BTR 4 - Exams Day

66 4 0
                                    

February 23, 20XX

Monday

"Uy Patrick, nakapag-aral ka na ba?" Tanong ni Jeff kay Patrick. Nasa canteen kasi sila. Malapit na din kasi magtapos ang klase, at ngayon ay ang fourth quarter exams nila.

"Oo naman." Umupo si Patrick sa bench. Nasa tabi nila ni Jeff sina Gab at Charles.

Madaming mga estudyante sa canteen. Hindi para kumain, kundi para mag aral. Sa kada table eh puno ng mga magkakaibigan na nag aaral para sa last day ng exams. Si Elle naman eh di na nila makausap. Tutok na tutok kasi ito sa binabasa niyang, How to Kill a Mockingbird.

"Ano nga yun sa Chem?" Tanong ni Charles. Ilang beses na din kasi iton nagtatanong dahil wala siyang maintindihan sa mga leksyon nila sa Chemistry. Ilang beses na din namang sinasagot ito ni Elle at sa pagkakataong ito, ay di na niya nagawang istorbohin si Elle. "Tsk. Makatanong nga sa iba."

Agad namang umalis si Charles at lumapit sa mesa kung nasaan sina Carlana. Tutok ang magkakaibigan sa pagbabasa kaya naman napatingin ang lahat dahil sa sigaw ni Joahna. "AAAHHHHHHH!"

"Hahahaha- Grabe yung- Teka. Hahaha- Ang OA- Hahaha. AY SHT!" Grabe yung pagtawa ni Charles. Hawak hawak niya ang tiyan niya at naluluha sa tawa ng bigla siyang sinabunutan ni Joahna.

"Bwisit kang lalake ka! Nabigla ako dun ha! Eto sayo! umph! Matutuo ka!"

"Teka- ARAY! Tama na!" Sabi ni Charles. May ilang estudyante na tila ay naaaliw sa pag aaway nang dalawa.

Grabe tong dalawang to. Parang aso't pusa. Isip ni Patrcick.

*RRRRRIIIIINNNNNGGGGG

"Good luck sa ating lahat!" Sabi ni Jeff sabay tayo ang nagstretching. Papasok na sila nang, "Carlana, paano nga to isolve?" Tanong niya sa kaklase.

"Ah, ganito yan. Diba this is X? Ngayon, Y should be...."

"May pahabol pa si Jeff ah?" Sabi ni Elle, na ngayon ay handang handa na sa exam pero buhaghag ang buhok at di pa nakaayos ang salamin dahil tutok ito sa lessons nila at nakalimutan nang magsuklay.

"Hayaan na. Nang may inspiration naman for the exams." Sagot ni Patrick. Speaking of inspiration, nasaan kaya siya? Isip niya. Tumingin tingin siya sa paligid pero wala na ang hinahanap niya. Hay. Baka nasa kwarto na siya. Sayang naman.

Agad na dumiretso si Patrick sa silid kung saan siya kukuha ng exam. Pagpasok niya, napansin niya agad ang classroom. Malinis, nakaayos ang mga silyang nakahanay, at nagsisiupuan na ang mga estudyante. Maliban sa mga kabatch niya na third year. Nakatayo pa rin ang mga ito, at maingay. Mabuti pa yung freshmen at sophomores. Ang titino. Kami kaya? Tanong niya sa sarili.

"Uy Patrick. Diyan ka nakaupo oh. Tsaka paturo nga muna. Sa Social? Pwede?"

Napatingin si Patrick sa kumausap sa kanya. Ah. SI Anya lang pala. "Ge." Sagot nito. Agad naman niyang tinungo ang upuan niya tsaka inilagay ang bag. Kinuha niya na din agad yung ballpen niya, at sinimulang ikutin ito sa kamay niya. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na turuan sa Social Studies si An............

Napatayo si Patrick at agad na kinuha ang notebook. "Anya may ipapaturo ka?" Mabilis na tanong niya sa babae.

"Ah. Oo. Can you describe itong Julius Caesar thingy?"

"Ah. O-oo naman! Yun lang pala eh."

Nagsimula na ang pagtuturo ni Patrick kay ANya. Kahit na mahangin naman at malamig eh namamawis siya. Walang tigil sa pag-ikot ang ballpen sa kamay niya, at kahit nahuhulog ito paminsanminsan ay agad niyang pinupulot kapag di nakatingin si crush. Di niya kasi kaya na kinakabahan at di pinapaikot yung ballpen niya sa kamay. Kinakabahn siya. Nauutal kung minsan. SIno ba kasing hindi kung si crush ang kausap, hindi ba?

Natapos ang pagtuturo niya, pero may ilang minuto pa bago magsimula ang exam. "So Patrick, wala pa naman si sir tapos di pa naman time. So, kwentuhan tayo?" Tanong ni Anya.

"Sige ba. Ano bang tanong mo?" Tanong ni Patrick.

"Sinong crush mo?"

Ikaw. Iyan ang gustong isagot kaagad ni Patrick kaso naisip niya, Masyadong pranka. Maka maturn off. "Maganda siya."

"Siyempre. Crush mo yun, so maganda talaga siya para sayo."

"Hmm. Matalino."

"Andaming matatalinong babae sa batch eh. Sa ibang years pa."

"Mabait."

"Ako ba yun Patrick? Hahaha. Joke lang."

"Oo. Ikaw."

"Hahaha. SIno naman yang-" Napatigil si Anya sa pagtawa at natahimik.

Napayuko si Patrick Aish. Ang awkward. Naisip niya.

*RRRRRIIIIINNNNNGGGGG

"Uh, Siga Anya, alis na ko."

"Ah. Sige." Sagot ng dalaga ng di nakatingin.

***********************

After 3 hours.....

"Hala guys! DI ko natapos yung Chemistry!" Sabi ni Charles na palakad lakad at parang kinakabahan.

"Ako din. Ikaw?" Sabi ni Elle.

"Natapos ko." Sagot ni Jeff sabay ngiti.

"Ayieee. Inspired kasi." Tukso ni Elle. "Eh ikaw Pat? Natapos mo ba?"

"Hindi." Sabay sabi ni Patrick sabay ngiti. Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa kanya. Kahit si Jeff na ngingiti ngiti kanina eh nakakunot na ang noo at ineexamine ang kaibigan. Hala. Nabaliw na siguro to. Isip niya.

"Hindi mo natapos pero masaya ka? Gab, pagsinabi kong takbo, takbo ah." Biro ni Elle. Inaasahan nilang mapipikon si Patrick. Ngunit nanatitli itong tulala at nakangiti, na tila ay may naiisip.

"Hala. May sira na ata tong isang to." Sabi ni Gab na ngayon lang nagsalita.

"Hayaan na nga muna natin. bili nalang muna tayo nang pagkain. Nagutom ako sa exams." Sabi ni Charles.

Tumayo naman silang tatlo at sumunod kay Charles maliban kay Patrcik. Nakangiti lang kasi ito at iniisip yung nangyari kanina. Nakaamin siya? Di nga? Parang wrong time at parang wrong way yung pag amin niya kaso feeling niya, ang saya? Sobrang saya na wala na siyang pakialam sa resulta ng exams niya. Sobrang lalim ng iniisip na hindi siya lumingon nang napatingin ang lahat kay Joahna at Charles.

"Bwisit ka talaga CHAAAARLES!"

"Hahahahaha- AW SHT! NOT AGAIN!!!!"

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon