Si Oh Sehun ay isang simpleng binata... Well kung simple ang pagiging bakla edi simple. Kakalipat nya lang sa OTA. OTA nga pala, Opulent Tutelage Academy. Very descriptive nung name ng school ano? Psh.
Yun na nga kakalipat lang niya. Pero nararamdaman niyang magsisimula palang ang sunod-sunod na kamalasan na dadating sa buhay niya nung pumasok siya sa Key Club.
"Sehun naman! Sige na naman oh! Sumali ka na sa club namin!" Pagmanakaawa ni Jongin. Nagpokerface lang ako at inirapan siya.
"A-YO-KO!" Eh ang gulo-gulo ng club niyo eh!" Sigaw ko. Biglang kumunot ang noo niya at itinaas niya ang isang kilay.
"Pag hindi ka sumali ipapakita ko sa buong campus ang pictures na kinuha ko. Akalain mo 'yun, ang heartthrob na Oh Sehun ay nagsasama pa ng pinku-pinku sa kanyang pagtulog." Nag smirk si Jongin habang pulang-pula na ang mukha ko.
"Bestfriend ba talaga kita?" Ngumiti lang ng matamis si Jongin. Peke nito oh.
'Yan ang dahilan kung ba't nandito ako ngayon sa room ng Key club.
...At sobrang pinagsisisihan ko iyon.
Sinong hindi magsisisi kung ang nga "kaclub members" mo ay parang may mga topak.
"Hello! Welcome to Key Club!" Nakangiting sabi ng isang lalake sobrang taas na parang kapre. Creepy ng smile nya ha.
"Uhm yeah thank you." Mahinang sabi ko.
"Sehuuuun salamat naman at sumali ka nga sa club namin." - Jongin.
Ngayon pa lang gusto ko na siyang sakalin.
"So, Oh Sehun ang pangalan mo hindi ba? Anong grade ka na?" Tanong ng isang lalake na matangkad din, mukhang mas matangkad pa sa isa. Siya 'yung nakaharap sa salamin kanina.
"Opo, Oh Sehun po. Grade 11 pa po ako." Sagot ko dito.
"Oh a Grade 11. So magkasama kayo ni Jongin, incharge kayo sa mga side jobs ng club. Mentor mo si Luhan. Siya nga pala nasan si Luhan?" Tanong nya sa mga kasama niya pero biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang pinaka magandang nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko.
Para siyang kumikinang.
Naalala ko na. Siya ang nagtutwerk kanina.
I think I'm in love.
![](https://img.wattpad.com/cover/40816224-288-k670186.jpg)
BINABASA MO ANG
Key Club (Editing)
HumorIn Key Club, chaos induces. | HunHan Centric | Key Club (1st of The OTA hexalogy)