Author's Note:Sorry sa last update ko. Kasi walang pumasok na idea sa utak ko wahahahaha!. Sorry ulit babawe na lang akech.
-skyeamy
Chapter 4
(Loricel's POV)
Nandito ako ngayon sa likod ng puno. Hindi ko makita kung sino ang kausap nitong si Ralph.
Tumagilid si Ralph at nakita ko kung sino yun. Nagulat ako dahil bakit nya kausap si Zero?!
Ok, nagiging spy na nga ako magiging dedective pa ako. Ano kayang pinaguusapan nila?!
Tatanungin ko nalang si Zero bukas.
"Loricel!!!" Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si ate na natakbo papunta sa direksyon ko.
Napatingin din ako kina Zero at Ralph na nakatingin din sa amin.
Uh-oh.
(Mariefil's POV)
Uwian na ngayon kaso wala akong kasabay. E ito kasing si Loricel may pupuntahan pa daw kaya pinayagan kong mauna na. Saan naman kaya yun pupunta?!
Wala rin naman akong gagawin ngayon so I decided na pumunta na lang sa park baka sakaling makita ko ulit sya.
Nandirito na ako sa park. Naglalakad lakad para may malanghap na sariwang hangin.
May nahagip naman ang mata ko. I think its Loricel, sa structure pa lang ng katawan at sa kulay at haba ng buhok nya kilalang kilala ko na agad sya. Ano naman kaya ang ginagawa nya sa puno?! Nilalambing? O di kaya? Erase erase, ano ba 'tong naiisip ko.
Tinawag ko nalang sya habang natakbo ako papunta sa kanya. "Loricel!!"
Lumingon sya sa akin at lumingon sa harapan at balik sa akin. Problema nito?! Bakit parang napapraning. Tumakbo na rin sya papunta sa akin."Ate anong ginagawa mo rito?!" Taas kilay nyang tanong sa akin. Sa akin nya pa talaga tinanong yan.
"E ikaw what are you doing here?!" Balik kong tanong sa kanya. Lalo tuloy tumaas ang kilay nya. Putulin ko yan ng gunting eh.
Nagbuntong hininga sya. "Eh ate answer me first, ako yung unang nagtanong so ikaw yung sasagot" tumaas na rin kilay ko. Aba!! Paunahan pala 'tong magtanong.
Napabuntong hininga na rin ako. "Okay, nandito ako kasi gusto kong magpahangin at gusto ko ring .......... makita si Ralph" sagot ko pero halos binulong ko lang yung huli kong sinabi.
Tumingin ako kay Loricel at nakita kong nakatingin si Loricel sa isang upuan. Tumingin din ako dun kaso wala namang nakaupo. Binalik ko ang tingin ko kay Loricel at halata sa mukha nya ang ... saya?!
Juice colored, ano ba ang nangyayari sa kakambal ko at parang nababaliw na sya?!
Pinitik ko ang noo nya. "Anong ngingiti ngiti mo dyan ha?! At sagutin mo rin ang tanong ko, what are you doing here?!!" Tanong ko ulit sa kanya.
Nagkibit balikat naman sya. "Wala lang, namamasyal masyal" sagot nya sa akin habang nakangiti pa rin pero may halong pagdududa ako, kasi kung mamasyal sya, bakit di pa sya nagpasama sa akin?! I erase that thought nalang at patay malisya ko na syang niyaya pa uwi.
Naglalakad na kami ngayon pauwi at laging kinakalikut ni Loricel ang kanyang cellphone.
"Hoy Loricel"
"Hmmm?!" Sagot nya sa akin pero hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa kanyang cellphone.
"Ano bang meron dyan sa cellphone mo at kanina ka pa nakatitig dyan at ngiting ngiti" taas kilay kong tanong sa kanya.
Hindi na sya sumagot so hinagilap ko nalang ang phone nya.
"What the hell?!" Iritadong tanong nya sa akin. Hindi ko sya pinansin at tiningnan ang cellphone nya.
Hinahagilap nya sa akin ang phone nya pero tumitiad naman ako para di nya maabot.
Nang nabuksan ko na ang cellphone nya tumambad sa akin ang kanyang manliligaw .... daw?? na si Romel.
Kaya pala sya lutang kanina pa dahil dito, kasi yang si Romel nanliligaw sa kanya since First High School pa kami. Akalain nyo 3 years na, ayaw pa rin sagutin?!
Ibinalik ko na sa kanya ang cellphone nya at pag tingin ko sa kanya nangingiyak ngiyak na dahil sa kahihiyan.
Naisip ko tuloy....
Kailan kaya ako magkakameron ng manliligaw?!
Kailan kaya ako magkaka boyfriend?!
Napatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Pano ba naman ang panget panget ko atsaka madami pa akong pimples plus naka nerd glass pa ako.
Walang makakatiis sa akin at walang ring manliligaw. Hanggang pangarap at assuming na lang ba ako?!!
Haysss!!!
My soulmate please magpakita ka na sa kin oh.
**************
Dedicated to HersheyKathyNuca
Chapter 4 ends.
Authors Note:
Talagang pagpasensyahan nyo na at pag tsagaan nyo na muna kasi wala talagang dumadalaw at idagdag nyo pa ang pagiging excited ko sa Christmas party namin.
Hahahahaha!! So everyone binabati ko na kayo.
Merry Christmas and Happy New Year.
Greetings from,
- skyeamy Love Lots ;)
BINABASA MO ANG
Fall In Love
RomanceSa larangan ng pagibig may salitang "True Love" at kapag nahanap mo ito ay sobrang saya sa pakiramdam. Makakakita at makakakita ka pa rin ng mga kaagaw sa taong mahal mo. Pero susugal ka ba sa larong PAGIBIG? at matatanggap mo ba kung hindi ikaw ang...