NIAQ: CHAPTER 7

207 9 1
                                    

CHAPTER 7:

*BEEP!* *BEEP!*

Ano ba naman yan! Ang ingay! Grr! Ang sarap sarap ng tulog ko, eh. Ang lamig kaya lalo na't naka-AC ako. Nagtaklob ulit ako ng kumot atsaka ko pinikit ang mga mata ko. 6am pa lang naman, eh. 7:30 am pa naman ang pasok ko. Atsaka kahit naglalakad lang ako papuntang school ay nakakarating naman ako sa tamang oras. 20 minutes ata akong naglalakad, hehehe. Bahala na! Basta inaantok pa ako.

Papikit na sana ako at malapit na akong makatulog kaso may narinig akong biglang sumigaw.

"Baby ko!!!" Si mommy. Papasok ng kwarto ko.

"Mmm.. Bakit po?" Inaantok ko pang sabi. Grabe naman. Ang aga pa, eeh.

"Wake up! Take a bath tapos mag-almusal ka na!"

"Inaantok pa po ako." Napabangon agad ako ng paluin ni mommy ang pwet ko. Arouch. T3T huhuhu.

"Wag ka na ngang mag-almusal. Basta maligo ka na baby!" Napasibangot naman ako sa sinabi ni mommy. Inis kong kinamot ang ulo ko atsaka na tumayo at pumunta ng banyo para maligo.

Bakit naman parang pinagmamadali ako ni mommy? Ang aga pa naman ah! Hindi naman ako makupad kumilos. Tss. Minsan lang naman, hehehe.

.

Nakaharap ako ngayon sa pang-whole body na salamin. Naka-uniform na ako at dala-dala ko na ang backpack ko. Na kulay pink. *u* pinkaholic ako kung di ko pa nababanggit sainyo.

Sinuot ko na rin ang salamin ko. Inayos ko na rin ang buhok ko atsaka ako nag-tirintas. Hihi! Ang cute talaga!!!

"Baby ko! Labas ka na nga dyan!" Napaigtad naman ako dahil sa lakas ng sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. Excited much si mommy? Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto ko. 6:37am pa lang naman ah. Lumabas na ako at nakita ko si mommy na nakasalubong na ang mga kilay.

"Mommy naman. Ang aga pa po, eh!" Napahawak ako sa batok ko ng bigla akong binatukan ni mommy.

"Mahiya ka naman sa nag-aantay sayo!" Taka akong tumingin kay mommy.

"Sino naman po ang nag-aantay sakin?"

Imbis na sagutin ni mommy ang tanong ko, kinaladkad na lang nya ako pababa atsaka kami lumabas ng bahay.

"Mommy. Di pa po ako nag-aalmusal." Reklamo ko.

"Ok lang yan. Hehe." Napasimangot naman ako.

Sino ba kasi yung bwisit na nag-aantay saki----Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si Blake na nakasandal sa harap ng kotse nya habang nakapamulsa pa ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nya. Naka-uniform sya. Nakatungo lang sya habang pasipol-sipol. Kung di ko sya kilala, Mayayabangan ako sakanya. Ang yabang nya, eh. Pero ang lakas ng dating nya.

"Ehem!" Napatingin sya sa gawi namin nung tumikhim si mommy. "Sorry ang tagal ng anak ko, hehehe."

"No, Madame. It's okay." Sagot nya kay mommy habang nakangiti. Napatingin sya sakin at nabigla ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. "Mauna na po kami ng anak nyo."

Tumango naman si mommy atsaka ngumiti. "Sige, ingat!"

Tulala ako habang hawak-hawak nya ang kamay ko. Napansin ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan nya. Katabi ko sya at na sa harap kami. Sya ang na sa driver's seat. Nagsimula na syang paandarin ang sasakyan.

"Tagal mo. Naghintay ako ng ilang minuto sa harap ng bahay nyo." Irita nyang sabi. Napataas naman ang isa kong kilay.

"Akala ko bang okay lang sayo? May nalalaman ka pang 'No, Madame. It's okay.' dyan!" Irita kong sabi. Ginaya ko pa talaga ang boses at tono nya dyan ha! Tch. Nagsalubong naman ang dalawa nyang kilay. Kita ko yun kahit nakatingin sya sa dinadaanan namin. "Nagrereklamo ka dyan! Bakit ha?! Sino bang may sabing sunduin mo'ko ha?!" Iritang sigaw ko sakanya.

NERD INTO A QUEENBEE (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon