CHAPTER 3- ROAD TO BASKETBALL GAME

103 6 0
                                    



Stephen's POV

"Sigurado kang si Nessy yun?" sabi sakin ng kakambal kong si Stephanie

"Oo teh, pinsan raw siya ng boyfriend ni Mayumi"

"Anung pangalan nung boyfriend niya?" –Stephanie

"Hindi ko alam" pagkasabi ko, biglang kumunot yung noo ni Ate Stephie "Hindi mo man lang tinanong, may bunganga naman diba?" sermon niya sakin, ganyan talaga yan si ate, parang nanay kung makasermon.

"Ayaw naman sabihin ni Mayumi, ni hindi nga siya nagreact nung nakipagbreak sa kanya yung boyfriend niya"

"Tanda ko wala namang pinsan na lalaki si Nessy, hmmm siguro second cousin lang niya" –Stephanie

Hindi kami mapakaling dalawa ni Ate Stephie habang nasa bahay kaming dalawa, biglang may nag**TING** sa isipan ko.

"I-search mo kaya sa Facebook Ate Steph"

"Ayun" sabay pisil sa pisngi ko "Laki ko ring tanga noh? Tagal tagal nang uso ang facebook hindi ko man lang naisip gawin yun, hay nako" kinuha ni ate Stephie ang phone niya at sinearch yung pangalan ni Nessy.

"Nessy Erika Valderama Custodio? Ganito ba ang itsura niya Steph?" at itinutok talaga niya yung phone sakin. Oo siya nga, siya yung nakita naming kahapon na kasama nung boyfriend ni Mayumi, grabe ang laki na ng pinagbago niya, ang cute niya.

"Oo nga siya nga yun ate, tanda ko pa yung mukha niya ehh" at inistalk pa ni Ate Stephie yung profile ni Nessy. Ayaw man lang i-share sakin.

"Steph tignan mo toh?" at hinarap sakin yung phone niya "Boyfriend niya ba ito?" sabi niya. Ipinakita niya kasi sakin yung picture na magkasama sila ng pinsan niya which is yung ex boyfriend ni Mayumi.

"Ehh iyan yung ex ni Mayumi na kasama niya nung isang araw" sabi ko

"So ito yung pinsan niya? Hmmmm parang magjowa ehh" at pinakita niya muli sakin yung phone niya na may pic nung "pinsan" niya. Muka nga silang magjowa ehh malamang magpinsan yan. "Or maybe close to each other lang talaga sila"

"Close to each other, ehh kulang na lang maghalikan na sila sa sobrang close nila ehh" provoke ni Ate Stephie

"At oo nga pala, gusto mong manood ng basketball game bukas? May game kasi sina Jake ehh, championship game yun" –Stephie

"Basketball nanaman, alam mo naman na ayaw ko ng basketball ehh." reklamo ko.

"KJ nito, manonood lang naman tayo ehh. Saka gabi naman iyon, sige na para naman may kasama ako" pangungulit sakin ni Ate Stephie, hindi naman ako nananalo sa kanya ehh kaya pumayag na ako, I'm not a fan of basketball pero pupunta lang ako dun para samahan ko siya sa game ng boyfriend niya. Edi siya na ang may lovelife, ako wala.

BASKETBALL GAME

Ligang Barangay

Hooligans vs Kim Kangkong

Still watching the game, and nasa may bench kami ng Kim Kangkong dahil doon naglalaro si Jake, na girlfriend ni Ate Stephie, syempre full support naman itong kakambal ko at todo cheer sa team. Samantalang ako ay bored na bored na at hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Kakaunti lang naman ang nakakaalam na anak ako ng professional basketball player, sabi ng iba kong kamag anak na parang ibang iba ako sa mga magulang ko.

Rebound Book 2- The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon