BTR 5 - First Day of Summer and What?

99 1 0
                                    

Naiimagine pa rin ni Patrick ang mga nangyari..

mga moments nila ni Anya..

Simula noong prom..

"Anya," sabi niya

"Bakit?"

"May sasabihin ako."

"Ha? Ano naman yun?"

"Kasi-"

Naputol ang sinabi niya dahil sa pagsigaw ni Jake. "Anya Marie San Juan! Will you allow me to court you?"

Biglang naglaho ang naramadaman niya. Sa sobrang sakit.

BLAAAAAG!

"Patrick ang bigat mo!"

"Okay ka lang?"

"Anya, okay ka lang?"

"Oo. Halika na malelate na tayo."

Bakit kung nandun na yung tamang moment, doon pa may hadlang? Parati na lang si Jake. Pwede ako na lang? ang tanging naiisip ni Patrick.

"Uy Patrick! Diyan ka nakaupo oh. Tsaka paturo muna. Sa Social? Pwede?"

Eto na naman yung moment. Sana wala na makakapigil nito. sabi sa sarili niya.

"Ah. Oo. Can you describe the Julius Caesar thingy?"

"Ah-oo naman! Yun naman pala eh!"

Pagkatapos nun. Nagkwentuhan naman sila.

"Sinong crush mo?"

"Maganda siya."

"Siyempre. Crush mo yun, so maganda talaga siya para sa sayo."

"Hmm. Matalino."

"Andaming matatalinong babae sa batch eh. Sa ibang years pa."

"Mabait."

"Ako ba yun Patrick? Hahaha. Joke lang."

"Oo. Ika---"

"BUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" biglang pag gulat ng 4 niyang kaibigan.

"Oo. IKAW YUN!" biglang pagsigaw ni Patrick at napabangon siya.

"Ako ba yun Patrick? Answeet mo naman!" sarkastikong sabi ni Jeff.

Napatingin siya sa paligid at napansin niyang na nandito ang barkada niya. "Gago. Ano ginagawa niyo dito?! Paano kayo nakapasok sa pamamahay ko?! Sa kwarto ko?!"

"Kalma!" pinakalma ni Elle. Huminga siya ng malalim ng matagal. "HOY NAVARRO! ANO PINAGSASABI MO?! NAKALIMUTAN MO NA BA?! NAG-GM KA KAGABI NA PUPUNTA KAMI RITO AT INAYA MO KAMING MAGJOGGING SA BOULEVARD! TAPOS SASABIHIN MO NA ANO GINAGAWA NAMIN DITO? LECHE NAMAN OH. GUMISING AKO NG ALAS-TRES TAPOS ETO LANG MANGYAYARI?! MAKAALIS NA NGA DITO. ANG AGA-AGA. PSHHH"

Biglang umalis si Elle sa kwarto ni Patrick at lahat sila napanga-nga. Ngayon lang nila narinig si Elle na sumigaw at nagalit.

"Uy Elle!" tawag ni Patrick pero hindi ito pinansin.

 Ayssh. Bat ko pa nalimutan yun?

"Pagpasesyahan mo na si Elle. Meron kasi ano..." sabi ni Jeff.

"Ano?" tanong ni Patrick.

"Basta." sabi ni Jeff. "Hoy Gab, puntahan mo si Elle!"

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon