Chapter 7
(Loricel's POV)
Hindi ako makapag focus sa pinag aaralan namin dahil na alala ko pa rin yung mga tanong.
Mabuti nalang pag nahuhuli akong nakatulala ay napagtatakpan ako ni ate.
'Bwisit ka Zero, tandaan mo, may oras ka rin sakin' bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa matapos ang klase namin, di ko pa rin ma approach si Zero dahil medyo nahihiya ako.
Pero sa loob loob ko, gustung gusto ko na syang lapitan.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.
"Hoy Zero!" Maangas kong tawag sa kanya. Tumingin sya sa akin ng walang expression ang mukha. Kaya kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"Bakit?!" Wala paring expressiong tanong nya. Pero saking sarili, hiyang hiya na ako.
"Kaano ano ano mo yung lalaking kausap mo last time?!" Maangas ko pa ring tanong.
"Bakit?!" Aba, gago to ah!! Wala ba syang masagot at puro bakit nalang?.
"Basta sumagot ka nalang!"
Tumalikod sya sa akin at tinuloy ang ginagawa nya. Bastos ang gago!! Hindi man lang ako sinagot.
"Bastos ka ah!! Bat ayaw mong sagutin ang tanong ko" medyo naiinis na ako.
Hindi parin sya humarap at tinuloy pa rin ang ginagawa nya. Kaya hinatak ko sya paharap sa akin at hinalikan. Joke!!! Kailan ko pang halikan yang hinayupak na yan.
Tiningnan lang nya ako diretso sa mata kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"S-sagutin mo n-nalang ang tanong ko!" Bulyaw ko sa kanya.
"Boyfriend ko sya, bakit?!" Natigilan ako sa sinabi nya. So, bading sya?! Huhu, sayang naman ang lahi nya.
"D-di nga, nag jo joke ka lang diba?! Hahaha" Alam kong pilit ang tawa ko pero pinilit kong tumawa. Baka kasi nag bibiro lang 'to.
"Kung ayaw mo maniwala, wala na akong pakielam dyan" cold pa rin nyang sagot sabay alis.
Kaya ito ako ngayon, iniwan nyang umiiyak at nagpapakasasa sa lungkot. Ulol!! Kailan ko pa syang iyakan?! Pero sa totoo lang, ayaw talagang ma process ng utak ko ang mga sinabi nya.
(Mariefil's POV)
Hindi ko mawari kung ano ang problema nitong kakambal ko?! Napapansin ko sa kanya ang palagi nyang pagkatulala.
Pag tinatanong mo naman, ayaw sumagot. Hays, ewan ko ba dyan kay Loricel. Kung ano ano ang tumatakbo sa utak.
Nakita ko syang lumapit kay Zero at parang may tinatanong. Hinayaan ko na lang sila at nakipag kwentuhan nalang ako sa katabi ko.
BINABASA MO ANG
Fall In Love
RomanceSa larangan ng pagibig may salitang "True Love" at kapag nahanap mo ito ay sobrang saya sa pakiramdam. Makakakita at makakakita ka pa rin ng mga kaagaw sa taong mahal mo. Pero susugal ka ba sa larong PAGIBIG? at matatanggap mo ba kung hindi ikaw ang...