Pagkadating ko sa address na nakasulat sa calling card niya ay namangha talaga ako.
Hindi ko akalain na si Chelsca na katulong namin at mahal na mahal ko ay ganito pala kayaman.
Napaka laki ng bahay nila.
Ohh, scratch that! Hindi pala bahay ito, mansion na to'.
Nung nagdoorbell ako ay pinagbuksan ako ng isang babae. Maganda siya at may pagkakahawig siya kay Chelsca.
Chelsca ...
Miss na talaga kita ;(Sa tingin ko ay ito siguro ang mama niya.
"Anong kailangan mo iho?"
Nakangiting tanong nito saakin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Dito po ba nakatira si Chelsca? Ako po si Nelson."
Napalitan ang ngiti niya ng pagkabigla. "Ikaw si Nelson? Naku, napaka gwapo mo naman pala talaga. No wonder, nagustuhan ka ng anak ko. Julie nga pala, mommy ni Chelsca. Tita Julie nalang itawag mo saakin. Tara, dali, pasok ka."
Tinawag naman agad ni Tita Julie si Chelsca.
Hayyy Chelsca, gusto na talaga kitang makita! Miss na miss na kita.
Maya maya lang rin , may nakita akong pigura ng isang babae na tumatakbo pababa ng hagdanan. Napatayo naman ako ng makita ko siya.
Napahinto naman si Chelsca sa pag takbo at parang naiiyak siya?
"Chelsca/Nelson"
Sabay naming tawag sa pangalan ng isa't isa sabay ng pagbaba niya ng tuluyan sa hagdanan nila at pumunta saakin para yakapin ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.
Pinaliwanag niya saakin ang lahat ng nakahawak lang siya sa kamay ko ng buong oras.
"Ayoko ng mawala kapa saakin Chelsca. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Hindi mo alam kung gaano kahirap para saakin ng dalawang linggo na hindi ka nakikita. Sobrang namiss kita alam mo ba un? Halos mabaliw ako kakaisip kung nasan ka, kung kumusta kana. Sobrang namiss kita mahal ko."
"Namiss din kita mahal ko. Di na ako mawawala sayo. Mahal na mahal din kita :)" its a cue for me to kiss her.
Sobrang namiss ko talaga ang babaeng ito. Hindi ko alam kung anong ginawa niya saakin, basta all i know, when the first time i laid my eyes on her, nagsimulang mag malfunction na ang puso ko.
Di rin nagtagal ay umuwi na ako saamin. Sinabi ko kay Chelsca na may aasikasuhin lang ako. Pero ang totoo, kakausapin ko lang si mom. Sasabihin ko sa kanya ang lahat.
Nagulat naman ako ng ngitian ako ni mom, and she even told me that she already knew everything.
Sabi niya, nakita daw kasi niya si Chelsca nung isang araw sa dinaluhan ni mommy na party. Nagulat daw siya nun, kasi bakit daw nasa ganoong party ang ex maid namin so nilapitan ni mom si Chelsca. Sinabi naman daw niya ung totoo. Nagsorry narin daw si mom sa kanya. Pinaliwanag din ni mom kay Chelsca na nagawa niya lang un dahil gusto niya ang makakabuti para sa akin. Chelsca understand it naman daw. Nagsorry narin sakin si mom.
Sabi pa ni mommy, naunahan ko daw si Chelsca. Dapat daw kasi pupunta siya dto para sabihin saakin ang lahat.
Masaya ako at ayos na ang lahat.
Nakita ko na si Chelsca at ayos na sila ni mom.
Isa na lang ang kulang ...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
KASAL :))
BINABASA MO ANG
I'm His Maid (Completed)
Novela JuvenilAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sawa na sa marangyang buhay kung kaya't siya ay nagtrabo bilang katulong. Hindi lingid sa kaalaman ng babae na may anak na napakagwapo ang kanyang amo. Sa kanilang unang pagkikita pa lamang ay nabihag na...