CHAPTER 15- INSPIRATION

135 2 1
                                    


Mayumi's POV

Umaga pa lang ay pinatawag na kami sa guidance dahil nga sa nakatanggap sila ng report galing sa Santo Domingo, ito yung feud between Steph at Jethro. Pati ako nadamay kairita.

"Ma'am sumama lang po ako kay Miller pero hindi ako nanakit, inaawat ko na nga po sila ehh"

"Kahit na Miss Rodriguez, ang mga ganyang kalokohan pag nadamay ang isa madadamay ka, kasama ka sa pumirma nung pumasok kayo diba?"

"Pero ma'am hindi po ako pwedeng masuspend, magagalit ang parents ko sa akin" Halos maiyak na ako sa sitwasyong ito, ngayon lang ako naguidance sa buong buhay ko, what if nalaman ito ng mga magulang ko ehh kilala nila ito ang guidance councilor.

"Good morning ma'am" nagulat ako nang biglang pumasok si Steph.

"Good morning Mr. Miller"

"Ma'am guidance, huwag niyo na pong idamay si Mayumi, sumama lang naman po siya sa akin para bantayan ako ehh, sa akin lang po yung ginawa ko doon sa Santo Domingo pero believe me, wala po siyang ginawa, inawat lang niya po ako dahil galit na galit lang po talaga ako ng mga panahong iyon, ako na lang po ang parusahan niyo huwag niyo na siyang idamay" nagmamakaawang reaksyon ni Steph

"Sige, Miss Rodriguez pagbibigyan kita, hindi ka na suspended pero Mr. Miller, I need to talk to your parents and also suspended ka ng 3 days sa practice ng basketball team mo, yun lang ang tanging parusa ko sa inyo, you may go"

"Thank you po Ma'am" –Steph

After nun naunang lumabas si Steph sa Guidance Office.

"Steph salamat nga pala"

"Hindi ka naman dapat kasama ehh, ako na lang ang sasalo" –Steph

"Papaano na ang practice mo? 3 days kang wala?"

"Ok lang ako, magagawan ng paraan iyon" –Steph

Bumalik na muna kami sa room naming, parehas lang kamng tahimik na naglalakad pabalik sa room, hindi kami naimik, halata naman na malaki ang problema ni Stephen kay Jethro, hindi ko naman kasi alam ang mga nangyari kaya hindi ako makasawsaw, baka magalit pa si Steph sa akin.


Tim's POV

"Bakit ganon? Aanim lang kayo dito? Nasaan yung iba?" sabi ko sa ilan sa mga players ng team, bakit nawala yung iba dito? Ngayong araw kasi ang isa sa mga importanteng practice ng team naming dahil malapit na ang NCAA Tournament.

"Kuya Tim, ilan sa mga freshmen kasi nagback out na sa team, si Dexter at si Steph hindi ata makakasipot"

"Lintik naman, kala mo napakagagaling ng mga freshmen na ito" paikot ikot ako sa court na parang tanga at nag iisip kung itutuloy pa ba namin ang practice,

"We'll do the practice next week, prelim week kasi ngayon kaya focus muna kayo sa pag aaral niyo, you may go" pinaalis ko na muna sila, cancelled ang practice ngayon dahil kulang kulang kami, kailangan naming magfocus sa practice na kumpleto kami, haixt pasaway na mga freshmen na ito.

Its my senior year in this school at ang isang goal ko lang is makapasok ng Final Four ng NCAA Tournament, pero papaano ko matutupad ito kung tatamad tamad ang teammates ko, ang ayoko ko kasi sa mga teammates ko sa basketball ay yung mga tamad, hindi na baleng magaling ka pero masipag ka at isinasapuso mo ang paglalaro ng basketball.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebound Book 2- The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon