SECOND DAY OF TRAINING
Hindi pa rin daw ako kasali sa scrimmage dahil iilan pa lang ang alam ko sa basketball, hindi pa nga raw ako marunong magshoot ng bola, sabi ni Mayumi ang sakit raw sa mata ng tira ko, daig ko pa raw bata sa shooting form ko.
Yung kagabi pala, ayun nakatulog kami ni Mayumi sa gymnasium then umaga pa lang ay may nagbukas na ng pintuan ng gym at nakita kami ng mga guards doon, hoy wala akong ginawa kay Mayumi ahh, ang laki laki ng gym kaya may place kami para sa isa't isa. Then pag uwi ko ayun sinermonan ako ni Mommy, at dahil sa nangyaring yun, parehas kaming late ni Mayumi. Hapon na kaming nakarating sa training.
"Hoy Steph sumama ka sakin" sabi sakin ni Mayumi at sumunod naman ako sa kanya.
"Saan tayo pupunta? Akala ko ba may training pa ako"
"Sa mall" –Mayumi
"Mall?" tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko. "Lasing ka ba kagabi Mayumi? Magmamall tayo? Seryoso? Ehh nasa kasagsagan kami ng training?"
"Sige saan tayo magshushooting? Kita mong ginagamit ang court sa scrimmage ehh, tara sa mall" hinigit nanaman niya ako pero pinatigil ko siya sa paglalakad at tinanggal ko ulit yung kamay niya sa braso ko.
"Sa mall talaga? Ehh pwede naman kahit saan, pwede naman sa CR"
"HEH!!! Magtigil ka ngang lalaki ka!! Basta sumama ka sakin" at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad palabas ng campus, anung masama sa sinabi ko? Pwede naman sa CR magshooting ahh, hay mga babae talaga ang hirap intindihin.
MALL
Nagpunta kami sa Tom's World, ahh kaya pala. Meron kasing basketball ring doon tapos may mga bola doon. Now I know.
Bumili kami ni Mayumi ng tokens at nagpunta sa basketball corner at naghulog ng isang token then nagstart na yung time, bumaba na yung mga bola papunta sa amin.
"Ano pang tinutunganga mo jan? Go!!" –Mayumi
Kumuha ako ng bola at nagshoot, grabe ang hirap palang magshooting nakakapressure at ang sakit sa kamay, ang dami kasing bola na dapat ishoot tapos may oras pa kaya dapat makascore ako ng marami. After the time expires, mababa lang nakuha ko.
"Ano pagod na Steph? Ang basic basic lang niyan" –Mayumi
"Watch and learn Steph, hindi mo ba alam na homecourt ko ang Tom's World" Naghulog si Mayumi ng token at nagstart na yung time at nagshoot ng bola, ang bilis niya ahh wala pang missed shot basta shoot lang ng shoot ang galing niya. Nakakahiya tuloy ako ehh, nadadaig pa ako ng isang babae.
Then after nung 40 seconds, meron pa siyang isang chance kaya itinuloy niya yung pagshoot ng bola. Natapos na lang siya na may score na 205, ang galing grabe.
"Paano ba iyon huh turuan mo nga ako" sabi ko
"Madali lang Steph, siguro improve mo lang yung shooting form mo, huwag kasi over the head yung shot mo" lumapit siya sakin "Hawakan mo yung bola tapos yung braso mo naka 0 degrees muna" inilapat niya yung braso ko na naka arms forward ganun na may hawak na bola. "Tapos i-90 degrees mo yang braso mo" naka 90 degrees na siya.
"Teka kaliwete ka ba? Saan malakas ang pulso mo?" –Mayumi
"Sa kanan"
"Yung kanang kamay mo, nasa ilalim ng bola. Kasi siya yung magrerelease at magbibigay ng force in order to shoot the basket, yung kaliwang kamay mo naman, siya yung magsusupport sayo para makashoot ng maayos, nasa kaliwang part naman iyan" then ayun, inayos ni Mayumi yung form ng shooting ko, medyo nakakangalay lang siya dahil hindi pa ako sanay.
BINABASA MO ANG
Rebound Book 2- The Next Generation
ActionRebound Throught the Basket or Rebound Relationship Hindi lahat ng relasyon, may forever. Kadalasan ginagamit ka lang niya at pinapaasa at sa bandang huli, mapapasabi ka na lang na "Rebound mo lang pala ako!!" All Rights Reserved 2015 ©ItsMeKP23