"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Sinabihan na kita hindi na? Ano bang gusto mo? Pera!? Peperahan mo lang ang anak ko! Napaka ambisyosa mong babae ka!"
"Mommm! Ano ba?!"
React naman ni Nelson. Lalapitan na sana niya ako ng hinatak siya ng mommy niya papunta sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang mga luhang gustong kimawala saakin kaya naman ay napa iyak na ako sa harap ng mag ina.
"Tigilan mo ang kabaliwang ito Nelson! Nahihibang kana ba? At sa isang katulong kapa nagkagusto, huh !!??"
Hindi ko na kinaya pa. Sabihin niyo ng ang OA pero nasyado kasi akong sensitive. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ngang ilang ulit tinawag ni Nelson ang pangalan ko.
Ganito nalang ba iyon?
Kakasimula pa nga lang namin, ending agad?
Hindi naman matigil sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.
Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang sakit ng pagsampal saakin ni ma'am Elisa, pero mas masakit ung nararamdaman ng puso ko.
Agad kong inimpake ang mga damit ko. Konti lang naman iyon, kaya madaling natapos.
Mas mabuti pa na umalis nalang ako kesa naman mag away lang ung mag ina ng dahil saakin. Ayokong masira ang relasyon nilang mag nanay ng dahil lang saakin.
Lumabas ako kaagad ng bahay nila at sumakay ng taxi pauwi sa amin.
Pauwi sa tahanan ko.
**************
Pagkarating na pagkarating ko naman sa bahay namin, naabutan ko sila mom and dad na nakaupo sa sala. Ng nakita nila ako ay nabakas sa kanilang mukha ang pag aalala kaya naman ay agad nila akong niyakap at napaiyak nalang ako ng sobra. Tinanong nila kung ano ang nangyari, kaya kinuwento ko sa kanila ang lahat lahat.
********************************
Any comment?
Vote.Share.Comment
BINABASA MO ANG
I'm His Maid (Completed)
Novela JuvenilAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sawa na sa marangyang buhay kung kaya't siya ay nagtrabo bilang katulong. Hindi lingid sa kaalaman ng babae na may anak na napakagwapo ang kanyang amo. Sa kanilang unang pagkikita pa lamang ay nabihag na...