Pagkadating ko sa kwarto ko ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita.
"May gusto ka ba sa anak ko?"
Tanong ni ma'am Elisa. Akala ko ba nakaalis na to'?
"P..po?" Mautal-utal ko namang sagot.
"Tigilan mo ang anak ko Chelsca! Tigilan mo si Nelson! For God's sake. Hindi kayo nababagay ng anak ko. Isa ka lamang hamak na katulong kaya wag kang maging ambisyosa. Hinding hindi ako makakapayag na magkaroon kayo ng relasyon. Wala kang maidudulot na maganda para kay Nelson, kaya pakiusap ko sayo, kung may gusto ka man sa anak ko, itigil mo na, habang maaga pa!" -- "Aalis na ako. Hinintay talaga kita para sabihin iyon sayo. Sana naman ay gawin mo." At umalis na si ma'am Elisa pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako naman ay napaupo sa kama ko at sa hindi maipalowanag na dahilan, bigla nalang tumulo ang luha ko at nakaramdam ako ng sakit sa aking puso.
Ganun ba talaga yun?
Porket isa lamang akong katulong, hindi na pwede?
Although, hindi naman talaga ako dapat nasa sitwasyon na to kung di lang dahil sa kagustuhan ko, pero kahit na.
Kung nung panahon kaya na nasa bahay pa ako at buhay prinsesa pa ako kami nagkakilala, boto kaya sakin ang mommy niya?
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko bago lumabas ng kwarto para tumulong na maglinis.
Buong araw, hindi ko na pinansin pa si Nelson. Iniiwasan ko na rin siya. Kapag papalapit siya saakin ay lalapit naman ako sa iba pang mga katulong dito para tumulong sa ginagawa nila upang hindi niya ako malapitan o makausap. Ganoon din ang ginawa ko ng mga sumunod na araw hanggang sa naging isang linggo. Palagi niyang sinusubukan na kausapin ako pero palagi akong nakakagawa ng paraan para makalusot sa kanya.
Hanggang sa isang araw,
Papunta ako sa guest room na katabi naman ng kwarto ni Nelson para palitan ung mga bed sheet. Nagulat ako ng biglang may humawak ng kamay ko mula sa likuran ko at hinila ako papasok ng kanyang kwarto.
Si Nelson.
Hindi ko maipagkakaila na sobra ko siyang namiss. </3
"Ano bang problema mo? Bat bigla bigla ka nalang nanghahatak!?" Pagalit na tanong ko sa kanya saka hinila ang kamay ko na hawak parin niya.
"Ikaw! Ikaw ang may problema! Bakit kaba umiiwas saakin, huh!?"
"Hindi naman po ako umiiwas sayo SIR. Sige po, mauna na ako, marami pa po akong gagawin." Sagot ko sa kanya at talagang inemphasize ko pa yung word na sir.
Paalis na sana ako ng hinawakan nanaman niya ang kamay ko.
Agad naman akong napatigil nun dahil naramdaman ko nanaman ung pakiramdan na parang may milyon milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa sistema ko sa tuwing magdidikit ang mga balat namin.
"Wag mo naman sana akong iwasan Chelsca. Nahihirapan na ako ehh."
Ako din naman nahihirapan na. P..pero bakit ka naman mahihirapan?
"Nasasaktan ako Chelsca! Look, im sorry if may nagawa man ako na ikinagalit mo para iwasan mo ako. Please naman Chelsca ohh! Wag ka namang ganyan!"
Kanina nahihirapan, ngayon naman nasasaktan. Ano bang pinagsasasabi mo Nelson? Posible bang----
"May gagawin pa ako Nelson. Bitiwan mo na ang kamay ko." Nasabi ko nalang dahil hindi ko na talaga ang gagawin o dapat kong sabihin ng mga oras na iyon.
"No! I wont let go of your hand. I will never! Mahal na kita Chelsca! Mahal na kita!" Nabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon. M..mahal n.niya a.aako? Shit!
"Ma..mahal mo a..ko?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo Chelsca. Mahal kita! Nito ko lang din nalaman na mahal na mahal na pala kita at hindi ko kakayanin kapag nawala ka kaya please naman ohh, wag mo na akong iwasan."
"Hindi pwede Nelson! Katulong niyo lang ako. Hindi ako bagay sa--" hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ng bigla nalang siyang magsalitang muli.
"Wala akong pakialam Chelsca. Wala akong pakialam kahit pa katulong ka man, basurera o kung ano pa man. Ang mahalaga, mahal kita."
Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. Kung alam mo lang! Kung alam mo lang Nelson. Mahal din kita.
"Mahal din kita Nelson. Mahal din kita."
"Ta...talaga? 0_0" hindi makapaniwalang tanong niya saakin.
"Oo" nahihiya kong sagot sa kanya at tumungo upang hindi niya makita ang pamumula ng aking mukha. "Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula pero isa lang ang alam ko at masisiguro ko, mahal kita Nelson."
Nabigla ako ng hinalikan niya ako sa labi ko. It was my first kiss. He kiss me in a passionate way. A very sweet one. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa halik na iyon. It is full of emotion, happiness&love.
.
.
.
.
.Naramdaman ko namang may humili ng buhok ko. Pagkaharap ko ay nakita ko ang amo ko. Si ma'am Elisa na galit na galit ang kaharap ko ngayon.
Nakatanggap ako sa kanya ng isang malakas at malutong na sampal. Halos hindi ako makapagsalita ng oras na iyon. Ganoon din si Nelson na nababakas sa mukha ang matinding pagkabigla.
BINABASA MO ANG
I'm His Maid (Completed)
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sawa na sa marangyang buhay kung kaya't siya ay nagtrabo bilang katulong. Hindi lingid sa kaalaman ng babae na may anak na napakagwapo ang kanyang amo. Sa kanilang unang pagkikita pa lamang ay nabihag na...