Best Friends

32 1 0
                                    

Play the song Kung Ako Ba Sya by Khalil Ramos while reading this

Wala kaming teacher kaya ito magkatabi nanaman kami sa upuan. Nagkukwento sya tungkol sa bababeng gusto nya. At ito naman ako nakikinig sakanya. Kunyari tumatawa kunyari kinikilig ang hirap mag panggap na masaya ka.

"Ayun nga buong araw kaming magkasama nanonood pa nga kami ng TV minsan tumatawa din kami kasi narerelate kami sa palabas" Jay

"Oh? Haha bakit san ba kayo galing at magkasama kayo buong araw?"

"Diba nga nag seserve kami sa simbahan. After nun umalis na kami tas pumunta sa kanila"

Ayokong tanungin ang sarili ko kung ano ba ang meron sya na wala ako. Alam ko naman ang sagot mas better siya sakin sa maraming bagay. Magaling sya sumayaw, maganda, photogenic kaya nga model sya diba, mabait, easy going person, para sayo perfect sya. Hindi ko alam kung tanga kaba or what kasi pinag sisiksikan mo na ang sarili mo sakanya. Ehem ako din pala ganun sayo haha.

"Alam mo ba magkachat kami kagabi. Nag voice message sya sakin. Grabe kinikilig ako kinantahan nya ko. Kahit hindi maganda boses nya ok lang. Ang saya ko talga" Jay

"Halata nga e, tignan mo yung ngiti mo abot hanggang tenga. Hahaha yung mga mata mo ang laki ng eyebags. Tsk tsk tsk matu-turn off sya sayo nyan"

Magkaibigan kayo at ilang beses kana nag tapat sakanya pero binaliwala nya. Sinabi nya sayo na ayaw nya mag boyfriend, na ayaw nyang may magbago sa inyo at ayaw niyang masira yung friendship nyo.

Hay nako Jay kaya siguro tayo mag best friend kasi parehas tayo. Parehas tayong tanga sa taong mahal natin. Ikaw sakanya ako naman sayo.

"Kate! Kate! May ikukwento ako sayo!"

Kitang kita ko sa mga mata mo na masaya ka. Alam ko na agad na sya ang dahilan.

"Nagkachat kami ulit kagabi. Hindi ko alam kung negative ba o hindi yung sinabi nya. Pero mas pinili kong isipin na positive yung sinabi nya"

"Bakit? Ano ba sinabi nya?"

"Sabi nya may nararamdaman na sya sakin. Kaso sabi nya ayaw nya ientertain yung feelings nya. Mas gusto daw nya na pigilan yun at maging magkaibigan nalang kami"

Hindi ko alam kung pano mo nakuha maging masaya sa sinabi nya. Alam ko nasaktan ka dun. Pero bakit? Bakit masaya ka parin sa kabila ng mga sinabi nya?

"Ahhhh ok? Anong maganda dun? Di ba negative yun bakit parang masaya ka pa?"

"D ko na inisip yun. Basta ang mahalaga may nararamdaman na sya sakin. At least may panghahawakan na ko. May dahilan na ko para d sumuko"

Ako ba? Kailan kaya ako magkakaroon ng panghahawakan? Panghahawakan para d ako sumuko sayo. Sana dumating din yung araw na ako yung dahilan kung bakit ang saya saya mo, maging ako rin sana yung dahilan kung bakit nag ispark ang mga mata mo.

Kailangan ko ba maging katulad niya para magustuhan mo ako? Binago ko na yung sarili ko para sayo. Hindi ako simple noon pero binago ko yun. Hindi ako yung tipong conservative I love dressing up myself. Pero hininto ko yun kasi gusto mo simple at walang arte na babae. Ginawa ko man yun hindi mo parin ako nagustuhan.

Hihintay pa ba kita? Aasa pa ba ko? o ititigil ko na tong kahibangan ko na may possibility na magustuhan at mahalin mo rin ako.

Kailan ba? Kailan mo ba ko makikita hindi bilang isang kaibigan? Kailan ako titigil na umasa?

Sana malapit na kasi malapit na kong sumuko. Hanggang BEST FRIEND nalang ba talaga tayo?

Relationship ComplicationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon