Fall In Love-6

53 3 2
                                    

Chapter 6

(Zero's POV)

Uwian na ngayon at inaalala ko pa rin kung ano ang kailangan naming pagusapan ni kuya Ralph.

Kung maitatanong ninyo kung ano ang relasyon namin ni kuya Ralph. Well, mag bespren kami, kaso mas matanda sya kaysa sakin kaya tinatawag ko syang kuya.

Mabalik tayo. Nandirito na ako sa plaza, Walking while humming, ang ginagawa ko para hindi naman ako masyado ma bored.

Naglilibot libot na rin ako dito sa buong plaza. Habang naglalakad ako, may nahagip ang aking dalawang mata.

Si kuya Ralph na may kausap na babae?! At yung babae ay sya yung nabunggo ko kaninang umaga at kanina sa room nakita ko sya dahil classmates kami. Nakatingin lang ako sa kanila dahil pinapanood ko lang silang mag usap.

At ng napatingin sa direksyon ko si kuya Ralph at nang magtama ang mga tingin namin bigla syang naglakad.

Ay, iniwan si ate. At halata sa mukha nung babae ang pagtataka at pagdududa.

Umalis na ako at pumunta sa isang upuan at doon naupo. Nang maabutan ako ni kuya Ralph, umupo na rin sya sa tabi ko.

Tiningnan ko ulit yung babae at nahuli ko pang nagtatago sa isang puno. Sa may likudan lang namin so nasa southwest namin sya.

Hindi ko na sya pinansin at baka mahalata pa ni kuya Ralph na may nasunod sa kanya. Agad naman akong tumingin kay kuya Ralph.

"Ano ang gusto mong pagusapan?!" Walang emosyon na sabi ko.

"Hhhmmm, wala lang, narinig ko lang na lumipat KA na daw ng ibang school" may halong galit pa ata ang tono nya.

Alam ko na malalaman at malalaman rin nya na lumipat ako. Wala kasi akong lakas ng loob para sabihin sa kanya na lilipat na ako kasi hindi nya papayagang umalis ako sa dati kong pinapasukan.

Napaayos ng upo si kuya Ralph.

"Bakit di ka makaimik?! Kasi totoo?!" Tanong nya ulit sakin at medyo nataas na rin boses nya.

"Ah, eh, kasi sasabihin ko rin dap--" napatigil ako sa pagsasalita gawa nung sumigaw.

"Loricel!!!" Sigaw nung babaeng nagtaas ng kamay nya kaninang umaga.

"Shit!" Napatingin ako kay kuya Ralph at nakita ko syang nagtago.

Nang naguusap na yung dalawang babae. Bigla nalang akong hinigit ni kuya Ralph paalis.

(Loricel's POV)

Putcha!! Di ako makatulog dahil sa paulit ulit tanong sa utak ko. Katulad na lamang ng ...

Paano kung nagkita si Ralph at si ate?!

Ano kaya ang relasyon nina Zero at Ralph?!

Ano kaya ang pinaguusapan nila?!

Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon