BTR 2 - Key Chain

122 3 0
                                    

February 16, 20XX

Monday

"Huy!"

Nagulat si Patrick sa biglang pagsulpot nina Jeff at Elle sa likuran niya. Lunes na kasi pero halos lahat ng mga juniors at seniors ay di pa din maka move one sa prom nung Sabado.

Nasa canteen kasi siya at may malalim na iniisip.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Patrick.

"Sa Faculty Room. May inutos ulit si Maam Guinto eh." Sagot ni Jeff sabay upo sa tapat ni Patrick.

"Eh ikaw, ba't ka nag-iisa?" Sabay upo ni Elle.

"May kasama kaya ako." Sagot pabalik ni Patrick.

"Huh? Sino?"

 

"Sina Charles at Gab. Ayun na pala sila oh. Oy! Dito!" sabay kaway ni Patrick sa dalawang lalake na kakarating lang.

Biglang nanigas si Elle. Patay. Sambit niya sa sarili. DI man aminin, alam naman ng lahat na may gusto si Elle kay Gab. Mas malala pa kasi magbabarkada sila kaya sa kanilang lima, di masyadong malapit sa isa't isa sina Gab at Elle.

"Hi Elle." Sabay upo ni Gab sa tabi ni Elle.

"H-Hi." Di komportable si Elle sa pagkakataong yun. Tuwing gagalaw kasi si Gab, gumagalaw din siya. Ayaw niya kasing madikit dito kasi laging paramng may kuryente na dumadaloy sa kanya. Ayaw din namang mahulog ni Elle sa isang Gab Termino dahil sa isang rason.

Napansin naman ito ni Jeff kaya sinubukan niyang pagandahin ang mood nila sa pamamagitan ng pagpapatawa sa mga kaibigan niya.

"Arf!" biglang tahol ni Jeff at nag acting na parang aso.

Nagkatinginan silang lahat at di kalaunan ay nagtawanan. Nawala na din ang tensyon at ang kalungkutan at nagsimula na din silang mag-usap usap.

"Dapat kasi tumayo kayo at gayahin niyo ko!" Sigaw ni Jeff na sumasayaw ng gentleman habang nakatayo sa taas ng mesa. Buti nalang at walang tao dahil halos lahat ay nasa second at thrid floor ng canteen kung saan may free WiFi at nakikigamit ang halos kahat ng mga estudyante.

"Tigil na Jeff!" Saway ni Patrick sa kanya.

Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon