BTR 3 - Kailan

76 3 0
                                    

February 19, 20XX

Thursday

Nagising si Patrick at agad na napatingin sa orasan, na naging dahilan upang mapatalon siya. "Nako!  Late na ko!"

Agad siyang bumangon at nag-ayos ng kanyang sarili. Naligo tapos ay kumain na siya. Aalis na sana siya nang bigla siyang tumingin sa salamin at, Gwapo naman ako kahit mataba ah. Sabi niya sa sarili. Agad naman siyang kumaripas ng takbo at agad na sumakay sa sasakyan.

"Manong, pakibilis-bilisan lang ah. Late na ko eh."

"Opo Sir."

Agad namang pinaharurot ng driver ang sasakyan kahit di naman sobrang kalayuan ang eskwelahan. Ganyan ang buhay ni Patrick. Kahit na medyo malapit lang naman ang eskwelahan, hinahatid sundo pa din siya.

Nung nakarating na siya sa eskwelahan, agad naman siyang bumaba at agad tumakbo papasok ng gate. Malapit na sana siya sa classroom nila nang napansin niyang di nakaayos ang buhok niya. Nagdadalawang isip siya pero sa huli, ay pumasok siya sa CR.

Nung nadun na siya, agad niyang inayos ang buhok niya. Ano ba yan. Ang bilis kasi magpatakbo ni manong eh. Nasira tuloy tong ayos ko.

Nung nakalabas na siya, napansin niyang walang katao-tao sa paligid. Agan naman siyang napatingin sa orasan. "Hala! 7:20 na! Late na ko!" 7:20 kasi ang klase nila at siguro dahil sa tagal sa pag-aayos ng buhok, di namalayan ni Patrick na tumunog na ang school bell.

Biglang kinabahan si Patrick kasi ayaw niyang ma sanction ang dahil sa pagiging late kaya tumakbo siya ng mabilis.

Sa sobrang pagmamadali, di na niya napansin na may nabangga na pala siya. AT

BLAAAAAAAAG!

Aray. Isip ni Patrick. Medyo masakit kasi yung kamay niya na nakatukod sa sahig. Natumba kasi siya kasama ng babaeng nabangga niya kaya ngayon, nasa ibabaw siya ng babae. Akamang papagalitan sana ni Patrick yung babae dahil late na siya at ngayon ay sobrang late na pero nung humarap ang babae,

Si Anya pala.

Biglang huminto ang oras para kay Patrick. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at para bang tumakbo siya sa track and field, lumahok sa swimming competition at nag wushu ng isang oras sa bilis ng tibok ng puso niya.

Namula siya ng husto at sa sobrang pula ay mahihiya na siguro ang mga sili sa kulay nila.

Ang sakit sa kamay niya sa pagtukod sa sahig ay nawala nang parang bula at imbes na sakit ay saya ang nararamdaman niya.

Kung kanina, takot siya na baka ma late, ngayon handa siyang ma late araw-araw kung ang kapalit nito ay isang pagkakataong makita si Anya.

Masaya na sana ang lahat nang,

"Patrick, ang bigat mo."

Biglang bumalik sa katinuan si Patrick at navansing nakadagan pala siya kay Anya. Agad naman siyang tumayo at inalalayan si Anya na tumayo pero tumanggi ito. Pinulot niya ang mga libro ni Anya na nahulog at ibinigay ito sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Patrick.

Tumango lang si Anya pero nahalata ni Patrick na paika-ika  ito maglakad. Magprepresenta sana itong tulungan siya pero biglang dumating si Jake.

"Anya! okay ka lang?" Tanong nito.

"Oo. Halika na malelate na tayo." Sabi  ni Anya sabay pasok sa classroom.

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon