NIAQ: CHAPTER 32

74 3 0
                                    

CHAPTER 32:

ALEXA'S POV

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Pa-gabi na rin pero hindi pa ako inaantok. Namimiss ko si Blake. Parang gusto ko syang makita ngayon. 

May biglang nag-text sakin. At parang lumundag ang puso ko ng mabasa ko kung sino ang nag-text sakin. Napangiti ako. It's Blake.

Pumunta ka sa restaurant namin. Sa isang VIP room. Kita tayo dun. :) I miss you.

Kyaaah! Kinikilig ako! Miss na daw nya ako. 

Ok

Nakangiti tuloy ako habang naghihilamos. Habang nagbibihis tuloy ako hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko. Magkikita kasi kami ng taong mahal ko. OA ba? Hahaha! Ganyan talaga kapag inlove. 

Naka-pants lang ako atsaka simpleng t-shirt. Atsaka lang ako nag-flat shoes. Atsaka ko na rin sinuot ang salamin ko. Pinony-tail ko lang naman ang buhok ko. Dinala ko lang ang cellphone ko at wallet ko. Nagpaalam na rin ako kay mommy. Hinatid pa nga nya ako eh. 

"Ano? Susunduin ba kita mamaya, anak?" tanong sakin ni mommy pagkarating namin sa restaurant na pagma-mayari nila Blake. Kahit hindi sabihin sakin ni Blake na may restaurant sila ay alam ko pa rin. Ang dami kayang chismosa sa school. Hahaha!

"Hindi na mommy. Hahatid din naman ako mamaya ni Blake nyan." Nakangiti kong sabi kay mommy. Ngumiti din naman sya.

"Wushu! Dalaga na talaga ang baby ko! Oh sige na, babye na." Bumaba na ako ng sasakyan atsaka na ako pumasok sa restaurant. Parang bar 'to na may pagka-resto, eh. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta dito. Umakyat ako sa isang VIP room. Alam kong nandito si Blake. Sabi kasi ng isa sa mga staffs dito nandito daw si Blake, eh. Pinihit ko ang doorknob, hindi naman ito naka-lock. At pagkabukas ko pa lang ng pintuan, nanlaki na ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Nakita ko si Blake, nakikipaghalikan kay EJ.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. (kahit wala akong dibdib. Echos lang meron naman kahit konti.) Naramdaman ko nalang na basa ang magkabila kong pisngi. Para akong namanhid. Ang sakit. Gusto kong lumayo, Gusto kong tumakbo papalayo. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Ng medyo natauhan ako, doon na ako tumakbo papalayo. 

Hindi ko alam kung saan dapat ako pumunta. Namalayan ko nalang na naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Nilalamig ako. Pero hinahayaan ko lang. Mas masakit kasi ang nararamdaman ko ngayon. Para tuloy akong tanga na naglalakad dito sa gilid ng kalsada habang umiiyak. Ang sakit sakit kasi eh. Bakit sya nakikipaghalikan sa iba? Parang nung isang araw lang ang saya-saya namin, ah. Nagmamahalan tapos nag-promise pa kami sa isa't isa. Ano yun? Gaguhan lang? 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan man ako papunta. Wala naman akong pakealam, eh. Ang importante lang sakin ngayon ay kung papaano matanggal ang sakit na nararamdaman ko. 

Napaupo nalang ako sa gilid ng isang kalsada.

Pinapunta nya ba ako doon para ipamukha sakin na nakikipaghalikan sya sa iba? Na hindi na nya ako mahal? Teka.. minahal nya nga ba ako? O ginagago nya lang ako? Hindi. Hangga't di nya sinasabi sakin na hindi na nya ako mahal, hindi ako susuko. Ganon ko sya kamahal. Sabihin nya lang sakin na nagsisisi sya sa ginawa nya, na hindi nya yon sinasadya, na hindi nya yon ginusto, maniniwala ako sakanya. Papatawarin ko sya. Magpapanggap ako na parang wala syang kasalanan na ginawa sakin. Magpapanggap ako na okay lang kami. Kahit sabihin lang nya sakin na ako pa rin. Na mahal nya pa rin ako. Maniniwala ako. Aarte ako na parang hindi nya ako linoko.

Ganito ko ba talaga sya kamahal? Minahamal ko pa rin sya... kahit sya na mismo ay ginagago ako?

Tahimik tuloy akong umiiyak. Ang sakit-sakit pala. Nagmamahal nga talaga ako. Nasasaktan ako eh. Pero bakit... sobrang sakit naman ata? 

NERD INTO A QUEENBEE (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon