I really had fun talaga kanina, pero mas nag enjoy ako kakatitig kay Kevin. Siya pala si mysterious guy. By the way andito na pala ako sa bahay hindi naman ako pinagalitan kasi umuwi naman ako ng maaga hinatid pa nga ako ni Kyle.
Well actually hinatid niya lang talaga ako tapos bumalik naman siya dun, siguro nga andun pa yung mga BAGO kong friends eh. Oh diba BAGO! May friends na talaga ako hehehe
Teka may sinabi ba ako kanina tungkol kay Kevin? Na tumititig ako sa kanya? Huhu sorry po pero gosh he's so hawwt! Jusko po kung kayo makakita sa kanya baka hindi na kayo aabot sa hospital, bakit? Tingin pa lang niya pamatay na! Yun bang on the spot ka mamamatay
So heto ako higa-higa sa bed ko nakatitig sa ceiling. Ewan pero madami akong iniisip eh.
Wait! Makastalk nga si Kevin sa fb.
Ayan! Madami na akong nakuhang impormasyon tungkol sa crush ko hihihi wait, crush? Totoo? Hindi mali mali!
Mamaya ko nalang ishashare 'tong mga impormasyon tungkol kay Kevin, maliligo muna ako tapos mag bibihis.
▪▪▪▪▪
Ayan! Fresh na fresh na ako.
So eto na yung nga impormasyon na nakuha ko:
1. Hindi siya in a relationship
2. Famous siya
3. Vain siya! I mean medyo mahilig din siya mag selfie
4. Magaling siyang mag edit sa vsco
5. Nag mumusical.ly siya!
6. Katoliko siya just like me!
7. Mahilig ang family niya sa charity; and lastly
8. Membro siya ng basketball team ng school namin
Yang number1 nalaman ko kasi hindi naman talaga tapos wala siyang pinopost na may kasamang babae maliban na lang sa nanay niya or yaya niya na nag phophotobomb or cousin, aunty or friends niya.
Number2 naman nalaman ko kasi madami siyang fans, I mean madami siyang likers at halos mga babae nag cocomment sa mga post niya.
Number3 photogenic siya, mahilig siyang mag selfie siguro kasi alam niyag gwapo talaga siya. GGSS lang? Hmfff!
Number4 magaling talaga siya mag edit, alam niya yung filter na dapat gamitin sa pictures niya.
Number5 mas sumikat siya sa musical.ly video niya lalo na't pinost ito ng page sa facebook na "Pinoy Musical.ly"
Number6 nalaman ko kasi nag post siya ng picture na nasa simbahan siya with a caption na "just got home from sacred heart church. God bless us all." Major TURN OOOON!
Number7 mahilig tumulong siya at ang family niya sa less fortunates. Alam ko at bakit? Wala kayong paki. Joke lang kasi may pinost yung nanay ata niya yun na picture nila na nag papafeeding program tsaka yung nasa bahay ampunan sila with some orphans. Siguro mayaman sila noh? Ano kayang businessnng family nila? Well I have to find that out!
Number8 well alam na alam ko kasi may nag post ng "practice tayo whole day bukas, saturday 8am, Adrelle University basketball court." At tinag siya, well, hindi lang siya kundi si Kyle, Aaron, Matt at madami pa. Halata naman sa height nila no hanggang kili-kili lang nila ako. Siguro coach nila nag post nun.
So ayun! Nakakuha na ako ng enough na information para mas makilala ko siya. Oo na! Ako na stalker.
Wag kayo painosente jan! Alam kong todo stalk din kayo sa mga crush niyo hehe.
Ano na gagawin ko? Hayy maistalk nga si Kyle...
-
A/N: sorry sa matagal na update :( di naman ako busy kaso wala talaga akong maisip ehh kaya sorry kung maikli lang :( paghahandaan ko ang mga susunod na chapters pero matatagalan naman yung update hehehe
Twitter: @fayecalang
Facebook: facebook.com/fayeskie
Instagram: @fayecalang
Ask.fm: @ItsPFCalang
Snapchat: fayentastic
BINABASA MO ANG
Ms. Popular Meets Mr. Popular
Teen FictionPaano kapag tatlong Mr. Popular ang makakaharap mo? Sino kaya sa kanila ang iyong FOREVER?