Prologue
Nagmahal ako, nagmahal din sya .......... sa iba. Ilang beses na akong naghintay sa taong mahal ko pero wala e, walang naka destined para sa akin. Aanhin ko pa ang pagiging matalino ko kung talo naman ako pagdating sa Love Life. Ganyan ako ka desperada para lang sa lintek na pagmamahal na yan. Pero sa isang tao lang ako naghihintay ng sobrang tagal halos 6 years akong naghintay para lang sa kanya tapos malalaman ko may GF na sya at sa KAKAMBAL KO PA? Ang sakit lang. Ayoko na pagod na ako. Pagod na pagod na sa pagiintay sobra akong nasaktan. SUKO AT PAGOD NA ANG LINTEK NA PUSO KO.
***Mariefil Delos Reyes ***
Ginawa ko ang lahat para lang mapansin nya ako at sa huli nagtagumpay ako. Sya lang ang minahal ko ng buo. Yeah, tama ang nabasa nyo, Isa kasi akong Easy Go Lucky Girl na walang ginawa kundi paglaruan ang mga puso ng mga lalake siguro dahil sa nasaktan na rin ako noon. Nang makita ko sya akala ko sya ang matatalo sa laro ko pero mali pala ako ng akala dahil sa halip na sya ang mahulog e ako pang naglalaro ang natalo at nahulog. Hindi ko alam pero mahal na mahal ko na pala sya. Alam kong may gusto ang kakambal ko kay Zero at maganda sya kaya habang maaga pa ay gumawa na ako ng paraan para sa akin sya ma fall in love.
***Loricel Delos Reyes***
Hindi na nya ako nahintay pa. Masakit para sa akin na malaman na ang pinakamamahal kong babae e, kinalimutan ako. Porket ba umalis ako ng 4 years at bumalik para lang sa kanya nya na hindi nya naman alam. Gusto ko na ring makalimut. Ang sakit, sobrang sakit na hindi na niya ako mahal. Kaya pinili ko si Loricel para lang gawing pampaalis ng sakit sa dibdib ko. Pero hindi ko alam na hindi pa pala ako nakaka move on kasi everytime na titingin ako kay Loricel, naaalala ko si Mariefil. Sinong pipiliin ko ang taong mahal ko o mahal ako? Si Mariefil? O tutuloy ko ang relationship namin ni Loricel? Nalilito na ako ang hirap mamili, napakahirap.
***Zero Gutierrez ***
*********
Hahaha!! Napakanta na ako e haha LOL!! Sino ang bagay kay Zero?
Team Mariefil ba?
O Team Loricel?
Pili na kayo hahahaha!! Oh by the way, sina Mariefil at Loricel ay kaibigan ko at ni request nila sa akin na gamitin ko yung names nila.
I am skyeamy. Love Lots ;)
BINABASA MO ANG
Fall In Love
RomanceSa larangan ng pagibig may salitang "True Love" at kapag nahanap mo ito ay sobrang saya sa pakiramdam. Makakakita at makakakita ka pa rin ng mga kaagaw sa taong mahal mo. Pero susugal ka ba sa larong PAGIBIG? at matatanggap mo ba kung hindi ikaw ang...