Napahikab si Sehun at kinurap ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inilapag si Pinku-pinku higaan niya at lumingon sa gilid at nakita ang isang Jongin na nakahandusay, nakanganga at naglalaway na natutulog. Napabuntong hininga nalang siya at dahan-dahang bumangon.
Kung nagtataka kayo bakit nasa iisang kwarto sila, eh simple lang naman. Nagmakaawa si Sehun sa ina niya na ipasok sila ni Jongin sa iisang kwarto dahil for one, sanay nanaman silang magkasama sa iisang kwarto (kayo ba maging bestfriends for 8636271922 years). Two, ayaw niyang itake nag risk na baka weird ang magiging roommate niya at Three, hindi siya sanay may interact sa ibang tao except kay Jongin.
Pumanik siya sa higaan ni Jongin at agad na pinalo ang binata ng unan. Agad naman itong napabangon na mulat ang mata. Okay... di na siya nacecreep out dahil duh sabi ko nga bestfriends na sila since 8636271922 years.
Dahan-dahan siyang nilingon ni Jongin at tila ba isang isdang nakawala sa dagat, kanyang ibinuka ang bibig, isinarq at muling binuka. Nagpatuloy lang ito sa mahigit 5 minuto kaya lang bigla nalang nahiga si Jongin na tila ba may bumaril sa kanya at hindi pa lilipas sa dalawang segundo ay gumawa na ito ng ingay na hudyat na siyay natutulog nanaman.
Napa bunong hininga si Sehun at nagtungo sa bathroom at agad na naligo. Well sabihin nalang nating mahigit isang oras siyang naligo at nagbihis para siguraduhing gwapong-gwapo na siya kaya nung lumabas siya sa bathroom ay gising na gising na ang diwa ni Jongin na nakangisi pa.
Napataas ang kilay ni Sehun dahil bago ito, bihira lang ngumiti si Jongin pag umaga. Either, may crush siya may hungover siya, o galit siya. Opo, ngumingisi siya pag may hungover siya at galit siya.
"Alam mo na ba?" Tanong ni Jongin habang nakangisi parin. Dahan-dahang tumingin si Sehun sakanya habang tumataas ang balahibo sa braso dahil... creepy.
"Uhm... ang alin?" Mahinang tanong niya at ginawa niya ang lahat wag lang siya sumigaw at lumabas sa kwarto dahil talagang nakakatakot si Jongin ngayon.
"May meeting lahat ng room occupiers ng Floor 2 sa common room mamaya. At nakwento ko nabang lahat ng nasa Key Club lang ang occupiers dito? Hihihi!" Ibinulong ni Jongin at panghuli. Okay...?
Okay inaamin niya hinding-hindi pa niya nakikitang ganito ang kaibigan. Ngumingisi nga siya pero hindi siya ganito kumilos at magsalita... hindi siya... uhm... parang bakla. Dahil kung sakanilang dalawa lang, aaminin niyang mas bakla siya kumilos kung may crush.
Tsk. Hindi na ata crush to.
Pero hindi 'yan ang bumabagabag sa utak ni Sehun ngayon...
Ngumisi siya...
Magkikita nanaman sila ni Luhan!!! Hihihihi~!
So Bakla.
♡○♡○♡
"Alam mo Chanyurr, bagay sayo 'to!" Sigaw ni Bacon... este Baekhyun habang itinutulak si Chanyeol sa bathroom kasama ang damit na gusto niyang isuot nito.
"P-pero... para--!!" At... isinara na ni Baekhyun ang pinto at ngumiti ng tagumpay.
Lumipas ang sampung minuto ngunit hindi parin lumalabas si Chanyeol kaya nag alala na si Baekhyun at agad na kumatok.
"Chanyurr! Buhay ka pa ba?" Pagkasabing-pagkasabi niya nuon ay agad na bumukas ang pintuan at oh lala...
Si Chanyeol na roommate niya ngayong year na isang... straight guy... ang roommate niya na kung tumawa ay parang abnormal... ang roommate niya na napaka lanky at awkward...
Hindi niya aakalaing napaka gwapo papa nito sa button down na black na nag eemphasize sa kanyang shoulders habang ang jeans niya naman na skinny ay pumapalibot sa kanyang thick thighs. Kung aaminin ni Baekhyun, talagang may gusto siya dito kaya lang...
Chanyeol is Straight. Baekhyun's not.

BINABASA MO ANG
Key Club (Editing)
MizahIn Key Club, chaos induces. | HunHan Centric | Key Club (1st of The OTA hexalogy)