Xandra's POV
Hindi ko naman sinasadyang tarayan si Bree ee. Hindi lang naging maganda ang gising ko kasi ilang oras lang ang tulog ko dahil sa review. May quiz kasi kami. Oh bakit? Kontra kayo? Quiz lang nagre2view ako ng bongga? Simple lang. Scholar kasi ako. Naiintindihan niyo na? Hindi madaling maging scholar pero kung pursigido ka talaga makapagtapos, paghihirapan mo ^_____^
After ko siya iwan at sigawan ay hindi na niya ako sinundan, hindi na din siya pumasok. Feeling ko tuloy kasalanan ko. Si Princess ang nakasabay ko mag lunch. Habang kumakain kami ay nagtanong siya.
'Alex asan si Bree?' sabay subo ng pagkain niya.
'Aba malay ko. Tanungan ba ako ng mga nawawalang tao? Mukhang ba akong Lost&Found? Atsaka pakialam ko ba dun. May sariling buhay siya noh' Sagot ko naman sabay subo sa pagkain. Naiinis ako. Bakit kasi hindi siya pumasok. Lagot ka sa akin Bree pag nakita kita!
'Hahaha. Para kang tanga girl! Hahaha.' -_________________-
'Naktokwa ka. Wag mo nga ako matawag na girl. Mabulunan ka sana sa kakatawa.' Sabi ko. At ang bilis ka naman ng karma. Nabulunan ang gaga. Haha. So devil right? Ok lang yan haha ^____^v
'Oh bakit Princess? Ok ka lang ba?' Tanong ko na may halong pang aasar samantalang siya nag aagaw buhay na :D
'Tubig!' Sigaw nya. Ee wala kaming nabiling drinks kaya ayun. Haha. Tatayo na sana ako ng may nag patong ng mineral water sa tapat ni Princess.
'Eto miss oh :) Sayang naman yang ganda mo kung mamamatay ka lang' Then kinindatan niya si Princess. Si Princess naman :O Nganga! As in! Haha. Nagpipigil lang ako ng tawa kasi nakakahiya diba? Pero parang kilala ko ito. Hindi ko lang matandaan.
'Hoy maldita! Gusto mo na mamatay? Uminom ka na!' Sigaw ko sa kanya. Natataranta namn siyang uminom.Grabe tong babaeng to. Meron pa palang ganun? Yung tipong kinukuha ka na ni kamatayan pero nakuha mo pang tumitig sa isang gwapong nilalang? Meron na bang naganun? Ako kasi hindi ko pa natry. At wala akong balak itry dahil mahal ko pa ang buhay ko. Haha.
'Salamat nga pala sa pagligtas mo sa mahal kong kaibigan' sabi ko na may halong pang aasar tapos tumingin sa akin si Princess and give a glare. Pero hindi ko pinansin. Haha.
'Oh it's nothing. Anything for a Princess.' Sabi naman niya. Namiss ko tuloy si Bree. Englishera kasi ee. What?! Namiss? Did i just say it? Oh cmon mamon! Wala akong sinabing namiss ko siya noh? Asa siya.
'Diba ikaw si Princess?' Tanong niya.
'Oo.' Sabay naming sabi ni Princess. Natawa namin kami dun :)
'Upo ka muna sabi ko.' Then tinuro ko yung upan sa tabi ni Princess, Pang apat kasi tong upuan namin ee. Mabait naman pala kasi sumunod sa utos ko ^______^ Si Princess naman nakayuko na. Kinikilig siguro. Hahaha.
BINABASA MO ANG
We Can Make It (On-Going)
RomanceOrdinary individual with an extraordinary love story. P.S : especially for the LGBT Society. Read this story :)