Chapter5: FIRST DAY

22 0 0
                                    


Ilang weeks na din ang nakalipas nung party ni Tom noh! Syempre hindi ako pinagalitan nila mommy kasi sinunod ko ang mga utos ni ate before lumabas ng kwarto. Huhu nakaka konsensya kapag nakapag sinungaling ka sa mga magulang mo, no joke.




Ayan umaga na! Saktong 6:00AM ako bumangon. Kanina pa ako gising eh kasi naman excited ako sa first day. College na ako guys, college! Halong excited at kaba ang nararamdaman ko ngayon pero excited talaga ako mas lamang yun.




Ano kaya ang college? Siguro pareho lang ng highschool kaso palipat-lipat ka ng room at mga taga iba't-ibang course ang mga classmates ko sa ibang subjects ofcourse except sa major, at eto pa, wala ng Science! Pero may Math parin jusko pooo!




So eto, I'm taking up Bachelor of Science in Customs Administration. New school ko? Adrelle University. Aba! Matalino din ako noh kaya nakapasok ako sa school na 'to.




Pagkatapos kong maligo, nag bihis agad ako ng uniform ko kasi required na mag uniform in the first day of class. Bumaba na ako. Mmmm bango ng niluto ni yaya Linda! Favorite kong bacon!




Umupo ako agad sa upuan ko ng aming dining. Habang nag hihintay sa breakfast ko nag titwitter muna ako syempre good mood kaya nag greet ako ng good morning sa lahat ng followers ko.




"Wow! Aga mo ah? Excited lang?" Bigla nalang sumulpot si ate, san kaya to galing wala naman sya dito kanina.




"Medyo" tipid kong sagot pero sa totoo lang excited na excited na talaga ako




"Good morning baby. Diba mamayang 9AM pa class mo? Ang early mo ata?" Pati si mommy nagtataka pero nag tataka din naman ako kung san sya galing bigla bigla nalang sumulpot. 7AM pa pala hehe aga ko talaga.




"Aba syempre para sa ekonomiya. May orientation po kasi mamayang 7:30 tapos campus tour naman" sabi ko




"Eh hindi ka ba malalate nyan sa 9AM class mo?" Tanong ni daddy at nag beso sakin "good morning baby" isa din to oh! Bigla nalang sumusulpot tsktsk.




"Wait, san ba kayo galing? Ba't bigla nalang kayo sumusulpot? Ghost ba kayo? At oo hindi ako malalate sa class ko kasi excuse lahat ng freshmen sa classes nila."

Ms. Popular Meets Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon