"Babe, ready ka na ba? Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni Colin sa kanya habang inaayos ang mga gamit nila sa kotse. Pupunta sila ng Tagaytay noon para mag-celebrate ng kanilang anniversary. Matagal na nila itong plano ngunit ngayon lang natuloy dahil pareho silang abala.
"Okey na, Babe. Wala naman akong masyadong dala. Tatlong araw lang naman tayo dun e." sagot naman ni Bridge sa kanya.
"Okey, let's go para hindi tayo gabihin sa byahe". Pagkuway sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto bago ito lumigid sa driver's seat.
Habang biyahe ay nakahawak sa kamay niya si Colin. She knew how much he loves her. Sa tagal na nila ay hindi niya man lang nakitang nagalit ito. Sa tuwing magtatampo siya dito sa walang kwentang dahilan ay ito pa mismo ang sumusuyo sa kanya. He is a perfect boyfriend sabi nga ng mga kaibigan nila. Masyado siyang spoiled dito. Mahal niya ang binata ngunit hindi niya pwedeng itanggi sa sarili niya na hanggang ngayon ay mahal niya pa din si Iñigo. Simula ng gabing nagkita-kita silang magkakaibigan ay walang oras na hindi sumagi sa isip niya ang binata. Lalo nitong ginulo ang puso at isip niya. Pilit nilalabanan ng isip niya ang nararamdaman ng puso niya dahil mali iyon. Engaged na siya at ayaw niyang masaktan si Colin. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ito dahil sa maling desisyon na nagawa niya noon.
"Babe, anong gusto mong iadd ko, Big Mac or Cheeseburger?'' tanong ni Colin sa kanya. Nasa drive thru na pala sila ng isang fastfood. Hindi niya man lang namalayan.
"Ano na ba ung inorder mo?'' balik-tanong niya dito.
"Extra large fries, coke float at choco fudge sundae." sagot naman nito.
"Okay na yan. Sa Tagaytay na lang tayo kumain ng heavey meal.'' Saad niya. Tumango naman ang binata at kinausap na ang crew. Hanggang sa lumipat na sila ng pwesto upang abutin ang mga inorder nila.
Habang daan ay sinusubuan niya ang nobyo ng inorder nila dahil sa nagmamaneho ito at hindi makakain. Kinukulit naman siya nito dahil sa tuwing susubuan niya ito ay kinakagat nito ang daliri niya sabay tumatawa. Napaka-jolly talaga nito. No dull moments kapag kasama niya ang binata. Natigil ang pagkukulitan nila ng biglang tumunog ang phone niya. Group message ito galing kay Lei. Ipinapaalala ang lakad ng barkada nila mamayang gabi. Kaagad siyang nag-reply dito at sinabing hindi siya makararating dahil kasama niya si Colin sa Tagaytay.
"Si Lei. Pinapaalala ang lakad ng barkada mamaya. Sabi ko hindi ako pwede." Paliwanag niya kay Colin.
"Okay lang ba sa'yo na hindi ka nakasama sila?" apologetic na saad ng nobyo.
"Oo naman. Madami pa namang next time e." nakangiting sagot niya.
Pagdating sa Tagaytay ay dumeretso sila sa hotel na tutuluyan nila ng tatlong araw. Nasa overlooking iyon na bahagi kaya naman tanaw nila mula sa pwesto ng kwarto nila ang mga ilaw na nagmumula sa kabahayan ng Batangas, bayan na matatagpuan sa ibaba ng Tagaytay. Nakakarelax ang ambiance ng lugar na iyon. Napag-pasyahan nilang magpahinga muna sandali bago sila bumaba ng hotel upang maghapunan.
Pagmulat ng mata ni Bridge ay wala na si Colin. Marahil ay nasa labas na ito. Napaidlip pala siya marahil ay dahil sa haba ng biyahe nila. Nagtungo siya ng banyo at naligo ng mabilis. Nagsuot siya ng maong na short at simpleng pink na blouse at tinernohan niya din ng flip flops na pink. Inaayos niya ang kulot na buhok ng pumasok si Colin. Nakasuot din ito ng maong na short at abuhing t-shirt. Gwapo pa din ito kahit sa simpleng suot nito.
"Sa'n mo gustong magdinner?" tanong nito sa kanya pagkapasok ng pintuan.
"Gusto kong kumain ng bulalo at tawilis. 'Yon daw ang specialty dito sa Tagaytay 'di ba?'' tugon naman niya.
"O sige. Hanap tayo nun sa labas ng hotel. Marami naman dyang restaurant na pwedeng pag-pilian" wika nito.
Napag-pasyahan nilang kumain sa Leslie's Restaurant. Maganda ang ambiance ng restaurant at mapapansing madaming kumakain dito. Pumwesto sila sa may viewing deck ng naturang kainan. Pinili nila ang pwestong 'yon dahil sa romantic set-up nito. Nasa likod na bahagi iyon ng restaurant. Agad silang sinalubong ng tauhan ng restaurant at kinuha ang order nila. Matapos ang ilang sandali ay isinerve naman agad ito sa kanila. Habang kumakain sila ay may dalawang lalaki at isang babae ang lumapit sa kanila. Kinausap sila ni Colin. Ang mga ito ay tumutugtog sa bawat lamesa doon sa restaurant na 'yon base na din sa nakita niya kanina pagkapasok nila. Matapos ang ilang sandaling pakikipag-usap sa mga ito ay nagsimula ng tumugtog ang mga ito. Intro pa lamang ay alam na niyang theme song nila iyon.
BINABASA MO ANG
Begin Again (One - Shot) ♡♡♡
Short StorySa pag-ibig hindi totoo na nagmamahal ka ng sabay. Meron at merong mas nakahihigit sa dalawa. Iisa lang ang magiging great love natin. Kung may mahal man sa kasalukuyan at bumalik ang nakaraan, kahit walang closure, hindi malilito ang puso. Pero paa...