Chapter 8

34 2 0
                                    

Walong buwan na ang nakalipas simula ng bumalik si Iñigo sa Australia. Pinilit niyang ituon ang isip at atensyon niya sa trabaho upang makalimutan si Bridge. Ngunit sa araw-araw ay bigo siya sa kanyang plano na iyon. Madalas din ay nagiging mainitin ang ulo niya at umiiksi ang kanyang pasensya. Tulad ngayon, ang dami niyang kailangang tapusing trabaho pero kanina pa siyang hindi makapag concentrate sa ginagawa.

"Sweety kanina pa kita tinatawagan but you're not answering any of my calls and text to you'' Napasandal si Iñigo sa kanyang swivel chair ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iluwa noon ang nagbubungangang si Dannah.

"I'm sorry I'm just busy.'' Sagot niya dito at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Palagi na lamang yan ang sinasabi mo sa akin sa tuwing hindi mo nasasagot ang mga tawag ko.'' Litanya pa rin nito.

"Dannah, please not now. Marami akong kailangang tapusin ngayon.'' nawawalan na ng pasensyang tugon niya dito. Isa pa ito sa pinoproblema niya. Simula ng bumalik sila dito sa Australia ay naging masyado ng demanding si Dannah sa kanya. Halos araw-araw din ay kinukulit siya nito sa pagpapakasal kaya madalas ay hindi niya rin sinasagot ang mga tawag nito. Napapagod na kasi siyang magpaliwanag at nasasakal na siya sa ginagawa nito.

"Busy? Sabihin mo kaya hindi ka makatapos tapos ng ginagawa mo ay dahil naglalakbay na naman ang isip mo sa Pilipinas. Akala mo ba hindi ko napapansin na palaging lumilipad yang isip mo. Nandito ka nga sa Australia pero ang isip mo ay naiwan pa din sa Pilipinas dahil sa lintik na Bridgette na 'yon!'' bulyaw nito sa kanya. Pagkarinig ng sinabi nito ay nag-init na lalo ang ulo ni Iñigo. Ang kaninang tinitimping galit ay hindi na niya napigilan.

"Don't you dare call Bridge like that!'' biglang tayo sa kinauupuan at hiyaw ni Iñigo kay Dannah. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito ay nagulat ang huli at napaiktad din ito sa kinatatayuan.

"Bakit? Dahil naapektuhan ka pa din hanggang ngayon ng dahil sa kanya, ha, Iñigo? S'ya din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayaw mo pa din na ipasok ang kasal sa usapan nating dalawa di ba? Kasi umaasa ka pa din ha?'' Galit na rin si Dannah.

Naisabunot ni Iñigo ang kamay sa buhok niya. Sinasagad na talaga ni Dannah ang pasensya niya. Paulit-ulit na lamang ito sa kanya at sadyang napapagod na siya.

"Oo apektado pa rin ako ni Bridge hanggang ngayon at umaasa pa din ako na ako na magiging kami pa rin sa huli. Alam mo ba kung bakit ha Dannah? Kasi hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya at kahit kailan hindi na iyon magbabago. Now, satisfied in hearing the truth?'' sagot niya dito.

"How dare you! Tama ako all this time.'' tila natulos sa kinauupuang saad ni Dannah.

"Dannah let's end this. Wala na rin namang patutunguhan itong relasyon na ito. Ayoko nang paasahin ka. I can't marry you dahil I know I will never be over Bridge. Let's stop.''

"No Iñigo. Hindi pwede. Alam kong naguguluhan ka lang ngayon. Don't say that." Naiiyak na saad ni Dannah.

"I'm sorry Dannah pero ayoko na." nakayukong sabi ni Iñigo.

"Bullshit Iñigo! Kung inaakala mo na papayag ako na basta mo na lang ako idump ng ganito dahil sa Bridgette na yan, pwes nagkakamali ka. Hindi ako papayag na mapunta ka pa rin sa kanya after all of these.'' galit na saad ni Dannah at padabog na lumabas ng opisina ng binata.

"Dannah." Tinawag niya ito ngunit wala na siyang balak sundan ito. She can go wherever she wanted to hell he cares.

Hindi na niya kayang buhatin ang sarili patungo kay Dannah. Ginawa naman niya ang lahat upang matutunan itong mahalin. Ipinalagay naman niya ang sarili na ito ang dapat niyang pakasalan dahil sa mahal siya nito. Ngunit sa tagal ng kanilang relasyon, sinasabi man ni Dannah na mahal siya nito, hindi niya lubos na naramdaman iyon. Hindi sumapat ang inipon niyang dahilan upang pagtibayin ang desisyon niyang ito ang piliin at hindi ang ipaglaban si Bridgette.

Begin Again (One - Shot) ♡♡♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon