Chapter4: THE MYSTERIOUS GUY (PART2)

20 0 0
                                    


Naku po! Nakatingin siya sakin! Kinakabahan ako.. Anong gagawin ko? Baka gugulpihin niya din ako eh? Pero sa tinatagal-tagal kong nakatulala sa kanya may nakita akong dugo sa mga labi niya. Dugo... Takot ako sa dugo.




"Omg! Nagkasugat ka!" Sigaw ko sabay turo sa labi niyang nagkakasugat.




Imbis na sasagot siya sakin o ano, pinahid niya lang ang dugo sa mga labi niya, pero hindi ako mapakali nakakairita talaga ang dugo na yan! 



Kaya lumapit ako sa kanya, kinuha ko ang panyo sa purse ko at pinahid sa sugat niya sa labi.




"Hindi talaga gagaling yan. Halika pumasok tayo sa kwarto, may first aid kit sa loob at ice." Sabi ko sa kanya




Lahat ng kwarto dito sa mansion nila Tom may first aid kit at ang mga bedrooms naman mayroong mga maliliit na refrigerator. 




Tumayo ako at inabot sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang makatayo. 



Pag ka tayo niya hawak-hawak niya pa rin ang panyo ko na nakadikit sa kanyang mga labi. Hinila ko siya papasok sa kwarto ni Tom at inalalayang makaupo sa higaan.




Binawi ko ang panyo ko na hawak-hawak ng lalaki at pumunta ng banyo upang hugasan ito. Pagktapos ay dali-dali akong kumuha ng ice sa refrigerator ni Tom at inibalot ito gamit ng panyo ko.




"Oh! Igamot mo yan sa labi mo." Sabi ko sabay abot sa kanya ang panyo kong may lamang ice.




"Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. Siguro, gusto mo ako noh? Haha" nagulat ako sa sinabi niya, grabe siya ah.




"Uy hindi ah! Takot lng ako sa dugo that's why." Pangdedepensa ko sa sarili ko




"Salamat nga pala." Sabi niya at ngumiti ng napaka lapad. Aba! Marunong pala itong mag papasalamat? Hahaha




Ngumiti lng ako. Biglang nag beep ang phone ko, bilis kong kinuha ito mula sa purse ko kasi baka si Sue na yung nag tetext.

Ms. Popular Meets Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon