WCMI-Chapter 9-Confirmed

677 22 8
                                    

Alex’s POV

Ilang weeks after ng tampuhan na yon. Naging ok na kami ulit ni Bree. Honestly, unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi ko sinasabi. Ayoko mag expect. Tsaka pano na lang pag nalaman ng iba? Baka panlalait na naman ang marinig ko. Sasabihin ang landi ko daw. Yung mga ganong bagay.

Papasok na ako. Andito na ako sa kanto ng may mapansin akong sasakyan. Pamilyar na sasakyan. Kanino pa ba? Edi sa sikat sa school. Tuloy lang ako sa paglakad dahil pasalubong sakin ang kotse. Then huminto sa tabi ko at nagbaba ng window. 

‘Sakay na Princess Sunget’ sabi niya at nag smile. Oo, sungit na tawag niya sa akin. Minsan nga honey pa eh. Hinayaan ko na lang kahit minsan napipikon ako sa kanya. Wala eh :3

‘Ayoko. Ang lapit lang ng school oh.’ At tumuloy ako sa paglakad. Umalis na yung kotse sa harap ko. Hindi na ako nag abala tignan pa. Ang tamad kasi. Pwede naman maglakad diba? Exercise pa.

Maya maya may nanghila sakin. Sisigaw sana ako pero tinakpan niya ng panyo bibig ko. Hinila ako patalikod. Wala pa manding masyadong dumadaan kasi maaga pa at palabas pa lang ang araw. Lumalaban ako pero sadyang malakas siya. Asan ka Bree?! Kailangan kita. Tumutulo na luha ko. Pinasok ako sa isang kotse. At sumunod ang driver.

Halos sumabog at magbuga na ako ng apoy sa sobrang galit!

‘Ano bang problema mo?!’ Singhal ko sa kanya

‘Ayaw mo kasi sumabay eh’ Sagot niya. At pinaandar na ang kotse. Bwisit! Mangiyak ngiyak na ako pero siya ganun lang? Hindi ko mapigilang humagulgol. Kala ko mapapahamak na ako Naramdaman kong huminto yung kotse. 

‘Sorry Princess.’ Mahinahon na sabi niya.

‘Sorry?! Yun lang?! Alam mo ba kung ano naramdaman ko nung gawin mo yun?! Natakot ako! Paano na mga magulang ko? Mga kaibigan ko?! Naisip mo bay un Bree?! Napaka selfish mo! Hindi mob a ako kayang kausapin ng mahinahon?! Ha!?’ Nakatingin ako sa kanya habang binibitawan mga salitang yon. Sobrang sama ng loob ko.

Hinila niya ako payakap sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak pero gumanti ako ng yakap. Sumubsob ako sa leeg niya kahit tumutulo pa luha ko.

‘Sorry Princess. Hindi na mauulit. Sorry talaga. Huwag ka na umiyak please?’ Sabi niya habang nakayakap isang kamay niya sa leeg ko at yung isa naman sa bewang ko. Ako naman nakayakap lang sa leeg niya. Ilang minute din kaming naka steady sa ganung posisyon. Siya na din ang bumitaw. Kinuha niya panyo niya at pinunsa sa mukha ko.

‘Wait mo ako dito ha?’ Sabi niya. 

Tumango lang ako at lumabas na siya.  Kahit ganun siya ang sweet naman niya. Kahit anong kalokohan gawin niya ok lang sakin kasi in the end wala akong magagawa kundi patawarin siya. Napabuntong hininga na lang ko. 

Confirmed. Mahal ko na talaga siya. Paano na to? Dapat iniwasan ko na lang. Dapat pinigilan ko tong nararamdaman ko.

Nakita kong bumukas ang pinto at hindi ko mapigilang ngumiti.

‘Eto oh. Wag na iyak ha? Bati na tayo ha?’ Inabot niya sakin yung malaking Chuckie. Tumango ako at ngumiti at syempre kinuha ko na yung chuckie ko ^___^

‘Pasok na tayo honey’ Sabi niya. 

Tinignan ko siya ng masama. Palibhasa kasi ok na kami kaya back to normal na naman pang aasar niya. Pero tumawa lang siya at lumabas na ng kotse. Pinagbukas niya ako ng pintuan at paglabas ko ay nakita kong nakatingin samin si Kathrina. Sikat sa campus. Siya lagi may hawak ng title ng pageant ditto sa school. Maganda siya, oo. Ugali? Hmm? Tignan natin.

Nagkatinginan kami. Then tumingin siya kay Bree. Tumingin ulit sakin. Pero tinging masama. Inirapan ako at umalis na.Ok. Confirmed. Mukha lang maganda sa kanya :3 Medyo bad? Hindi naman. Dine describe ko lang kung ano nakikita ko ^___^

‘Tara na honey.’ Sabi ni Bree. Nagsimula na naman. Hinampas ko siya ng bag ko at nauna ng pumasok.

Habang papasok hindi ko maiwasan mapangiti. Ganto pala epekto niya sakin. Anytime talagang mapapa ngiti ako dahil sa kanya. Kahit ganto kami araw-araw. Basta nakakasama ko siya at lagging nang aasar. Okay lang. Basta masaya siya. Susuportahan ko siya :’)

----------------------------------------------------------------------------------------

Super Laaaaaaatttttteeeeeeee UD :D

Pasensya na po ha. Sembreak kaya nagka time eh. Pasukan na naman po. Pero this time, gagawa talga ako ng paraan para mag UD.

Thank you so much sa mga naghihintay at nag aabang.

i love you guys! This is for real ^___^ :*

God Bless :)

-SweetHaixie<3

We Can Make It (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon