Chapter18

18 0 0
                                        

(A/N: Dont play the vid muna guys. Sasabihin ko naman kung kelan niyo iplaplay okay? Thanks! enjoyyy! Godbless.)

Camille

"Uy! saglit lang mga pre!" Nakita naming tumatakbo si Rey. Hahaha! Ang cute niya! Pero, di ko parin gets kung bat nagkaganun kanina si Paul eh.

Shunga! Gamitin mo kaya utak mo!

Oh? Huh? 

Wow. Manhid teh? Manhid? Tsss!

"Hayst. Nakakapagod naman." Ay, si Rey, hingal na hingal. Ayan tuloy, napagod.

Lalapitan ko sana si Rey at iche-check kung ok lang siya nang,

"Sorry. Again." Si Paul. "Ano ba yan pre, OA hah? Kanina ka pa nagsorry." Sagot naman ni Rey tapos, tumawa ng konti.

"Um. I just..."

"Bakit?" Tanong ko naman kay Paul my loves at pinuntahan ito. Tinignan ko siya sa mga mata niya at ngumiti pero umiwas siya agad ng tingin. Ano ba naman ito ang cute naman ng lalaking to.

"Ugh. Nevermind. Let's go." Tapos ayun, naglakad lakad kami tapos nakwe-kwentuhan. Hindi pa kami nakahanap ng shop eh. Andami kayang pagpipilian and besides, kasama ko naman tong taong mahal ko eh.

"Nagseselos na yang si pareng Paul kanina eh..." Nagulat ako  sa sinabi ni Rey. Syempre, sino pa ba di magugulat na nagseselos yung mahal mo. Pero ofcourse, ayoko munang mag-assume. Ansakit lang, eh no.

"Tsss. No." Maikling sagot naman ni Paul at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Boom. Sapul. Ang sakit nun. Pero okay lang dahil direct na yun kesa naman na may pa-suspense pa siya at masasaktan lang naman ako.

"Woooo. Excited na talaga ako para bukas." Sabi ni Rey. 

Wait, bat naman siya excited eh, wala nga siyang date eh! I heard Paul chuckle.

"Diba wala kang date? Baliw ka talaga!" Panunukso ko kay Rey. Ngumiti siya tapos huminto sa paglalakad. Huminto na rin kami nina Paul at napatingin sakanya. 

"Now what?" Tanong ni Paul.

"Edi ikaw nalang Camille yung date ko..." Huminto muna si Rey tapos tumingin kay Paul. Mukhang natatawa ako ah. " Ang cute mo naman, maganda, maputi, mabait, at siguro, bagay naman ta--"

"Hell no. She's already mine."

Okay wait lang . Nako puso. Sasabog na siguro to eh. Wag naman ngayon please.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Sorry naman pre. Akala ko naman kas---"

"Just forget it." Tapos nauna si Paul. Hindi ko na namalayan na nawala siya sa paningin ko. Ewan ko nga kung san nanaman yun pumunta. Hay nakooo! Mahirap kaya humanap lalong lalo na pag ayaw niyang magpakita. Ouch

Pinuntahan ako ni Rey. "Ewan ko nga Camille kung galit yun o nagseselos." Tapos tumawa siya ng konti at hinanap si Paul. "San na yun?" Tanong ni Rey tapos sumulyap kung saan saan.

"Dito sa puso ko." Maikli kong sagot tapos nauna na sa paglalakad. 

Dapat di ko yun sinabi eh. Nakakahiyaaaa!

Bigla akong hinabol ni Rey tapos, bigla lang niya hinawakan yung left shoulder ko. "Camille, mag-usap nga tayo." Bigla akong kinabahan. His voice was so serious. Nakoooo! Ano ba tong pag-uusapan namin. God, please guide me. Nakakaloka naman to!

"Uhhh... san?" I asked. Syempre, ayokong maging rude.

Tumawa muna siya ng konti tapos hinablot niya yung wrist ng kamay  ko. 

On Search: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon