NIAQ: CHAPTER 2

272 9 2
                                    

CHAPTER 2:



Kyaaaaah! Male-late na pala ako! Grabe! Shunga-shunga ko naman! Agad akong tumayo at nagmadaling tumakbo. Sorry po kung may kalat muna sa mini-forest! Nakalimutan kong itapon! Nagmamadali ba naman kasi ako! T•T

Agad kong binuksan ang pintuan sa classroom habang hingal pa rin ako ng hingal. Nagsitinginan lahat ng mga kaklase ko sakin. Kasunod ng prof ko. At grabe ang kaba ko ng tingnan ako ng pamatay tingin ni prof. Sa lahat ng mga teachers, Sya ang pinaka-strict! Ayaw na ayaw nya sa mga estudyanteng nale-late. Kung male-late ka man, May parusa kang matatanggap mula sakanya. At sa tingin ko, may matatanggap akong parusa.

"Ms. Sanchez! You're late!" Gulat na sabi nya. "God! Hindi ko expect na male-late ka hah!" Atsaka pa sya umiling-iling.

"Sorry po." Nakayuko kong sambit.

Ramdam ko ang mga titig sakin ng mga kaklase ko. Kaya ayokong nale-late eh! Pero okay lang naman ang na-late ako ngayon. Sulit naman ang dahilan kung bakit ako na-late. Napangiti ako bigla. Di ko talaga expect na makikitabi sya sakin tapos makikipag-usap. Tapos naging kaibigan ko na ba talaga sya? Hindi ako makapaniwala!

"Ms. Sanchez!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ng prof ko. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. "Anong nginiti-ngiti mo dyan?!" Marahan akong umiling.

"Wala po. Sorry po." Di na sya sumagot, inirapan lang nya ako. Papunta na ako sana sa upuan ko ng biglang nagsalita ang prof ko kaya naman napatingin ako sakanya.

"At sino namang nagsabing uupo ka na sa upuan mo?" Nakataas ang isa nyang kilay habang tinatanong nya'ko. Ako naman 'tong kinakabahan, kilala 'tong prof na 'to dahil mahilig syang mamahiya ng estudyante. Ako pa ata ang papahiyain nya ngayon.

"S-Sorry po.. Saan po ba dapat ako?" Tanong ko sakanya. Hindi nga ako makatingin ng maayos sakanya dahil ang sama ng tingin nya sakin. Akala mo naman may ginawa akong krimen o ano, eh.

"Labas!" Nanlaki ang mga mata ko.

"P-Po? Ayoko!" Mukha syang nagulat sa inasal ko. Pati mga kaklase ko nagulat din. Pati nga ako eh, hindi ko inaasahang sisigaw ako.

"At sinong nagsabing pwede mo'kong sigawan Ms. Sanchez?! Lumabas ka na! Wag ka ng pumasok sa subject ko! How many times do I have to tell you na ayokong may nale-late sa klase ko?!" Yumuko lang ako. Grabeng makasigaw. Abot hanggang kabilang kanto.

Pero dahil ayokong pinapalabas, "Ma'am! Please naman po oh.. Gagawin ko kahit ano wag nyo lang akong palabasin." Tumaas ang isa nyang kilay.

"Are you sure?" Sure nga ba ako? Sabagay, para sa pag-aaral ko kahit ano kaya kong gawin. Tumango ako. "Next week ko sasabihin sayo kung ano ang gagawin mo kapalit ng pagpasok mo ngayon sa klase ko. Clear?" Tumango ako at ngumiti.

"Salamat po!" Atsaka ako nag-bow. Umupo na rin ako sa upuan ko. Salamat naman. Ayoko pa namang pinapalabas sa klase. Heller! Nerd na kung nerd pero ayokong may namimi-missed na discussion or something. Atsaka malay mo may quiz kami ngayon tas di ako makakapag-take ng test? No way!

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISMISSED

LUNCHTIME NA! YEHET!

Inaayos ko na ang gamit ko. Dinala ko na rin ang bag ko. Dadaan ako sa locker mamaya para kunin ang mga books ko na kakailanganin ko mamayang afternoon class.

"OMG! Ang gwapo nya talaga!"

"Oo nga! Sheeeet! Hindi ko kaya!"

NERD INTO A QUEENBEE (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon