Andito na kami sa mall ni ate. Halos lahat na ata ng boutique napasukan na namin ni ate except for... FOREVER 21! F21 is oh so my favorite shops! We're here na dito sa f21. Hanap hanap kami ng awesome clothes ni ate for party.
"Oh hey ate Sam! What a coincidence? Haha ang liit pala talaga ng mundo. Who's with you ate?"
Ang boses na yun... Ang kapal ng mukha niyang kausapin ang ate ko pagkatapos ng ginawa niya sakin? Kausap-usapan niya lang ate ko na parang walang nangyari samin?! Aba ang kapal naman ng mukha niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung lilingon ba ako o ewan!! Ughh! I don't wanna see him!
Finally! Nilingon ko siya "ako kasama niya" sabay ngiti na parang wala lang ding nangyari.
"Hi Faye! Kamusta kana? It's been ages since the last time I saw you. Gumaganda ka lalo."
"Pwede ba Lance? Cut it out! I don't want to talk to you! Pagkatapos ng lahat ng pagpasakit mo sakin?! Madali lang ba para sayo? I don't want to hear more lies coming from your goddamn mouth!" Sigaw ko.
Feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga tao, but I don't care! Bagay lang sa kanya to!
Pinahiya niya din ako sa harap ng madaming tao and also in front of his friends. Nag mukha akong tanga noon pero ngayon I won't let anyone fool me again!
"Babe! I've been looking all over for you andito ka lang pala. By the way which one of these are bagay sakin? Hindi kasi ako makapili kasi ang ganda nila pareho." May lumapit kay Lance na isang babae na napaka iksi ng short kala mo nag papanty lang siya tapos naka sleeveless. Ang pula ng mga labi niya, malaki ang mata niya at pango siya, PANGO!!
"Hahaha! Kaya pala you left me because of this girl? Oh my gosh Lance bumaba pala standards mo? Girl! Walang bagay sayo ng mga pinag pipili mo, those are too expensive for your dry and cheap skin. Kung hindi ka makapili why not buy them all? Hindi ba aabot budget from your piggy bank? No worries dear I can give you 5K for that and you want pang taxi?" Hirit ko bago pa makasagot si Lance sa kanya. Nanlaki ang mga mata ng babaeng yun pati si ate.
"Tama na yan Faye. Pumunta ka na sa labas wag ka nang mag skandalo dito hintayin mo ko babayarin ko lang to." Kinuha ni ate ang mga pinili kong clothes and then pumunta na siya sa cashier.
"Pfft, whatever." Sabi ko sa sarili ko and then I went out.
Mga ilang minuto lumabas na si ate na galit na nakatingin sakin. Habang papalapit siya sakin "Faye, what was that?!"
BINABASA MO ANG
Ms. Popular Meets Mr. Popular
Teen FictionPaano kapag tatlong Mr. Popular ang makakaharap mo? Sino kaya sa kanila ang iyong FOREVER?