NIAQ: CHAPTER 30

127 6 0
                                    

CHAPTER 30: [SIDE STORY]

XANDER'S POV

Nandito ako ngayon sa isang bar malapit sa condo ko. Walang klase ngayon kaya pumunta na lang ako dito sa bar. Manghahanap na lang ako ng chix. Buti pa ako malaya at malakas sa chix! Di tulad ng dalawa kong kaibigan. Bwahahaha!

"Hi babe." Napatingin ako bigla sa babaeng sumalubong sakin pagkapasok ko pa lang ng bar. Sino kasi 'tong babaeng 'to? Hindi ko na matandaan. 

"Oh.. Hi." Sabi ko nalang. Pumulupot sya sa braso ko at hinayaan ko lang naman sya. Ang gwapo ko talaga syeeet. 

"Uy! Hi Xander!" May isang babaeng bumati sakin atsaka nya ako nginitian.

"Hello!" Cool kong sabi atsaka ko sya hinalikan sa pisngi. Nag-blush naman sya sa ginawa ko. 

"Why did you kissed her?!" Napatingin ako sa babaeng nakahawak sa braso ko. Yung sumalubong sakin kanina pagkapasok ko pa lang ng bar. 

"Because I want to?" Patanong kong sagot. Tinaasan nya naman ako ng isang kilay.

"Duh! I'm your girlfriend!" Inalis ko ang pagkakakapit nya sa braso ko atsaka ko sya tiningnan.

"Girlfriend? I never had a girlfriend." Natatawa kong sabi sakanya.

"We just make out last week! Jerk!" Atsaka nya ako sinampal ng malakas.

"Shit! Ang gwapo kong mukha!" Inis ko syang tiningnan pero inirapan lang nya ako sabay walkout.

Tss. Akala mo naman kawalan yun. Ang dami kayang babaeng nagkakandarapa sakin! 

Nag-ikot pa ako sa loob ng bar. Ang dami ngang sumasalubong sakin babae pero hindi ko pinapansin. Bakit ba? Mas trip kong maging snob ngayon eh. Atsaka ayokong makipaglandian ngayon at uminom. Trip ko lang pumunta ng bar para ipakita sa lahat ang kagwapuhan ko.

Lumabas na ako ng bar. Nakaka-boring naman. Wala akong makitang type ko. Natikman ko na ata lahat yung mga babaeng nandun eh.

Kaya pinaandar ko ang sasakyan ko at dumaan sa convenience store para bumili ng beer. Pagkatapos ay pumunta ako sa lugar kung saan ako lagi nakatambay.

Sariwa ang hangin dito. Tapos tahimik. Na sa isang burol ako. Maganda dito, Tanaw mo ang buong city. Atsaka konti lang ang nakakaalam ng lugar na 'to. Tago kasi ang lugar na 'to. 

Umupo ako sa damuhan atsaka ako nagbukas ng beer at uminom. Habang umiinom ako, May biglang nag-call sakin. Pagkatingin ko sa caller ID, Ewan ko pero... Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Yow Jade!" Bati ko sakanya. Trying to be cool.. Ayokong ipahalata na kinakabahan ako.

[Hey, Xander.] Ang sweet ng voice nya... Ang sarap pakinggan. [Ang boring 'noh? Busy ka ba ngayon?]

"Ha? Bakit mo naman natanong kung bakit ako busy?" 

[Wala lang... I just want to hangout with you.. Alam mo namang ikaw ang pinaka-kaclose ko sa lahat.] Napangiti ako. Shit! Bakit naman ako napangiti?!

"O-Okay..." Teka! Hindi pwede! Amoy alak ako! "Ah! Jade! Hindi pala ako pwede ngayon..." 

[Ha? Ganon ba... Okay.] Napailing ako ng marinig ko ang dismayado nyang boses. Peste naman oh! 

I ended the call. Psh. Chance ko na yun kay Jade eh! Bakit ba kasi naisipan kong uminom ng alak? Yan tuloy!

---

Nakasimangot tuloy akong umuwi ng condo ko. Pagkarating ko sa condo ko, May nakita akong isang babae na nakatayo sa harap ng pintuan ng condo ko. Hindi na 'to bago, tss. Ang gwapo ko talaga.

NERD INTO A QUEENBEE (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon