Chapter 3
(Loricel's POV)
"Ate, ate, ate HUY!!!" Eto na naman kami. Kinakausap ko ang tulala kong kapatid.
"Bakit?!" Pagtatakang tanong nya sa akin.
"Hay naku ate, ubos na yung laway ko tulala ka parin?! Oh my gosh!!! Tara na nga kumain" sagot ko sabay higit sa kamay nya.
Alam ko ang rason kung bakit sya nagkakaganyan.
Dahil kay Ralph. Sa tuwing naalala nya si Ralph natutulala yan, di ko alam kung bakit pero isang araw lang naman sila nagsama pero affected pa rin sya. Araw araw syang napuntang plaza para lang kay Ralph pero wala.
"Ate," tumingin sya sa akin.
"Si Ralph na naman ba ang iniisip mo?!" Diretsahang tanong ko sa kanya at halata naman ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Ba-bakit mo naman yan na-naitanong?!" Bakas pa rin sa boses ni ate ang pagkagulat.
Nagkibit balikat ako. "Wala lang. I'm just asking" alam ko na ang sagot pero hindi ko lang pinapahalata.
Pagkatapos namin kumain dumiretso na agad kami papuntang room dahil next class is math at may pre test pa.
(After 3 hours)
"Hay salamat natapos na din ang klase" sabi ni Mariz.
"Hoy bakla!! Tara bili tayo, gutom na e" Hersheys.
"E 'te wala na 'kong pera" Mariz.
Hindi na ako nakinig sa usapan nila at pumunta ako kay ate.
"Ate!" Tawag ko sa kanya.
"Oh bakit?!" Tanong nya habang nag aayos ng libro sa desk nya.
"Mauuna na sana ako sayo umuwi, kung ok lang naman sayo" sagot ko.
"Ah, yun lang pala, sya sige ingat ka ha" pagpapaalala nya sa akin. Si ate talaga napaka thoughtful.
"Bye!" Sabi ko sabay wave. Hindi ko na inintay na sumagot sya at umalis na ako sa room.
Pumunta akong plaza, baka sakaling makita ko 'tong si Ralph. Habang naglalakad ako biglang may bumangga sa akin. Arrghh, sa isang araw ba ilang beses na akong binangga?!.
"Ah, sorry miss hindi ko sinasadya" sabi sa akin ni kuyang nakabunggo sa akin.
"Ah ok lang, kasalanan ko rin naman" nakakainis! Hindi kasi ako tumitingin sa daanan, yan tuloy.
Inaangat ko ang ulo ko at ng pag angat ko, SHOCKS I FOUND YOU NA.
"You are Ralph, right?!" Pagkukumpirma ko.
"Yes, why?!" Kunot ang noo nyang tanong sa akin.
"I'm Loricel, natatandaan mo ba ako?! Ako yung kapatid ni ate Mariefil" pagpapaalala ko sa kanya.
"Ah" sabay tingin sa taas at balik sa akin habang tinuturo turo pa ako.
"Naaalala mo na ba?!" Tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi e, wala akong kilalang Loricel" sagot nya sa akin at napasimangot na lang ako.
Ano ba 'tong lalaking 'to?! Kala ko pa naman naaalala na nya ako. Hindi pa pala.
"Ah, sige una na ako ha! May pupuntahan pa e" sabi nya sa akin sabay alis.
Naalala ko tuloy yung bigla syang nag walk out nung dumating ako. Dahil sa na curious ako kung anong gagawin nya, sinundan ko sya. Para tuloy akong patay na patay sa kanya at iniistalk ko pa.
*********
Pasensya na kung maikli kasi wala talagang pumapasok na idea sa utak ni author e. Haha!!
Please pag tyagaan nyo muna ;)
Don't forget to vote. Love Lots ;)
-skyeamy
BINABASA MO ANG
Fall In Love
RomanceSa larangan ng pagibig may salitang "True Love" at kapag nahanap mo ito ay sobrang saya sa pakiramdam. Makakakita at makakakita ka pa rin ng mga kaagaw sa taong mahal mo. Pero susugal ka ba sa larong PAGIBIG? at matatanggap mo ba kung hindi ikaw ang...