosh! Eh naka reserve na yan para saamin!"

"Hoy Elisha! Ikaw nga ay manahimik may apat pang bakanteng upuan malapit sa likuran."

Napatingin naman ako likuran sa totoo nga may apat pang bakante doon.

Napangiti ako, kaya naman pala ayaw maupo roon ni Elisha kasi kasunod noong bakanteng apat na upuan doon nakaupo si Rae mag isa habang may headset na nakakabit sa tenga niya.

"Class! Papaandar na ang bus mag si upo na kayo." rinig kong sigaw ni Sir luke agad ko namang hinili si elisha at pinaupo sa bakanteng upuan malapit sa may bintana habang ako umupo sa likuran niya.

Magic In Our HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora