BTR 1 - JS Promenade

225 6 4
                                    

February 14, 20XX

Saturday

Sasabihin ko ba? What if she doesn't likes me? What if she finds me irritating? Paano kung ipagtabuyan niya ko? Magugustuhan niya kaya ang isang katulad ko? Isang taong kagaya ko?

Iyan ang naiisip ni Patrick habang pinaiikot ang ballpen niya sa kanyang kamay. Wala naman silang klase, at nag-uusap ang lahat ng estudyante. Wala nga din sila sa eskwelahan pero may dalang ballpen si Patrick. Isa kasi yun sa paraan niya para mawala ang kaba sa dibdib niya.

Inayos niya ang kanyang mamahalin na designer couture na ipinagawa pa ng kanyang mga magulang para lamang sa araw na iyon.

Sinuklay ni Patrick ang kanyang buhok sa nilagyan ito ng kaunting wax na kanya pang binili abroad.

Pinunasan niya ang pawis na namumuo sa kanyang leeg at mukha.

Kaya mo yan. Sabi niya sa kanyang sarili. This is what you've been waiting for all your life.

Humarap si Patrick sa salamin at tiningnan ang sarili. Nung natapos na niyang ayusin ang sarili ay lumabas na din siya kaagad sa restroom.

"Oh, Pat. Ang tagal mo naman ata?" Sabi ng  bestfriend ni Patrick na si Jeff.

"Kinakabahan kasi ako." Sagot ni Patrick.

"Ano ka ba. Kaya mo yan. Sabi mo nung first day of school, aamin ka sakanya. Ano na ba ngayon? Prom! Prom na tapos di ka pa umaamin!"

"Alam mo namang laging nandiyan yung mga nambubully sakin diba?" Sagot naman ni Patrick.

"Pabayaan mo sila. Wala lang sila magawa sa buhay." Sabi ni Jeff sabay tulak kay Patrick papasok sa Great Gold Hall ng Gold hotel.

Sinalubong naman sila ng mga teachers at ilang mga estudyante. Agad namang napatingin si Patrick sa mga lalake sa di kalayuan. Nakatingin ang mga ito sa kanya at ang mga mata ay parang nangungutya, Nagbubulungan kasi sila.

"Hayaan mo na nga sila, Pat." Sabi ni Jeff sabay tulak sa kanya papasok.

Papasok na sana sila sa Hall ng bigla silang hinarang ng mga lalake kanina.

"May balak ka pa talagang umattend ha?" Sabi nung isang lalake na naka white tuxedo. Lider ng mga lalakeng yun.

"Oo naman. Student din naman siya ah." Si Jeff na ang sumagot para sa kaibigan.

"Tss. Dapat di ka na pumunta! Diba mga tol?" Sabi nung lalake sa mga katropa niya.

"Tama."

"Di ka nababagay dito!"

"Kahit anong gawin mo, wala pa rin!"

"Wala ka talagang binatbat sa amin!"

"Kita mo na? Wala kang laban sa amin. Sa AKIN." Sabi nung lider nila. "Tsaka yang damit mo? Kahit gaano pa yan kagara o kamahal, PANGIT KA PA DIN!" Tapos itinulak niya palayo si Patrick.

Pumasok nalang sina Jeff at Patrick nung umalis na ng tuluyan ang mga bully na yun.

"Mr. Lorenzo! Jeff!" Napalingon naman sila nang may tumawag kay Jeff.

"Ah, yes maam?" Sagot naman ni Jeff.

"Kailangan ka pala sa storage to help carrying the things needed for the final preparations." Sagot ng teacher nila.

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon