Inihagis namin ang aming mga toga pero sinalo din namin noh! Isosoli pa namin to. "Good bye highschool." nakakalungkot naman.
Kung sasabihin natin ang salitang 'highschool' ang unang pumapasok sa utak natin ay lahat ng saya, kalokohan, kaibigan, mga guro na napaka strikta, pag-cucutting classes basta lahat ata ng saya naranasan na natin sa highschool at hindi ako makapaniwala na nag tapos na ako ng highschool. Nakakaiyak naman pero okay lang kasi para sakin lahat ng bagay may katapusan. Katulad ng LOVE, may katapusan yan! Bitter na kung bitter.
Ako na ang iniwan, ako na ang iniwan ng limang lalaki. Hays.
"Congrats bestie!" bati sakin ni Sue. Siya ang bestfriend ko for 4years.
Classmate ko siya 1st yr to 4th yr. Sad to say iba ang gusto naming kunin na kurso kaya magkahiwalay talaga kami pero what ever happens, kahit paminsan-minsan nalang kami mag kikita at kahit paminsan minsan ko nalang siya makakausap alam kong alam niya na bestfriend ko parin siya at sana ganyan din siya sakin.
Si Sue mabait din siya, mayaman like me and famous like me. Palagi kaming nag bebestfriend goals sa instagram namin.
"Congrats din best!" sabay yakap sa kanya
"Uy best san ka mag cocollege?" tanong sakin ng bestfriend ko
"Hindi pa ako su-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko tinawag na ako ni mommy "ay una na ako best ha we'll be having dinner pa eh" niyakap ko siya ulit nakakamiss eh
Pag lapit ko kala mommy niyakap agad ako ni mommy at daddy.
"We're so proud of you Faye." sabi sakin ni dad "Congrats!" Si daddy? isa siyang business man silang dalawa ni mommy. Sila ang nag papatakbo ng mga companya namin.
Napaka bait ng mga parents ko, kung ano ang hihilingin ko ibibigay agad nila. Kaya naman napaka spoiled ko pero hindi ko naman inaabuso ang mga ginagawa sakin nila mom at dad, masama kaya yun noh!
"Thanks dad!" abot langit ang ngiti ko kasi kahit hindi ako honor student na pinangako ko sana kala mommy ay proud na proud parin sila sakin.
"Congrats sis" bati sakin ng kapatid kong si Sam 4years ang gap namin pero close na close kami sa isa't-isa.
She's 20 pero madami na siyang naachieve sa mga goals niya in life for example travelling not just here in the Philippines but around the world! She's a fashion and travel blogger.
Minsan nga naiinggit ako sa kanya kasi pinapayagan lang siya nila mommy kahit anong gustong gawin niya, ganyan ba ang powers kapag nag 18 ka na? Kasi simula nung nag 18 na si ate halos hindi na siya umuuwi samin kasi party lang ng party, travel lang ng travel. Hayy sana 18 na ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Popular Meets Mr. Popular
Teen FictionPaano kapag tatlong Mr. Popular ang makakaharap mo? Sino kaya sa kanila ang iyong FOREVER?