"Jongin paki abot nga nung stapler." Mahinang utos ni Kyungsoo kay Jongin, agad naman itong sinunod ng nakakabata.
Lumipas ang ilang minutong katahimikan maliban nalang sa pagtunog ng keyboard ng dalawa. Hindi man aminin ng dalawa pero mismong sila ay naiilang dahil sa katahimikan.
Silang dalawa lang ang nasa club room dahil ang iba ay may kanya-kanyang klase habang sila naman ay may free time kaya inasikaso nalang nila ang upcoming events ng club.
"So... hyung, may date ka na ba sa Homecoming?" Biglang tanong ni Jongin upang mawala ang awkward atmosphere.
Biglang namula si Kyungsoo at tumikhim. Hindi niya akalaing ang lalakeng gusto nyang maging kadate ang magtatanong neto sakanya.
Ayaw niya namang mapahiya sa harap ni Jongin at tawaging pabebe kaya nagsinungaling siya.
"Ah- ha oo hahaha oo meron na." Nanginginig na sagot nya habang pulang-pula pa din ang mukha.
"Ahhh..." dismayadong bulong ni Jongin at napapout unconsciously.
"Eh ikaw ba?" Tanong ni Kyungsoo habang patuloy sa pagtatype habang hindi tinitignan si Jongin.
Para din hindi mapahiya ay nagsinungaling din si Jongin dahil baka isipin ni Kyungsoo na baduy siya at lampa na hindi kayang kumuha ng date. "Oo m-meron na! Ha-ha-ha." Mahinang tawa niya at itinuon ang pansin sa wall clock. Napaka ganda pala ng disenyo nito. Floral na floral.
"Oh... sino?" Tanong ulit ng nakakatanda.
"Si ano... uhm si ano nga-- 'yung si Krystal! Oo! Hahaha si Krystal tama!" Pangalawang pagsisinungaling ni Jongin at agad na tinitigan ang wallpaper ng desktop niya. Ang ganda pala ng wallpaper niya. Plain blue lahat.
Napatango nalang ng mahina si Kyungsoo. Eh sa dami ba namang pwedeng maging date eh si Krystal pa? Si Krystal pa na kinagigiliwan ng lahat. Si Krystal na perpekto para sa lahat. Si Krystal na...
Maganda
Matalino
Mabait
Mayaman
Dancer...
Dancer kagaya ni Jongin.
Si Krystal pa na sobrang close kay Jongin dahil pareho sila ng Major Club, ang Dance Club.
Ano nga bang ikakatapat ni Kyungsoo eh club pa nga lang talo na siya. Minor club lang ni Jongin ang Key Club samantalang ang Dance Club ay major nya. Ganoon din si Kyungsoo at Krystal.
Minor lang si Kyungsoo samantalang major si Krystal.
Isip-isip ni Kyungsoo.
Kabaliktaran naman ang totoo.
♡
"Kawawa naman ang dalawang 'to. Ang vivirgin kumilos!" Saad ni Chen habang sumisilip sa cracks ng ajar na pintuan ng club room nila.
"Ano ka ba! Tumahimik ka nga at baka marinig ka at patay tayong lahat!" Mahinang banta ni Baekhyun. Tayong lahat nga naman. As in lahat ng miyembro ng Key Club maliban sa dalawang nasa loob, and oo guys pati si Sehun nakikisilip na rin.
"Para tayong mga tanga dito." Kinamot ni Luhan ang ulo nya at nag tsk.
Tumango-tango si Sehun na parang aso. Obvious naman na patay na patay siya noh.
"INCOMING SOLDIEEEEER-- TABI!!!!" sigaw ni Lay habang naka roller skate at naka helmet pa. Umalis ang lahat sa daan maliban kay Suho pandak kaya dumiretso silang dalawa sa loob ng room at tumilapon na siyang ipinanglaki ng mata ni Jongin at Kyungsoo. Well mas inilaki pala para kay Kyungsoo.
"Ba't ka naka roller skate? Eh alam naman ng lahat pati nga siguro langgam alam na di ka marunong mag roller skate eh!" Sigaw ni Xiumin habang nagpailing-iling pa.
"Uhhh di ko alam 'yan!" Sigaw ni Sehun. Tumingin lahat sakanya ng may nakataas na kilay.
Okay... ba't parang ang unfair. Pag joke nila palaging natatawa ang lahat pero pag shining time na ni sehun parang lamya nyang pakinggan? Asan ang hustisya!

BINABASA MO ANG
Key Club (Editing)
HumorIn Key Club, chaos induces. | HunHan Centric | Key Club (1st of The OTA hexalogy)