Elisha's POV
"You can go now." Yan na ata ang pinaka magandang narinig kong salita sa araw na ito.
Pabalibag na binuksan ni Rae ang pinto at nagpati una ng maglakad.
"Guys!" Tawag samin ni Heaven habang nakataas pa ang kamay. Naku! Papansin talaga! Haha!
"Kain tayo isaw sa kanto!" Napangiwi ako. What?! Ayoko na ulit matikman ang lasa nun! Yuck!
Nagtataka naman siyang tinignan nila Khailee at Sabrina. Haha! Eh sino ba naman ang mag iisip na nakain kami nun? Haler! Taga Easton high kami! As in EASTON! mga mayayamand, magaganda, talented, dyosa at makapangyarihan sa lahat! Chos! Haha.
"Nababaliw ka na ba Heaven? Pakakainin mo ulit kami ng lasang ewan na isaw na yun?" Inis na sigaw ko sakanya at naglakad na. Naramdaman ko naman na sumunod na rin sila sakin.
"Pwede naman tokneneng o fishball nalang sainyo ehh!" Nakapout na sabi niya ng makahabol na siya sakin.
"Ngayon? Street food naman?"
"Eh naman kasi! Samahan niyo nalang ako." Nakasimangot na niyang pagpipilit. Napailing ako. Never! Ayoko ng kumain niyan!
"Pwede naman kasing sa Coffee shop diyan sa tapat ng Easton o kaya diyan nalang sa ice cream parlor." Pag iiba ko ng suggest.
"Duhh! Nag kecrave ako sa Isaw ehh."
"Edi ikaw nalang kumain mag isa! Bakit pa ba kailangan pa kaming kasama?" Naiirita ko na ring sabi sakanya! Behh! Paano kung may makakita samin dun? Edi mawawala na ang kasikatan ko pag nag trending na nakain ako ng isaw? Or whatever na yan?
"Gosh! Hindi ko akalain na ganoon kalakas kumain yung Rae na yun!" Napalingon ako sa mga nagchichisman sa daan ng marinig ko yung pangalan ng sigang babaeng yun.
"Oo nga eh! Halos pakyawin na yung street food doon sa kanto! Kadiri kaya!" Sabi pa nung isang Babae. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si heaven na nakabusangot ang pagmumukha.
"Payag na ako." Nakangiti kong sabi sakanya. Agad naman lumiwanag ang mukha niya.
Nagtataka namang napalingon sakin yung dalawa na kanina pa tahimik na nauna na pala sa amin. Nakakapagtaka nga at sobrang tahimik ngayon ni Khailee pagkatapos ng away nila ni Rae. Hindi na ako magtataka kay Sabrina, hindi ata yan naturuan kung paano magsalita ng magulang niya ehh!.
YOU ARE READING
Magic In Our Hearts
Fantasy"MAGIC", it is a word that many of us don't believe. But, if you believe in yourself that you can do anything, it is possible to happen. That is what happened to this five students who believe that " MAGIC IS TRULY IN OUR HEARTS"