Chapter 2 Welcome Party for Nelson

9.1K 271 4
                                    

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Sherly. Kasama ko siya sa kwarto. Sinabi niya na darating daw ngayon ang nag iisang anak ni ma'am Elisa.

Pagkalabas ko ng kwarto ko, ang bi-busy ng mga tao. Merong nagpupunas ng mga pang display, nagwawalalis, naglalagay ng mga bandiritas.? Ano to? Fiesta?

Grabe sila. Presidente ba ung anak ni ma'am Elisa? Sooosoooo! Naglinis nalang din ako.

Nung nakalabas naman ako, namangha ako sa itsura ng garden. Ang ganda grabe. Bonggang welcome party naman to. Well, kung sa bagay. Kami din naman ganun. Knowing my mom, mas grabe pa maghanda un kumpara kay ma'am Elisa. Naalala ko tuloy dati nung grade 6 ako. Nagpaparty si mommy nun nung naging valedictorian ako. Super dami ng bisita noon, pero hindi nila sinabi na ako ung valedictorian at anak nila ako. Hindi dahil sa kinakahiya nila ako, pero dahil pino-protektahan nila ako. And i understand that. Ayaw nila akong makilala ng publiko dahil baka madamay ako sa mga threats na natatanggap ng pamilya namin. Akala ng mga bisita noon na si ate ung valedictorian, pero wala naman saakin iyon. Ok na ok lang saakin, since ayoko talaga ng atensyon. Although, may nakakaalam naman ng totoo pero iilan lang, yung mga kamag anak lang namin, and some of our close friends. Dahil oras na ipakilala ako ng parents ko sa public, hindi na ako magiging malaya. Hindi na ako makakaalis ng walang kasamang mga bodyguards katulad ni ate at ayoko noon. Si ma'am Elisa, nagpakuha pa talaga ng mga Chefs. Hmm, dapat ako nalang pinagluto nila ehh .. XD

"Chelsca, pwede bang pakihatid nito sa kusina? May kailangan pa kasi akong gawin." Sabi ni manang Lorna.

"Sige po manang. Akin na po."

"Naku, salamat Chelsca. Sige at magmadali ka na at baka kailanganin na yan."

Tinungo ko kaagad ang kitchen para ihatid ung pinapahatid ni manang.

"Uhhm, excuse me po. Ito na raw ung pinapakuha niyo raw Chef." Nilingon naman ako ng isa sa mga Chef na naroon.

"Pakilagay nalang jan. Salamat."

Sabi niya saka pinagpatuloy ang paghihiwa. Nilapag ko naman sa lamesa ung box na dala ko. Paalis na sana ako sa kitchen ng biglang nagsalita ung kumausap saakin.

"Ahh, miss ..."

"Ano po un? May kailangan pa po kau?"

"Wala. Wala naman. Para lang kasing nakita na kita ehh. Parang nakita na kita dati sa party ng mga Loyzaga." Sabi naman niya. My holly cow, namumukhaan niya ako? Shit lang! Siguro isa siya sa mga nakuha ni mom na chef. Geeezzzz! 0_0

"Ahh, uhhm .. B-bka kamukha ko lang po un. At hindi ko po kilala ung sinasabi ninyo. Sige po, aalis na po ako."

Nagdali dali naman akong lumabas. Ng lingunin ko siyang muli ay nakita ko pa na parang may iniisip siya or should i say na inaalala, tapos biglang umiling. Shocks, sana naman maniwala un sa sinabi ko na baka kamukha ko lang ung nakita niya na ako naman talaga.

Pabalik na sana ako sa garden nun para tumulong ng makasalubong ko si ma'am Elisa.

"Uhh Chelsca, mamaya pala ay sumama ka sa amin pagsundo sa airport ok?"

"Sige po ma'am"

Mga 4 ng hapon, tinawag na ako ni ma'am Elisa. Susunduin na daw namin ung anak niya. I wonder tuloy kung anong itsura nun. Hayysst, di ko natanong kay Sherly kung babae ba un o lalake.

Medyo matagal kaming naghintay dun. Hawak ni kuya Danny (ung driver nila) ung placard na may nakasulat na **Welcome Home Nelson Buendia**

Well, obviously. Lalaki ang anak ni ma'am.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si ma'am Elisa sa inuupuan niya tapos kumaway siya. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama namin na sumundo, kaya tumayo na ako at tinignan ang taong kinakawayan nila.

*dugdug dugdug dugdug*

Takte, kaninong dugdugdugdug yun?

Kaloka! Wala man lang nagsabi saakin na hanep pala sa kagwapuhan itong anak ng amo ko.

Nakatingin lang ako sa kanila ng mag akapan ang mag ina. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng madako ang paningin ng binata sa akin. Mas lalo pang pumintig ng mabilis ang puso ko ng mga oras na iyon.

Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ito pwede! Maling mali ito. Unang una dahil anak siya ng amo ko.

Saka ko naman naisip na bakit nga naman mali?

Unang una, mayaman naman ako at maganda.

Pero hindi talaga pupwede! Di pa ako handang masaktan at mas lalong hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala.

Natauhan naman ako bigla ng magsalita si ma'am Elisa.

"Osiya't ilagay niyo na yang mga maleta sa sasakyan para makaalis na tayo."

Iniwas ko ang aking paningin at agad na tumalikod at tumulong sa pagpasok ng mga bagahe sa sasakyan para narin maitago ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa pagtititigan namin kani-kanina lang.

-------------------------------------------------------------

Hope yah like it :)
Vote.Comment.Share & be a Fan ❤❤❤

I'm His Maid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon