Sorry sa matagal na update, Heto na po mga boss hahaha ^_^
Tim's POV
(The Team Captain)
Since the NCA Season is near to approach, kailangan na namin magtraining ng magtraining. Shiozuka Jaguars are #8 last season, I am so disappointed last year dahil maski isa ay wala kaming pinanalo.
So our target from now is to improve our record this season. Maraming nagagalit saming mga players at management regarding sa performance naming nakaraan.
Its time to rise up, kailangan maibalik naming ang dating winning tradition ng Shiozuka Jaguars.
"Kumpleto na ba tayong lahat team!!?" sigaw ko sa mga players ko. Pagkasigaw ko sa kanila ay isa isa silang lumapit sa akin.
"Ok team, ngayong araw na ito ay wala tayong gagawin kundi magpractice ng magpractice since wala naman tayong pasok ngayon. Malapit na ang NCAA Season at ang gusto ko ay magstep up ang team natin this season. Hindi na muna ako mageexpect ng Final Four appearance this season since underdogs tayo ngayon. Pero ang gusto kong makita sa performance natin ay ang improvement ng team. Kailangan nating manalo kahit isang beses, dalawang beses or whatsoever, ok ba yun team?"
"Yes sir!!!" sigaw ng mga ka teammates ko.
"Ok so let's start our practice, 20 laps tayo sabay sabay" pumila na sila isa isa at tumakbo. Kailangan nilang ikutin ang gym ng 20 beses, para unfair naman since kasali rin ako kaya tumakbo na rin ako.
"Shiozuka FIGHT!!!! 1.....2......1.....2.....1......2!!!!!!!"
"Sprint!!! 20 rounds"
Habang tumatakbo, tumingin ako sa likuran ko. Ilan sa mga players ay active pagdating sa sprint except kay Stephen, hindi siya makasunod sa pagtakbo sa mga kateammates ko, sa bagay 1st time lang kasi niya ehh at kinausap na rin ako ni Coach Shabazz tungkol sa kanya, magagamit rin namin siya sa tamang panahon.
"1.....2.....1.....2......1.....2!!!!"
Naka 6 rounds na kami sa pagtakbo nang makita ko si Stephen, bigla ko silang pinatigil sa pagtakbo.
"Tigil muna guys!!!"
Napansin ko lang , sa 6 rounds sa court ay over exhausted na si Stephen.
"Steph ok ka lang?" Habang humihingal ay nabigla na lang kami na natumba siya at nawalan ng malay.
"Hey ok ka lang Steph?" habang ginigising naming siya ay inalalayan ng mga teammates ko si Stephen, binuhat niya ito at pinahiya sa may bleachers ng gym. Good thing na lang ay nagising siya, medyo hinihingal pa siya at parang hirap siyang huminga.
"Ayos ka pa ba pre?" sabi ng iba kong teammates.
"Ok lang ako, medyo nasobrahan lang ako sa pagod" pahingal niyang sinabi habang kinukuha niya yung bote ng tubigan niya sa bag at ininom ito.
"Ang mabuti pa magpahinga ka muna, dapat sinabi mo sa akin ng maaga kung hindi mo kaya, hindi naman ako magagalit, pero part of the training talaga yan"
Kaya ang ginawa ko is pinagpahinga ko na lang muna si Stephen at nagpatuloy kami sa practice, ang ipapagawa ko na lang sa kanya mamaya is dribbling drills para hindi siya gaanong mapagod, saka ko na siya isasabat sa scrimmage since mahina pa siya sa pagtakbo.
After the practice ay nagbigay muna ako ng allowance time sa mga players for a water break, mga 15 minute break para naman makapagpahinga silang lahat.
"Bumalik kayo after 15 minutes, we'll start the scrimmage ok"
"Yes sir!!!"
"Steph maiwan ka dito" nabigla si Steph at napatingin siya sa akin "Meron ka bang health issues?" Tumango siya "Meron akong pneumonia nung bata pa ako, pero wala nga ngayon, medyo malakas na ang resistensya ko, kaya lang ako nagcollapse dahil hindi ako sanay sa pagtakbo"
"Since kung ganun, what's the reason on joining the team?" naging seryoso na ang tanong ko sa kanya. Marami talagang nagtaka kung bakit kasali siya na wala man lang siyang alam regarding basketball. Kasi kadalasan ng mga gustong sumali sa basketball team, hindi natatanggap kahit sobrang galing nila. But hindi galing ang kailangan naming sa team, sipag at tiyaga ang kailangan naming kahit hindi kagalingan at malamang meron itong si Stephen, nakikita kong masikap siya.
Nalaman ko na rin ang nangyari between them and Mayumi, nagkaroon raw sila ng bet na kailangan raw sumali ni Stephen sa basketball team in order to avenge her ex boyfriend. Dalawa kasi ang ex niya dito, si Osar at si Dexter kaso kinick out si Oscar sa basketball team. Iba talaga itong babaeng ito, First year pa lang masyado nang playgirl. BTW Mayumi is the assistant manager of the team.
"Gusto ko lang itry kasi maraming nagsasabi sa akin na bakit hindi raw ako magbasketball despite my height na 6'7 at dahil na rin na ang dad ko ay isang basketball player, I'm notplaying basketball because of my legacy, I want to create my own name in this league" na shots fired siya, sigurado akong magagamit talaga namin siya.
"Then kung ganon, ready ka na ba sa training?" biglang kumunot yung noo niya at nagtakip ng tuwalya sa ulo niya "Pwedeng mamaya na lang Captain? Pagod pa kasi ako ehh, baka mamaya himatayin nanaman ako"
"Ano ka ba, hindi na kita patatakbuhin ulit, tuturuan kita ng dribbling drills. Madali lang ito"
Tumayo na siya at binato yung towel sa bench niya samantalang ako hawak ko ang bola at binigay sa kanya.
"Marunong ka ba ng dribbling? Malamang kaya mo yan"
"Opo"
Tumayo siya sa isang tabi at iniluhod niya yung kaliwang tuhod niya sa sahig at idiniribble ang bola, marunong naman siya kaso yung dribbling niya is hindi maganda, ang ginagamit niyang pang dribble is yung palad niya kaya para tuloy siyang bading magdribble.
"Anung dribble yan, gamitin mo kaya mga daliri mo" kumuha ako ng isang bola sa may case at idiniribble ito sa harap niya, sa pagdidribble dapat daliri mo ang gumagalaw sa pagdribble. "Daliri dapat kasi ang nagfoforce sa pagbounce ng bola, para matuto ka, gamitin mo dalawang bola then sabay mong idribble para malaman mo kung balance talaga sila"
Sinunod naman niya yun turo ko, para mas mahasa siya "Mabilis na dribble gawin mo, daliri mo gamitin mo, iwasan mong mapunta sa palad mo yung bola, gagawin mo lang iyan kapag shoot off dribble ka"
"Not bad, ok na ba ito captain?" nagsisimula na rin siya sa tamang form ng dribbling.
"Sige, yung kabilang kamay mo naman, dalhin mo yung bola sa kabila mong kamay while dribbling" kaso doon lang siya kinapos, mas sanay siya sa kaliwang dribbling kesa sa kanang dribbling, so it means to say na left handed type siguro siya. Pero hanggang dito muna ang ituturo ko sa kanya. Next stop is passing naman then defensive plays. Hanggang dun muna siguro ang maituturo ko sa kanya.
Hanggang diyan na muna hahaha. Abangan ang next chapter ^_^
#Terrence Borbin
BINABASA MO ANG
Rebound Book 2- The Next Generation
ActionRebound Throught the Basket or Rebound Relationship Hindi lahat ng relasyon, may forever. Kadalasan ginagamit ka lang niya at pinapaasa at sa bandang huli, mapapasabi ka na lang na "Rebound mo lang pala ako!!" All Rights Reserved 2015 ©ItsMeKP23